WALA sa sariling napayuko na lamang si Sirak kasabay nang pagkagat niya sa pang-ilalim niyang labi. Diyos na mahabagin! Mukhang mabubuko pa ata sila ngayon. Kung bakit kasi hindi manlang nila napag-usapan ni Uran ang tungkol doon kagabi bago sila naghiwalay? O sana manlang gumawa sila ng script para nagkatugma ang sagot nila sa tanong na iyon ni Señora Salvador. “Eroplano? Hotel?” tila naguguluhang tanong ni Señora Cattleya habang ipinapagpalipat-lipat ang tingin sa dalawa. Napalunok siya ng kaniyang laway ’tsaka siya muling nag-angat ng mukha at tiningnan din ang mag-asawa. Ngumiti siya sa mga ito. Pagkatapos ay muli niyang nilingon ang katabing binata. “Um, babe...” oh God! Sa isip-isip niya. Really, Sirak? Naki-babe ka na rin sa lagay na ’yan huh! Pero aminado siyang nakaramdam na