“AKALA ko ba busog ka na!” anang Uran kay Sirak habang pinagmamasdan ang dalaga sa pagkain nito. Nag-angat naman siya ng mukha upang tingnan ang binata. Nakangiti sa kaniya ng malapad si Uran. Ang ngiti nito ay tila nanunudyo sa kaniya. Jeez! Hindi niya napigilan ang sarili niya. Gutom na gutom na talaga siya. Kaya hayon at nakalimutan niyang magdahan-dahan manlang sa pagkain niya. Para hindi mapahiya sa binata ay inismiran niya ito at isinubo ang huling Paella na nasa plato niya. “Masarap ang pagkain. Kaya kahit busog ka na... mapapakain ka pa, lalo na kapag paborito mo ang pagkain.” “Yeah right. That’s why ipinaluto ko talaga ang paborito mong Paella.” Muli siyang napatingin dito. “Talaga?” bigla naman siyang nakaramdam ng kilig sa kaniyang kaibuturan dahil sa sinabi nito. Kaya pal