“SAAN KA PUPUNTA BAKLA?” tanong ni Paulo kay Sirak nang tumayo ang dalaga sa puwesto nito. “Um, lalabas lang ako saglit. Naiinitan ako e!” aniya. Malamig naman ang aircon sa loob ng function hall. Pero dahil sa alak na ibinigay sa kaniya ni Paulo kanina, ayon at unti-unti siyang nakakaramdam ng init sa katawan niya. Gusto muna niyang lumanghap ng sariwang hangin. “Diyan lang ako sa Veranda at babalik din ako agad.” Saad pa niya. “Sige. Pero huwag ka lang magtatagal huh! Baka hanapin ka ni Jen.” “Yeah!” ’tsaka siya tumayo na ng tuluyan sa kaniyang puwesto at naglakad na upang tunguhin ang Veranda ng function hall. Pagkalabas niya sa sliding door ay kaagad na sumalubong sa kaniya ang malamig na simoy nang panggabing hangin. Kahit nakasuot naman siya ng white long sleeve polo na nakatupi