MAY HALOS isang oras na ata simula nang makabalik siya sa Penthouse pagkatapos ng pag-uusap nila ni Leceil doon sa banyo. Pagkatapos niyon ay hindi na siya bumalik sa cottage para makisali sa kasiyahan ng mga empleyado ni Uran. Tapos na rin siyang magbanlaw, nakapagbihis na rin siya. Tila hindi siya mapakali at paroo’t parito ang kaniyang lakad sa loob ng kuwarto. Mayamaya ay muli siyang nagpakawala nang malalim na buntong-hininga pagkatapos ay napatingin ulit sa maliit na recorder na nasa ibabaw ng bedside table. Nang umalis siya kanina sa banyo, nagdadalawang-isip pa siya kung kukunin niya ba iyon o hahayaan na lamang doon. Pero sa huli, kinuha na rin niya iyon dahil sa kuryusidad na nabuo sa isipan niya. She wanted to know kung ano ba ang sinasabi sa kaniya ni Leceil na napag-usapan nit