HALOS ISANG Oras ng nakaalis ang lalaki at kasalukuyan naman na nag-aayos siya upang makaalis rin, Laurence called her earlier na kailangan na nilang I submit sa abogado ang annulment paper. At ngayon ay kailangan niyang puntahan ang isang abogado na nakilala niya noong bata pa siya. Ito ang abogado ng pamilya Vega. At siya ang pupunta doon upang dalawin na'rin ang abogado dahil maraming taon na ang lumipas noong huling kita nila. Tumawag kasi siya kahapon kung nasaan na ito pero nasa rest house pala ito patungo sa Davao city kaya't kailangan niyang puntahan doon. Pasalamat rin siya dahil umalis si Raven ngayon hindi niya na kailangan pang magpaalam. Ang ina-alala niya kasi ay baka sasama ito sa kanya. Hindi na magiging surpresa kung sasama ang lalaki sa kanya. Pagkababa niya ay nakita n