bc

The Heartthrob Billionaire Superstar

book_age18+
2.1K
FOLLOW
13.6K
READ
billionaire
possessive
independent
sweet
bxg
city
first love
model
gorgeous
passionate
like
intro-logo
Blurb

Ayumi Candice Nishida is a young, smart and a beautiful college student in a prestigious university in the country. She is also a fan of Darren Harris Miller, popularly known as The Heartthrob Billionaire Superstar. He's the man of every girls dreams. And he is famous all over Asia because of his looks and hit movies.

Ano kaya ang mangyayari kung pagtagpuin sila ng tadhana?

What if she accidentally fall in love with him?

Kaya niya bang harapin ang mga pagsubok na kaakibat ng magmahal ng isang "Superstar"?

chap-preview
Free preview
Prologue
Ayumi "Uy, nabalitaan niyo ba na hiwalay na si Darren sa long-time girlfriend niya?" ani ng classmate kong si Misty sa kanyang mga kaibigan. Dinig ko ang chikahan nila kahit maingay sa loob ng classroom. Isa lamang sila sa milyun-milyong fans ni Darren Miller. Sikat kasi ito hindi lamang sa bansa kundi sa buong Asya. Thanks to his first hit movie, "Young Love", on which he's the male lead. Ito rin ang naging dahilan kaya siya sumikat ng bongga. He's now an A-List movie star of the country. The leading lady opposite him in Young love, Elissa Yuen, also earned huge amount of love from their fans. Their tandem was well-received by fans. They have a great chemistry together on screen. #Darrlissa were all over social media sites, tagging them as a perfect couple. But as to fans dismay, their great chemistry didn't proceeded off screen. Darren had become the heartthrob of many. Winning over a legion of fans all over Asia with his effortless good looks, a pair of sexy light green eyes that can seduce women just by looking at them. His angelic features, blond hair, not to mention an incredible body, which made every girls swooning. And of course, his panty melting smile. He's half Aussie. He was born in Australia then moved here in the Philippines when he was still young. His career started when he was signed to an international modelling agency at just 13 years old. Then cast for various roles in movies and TV series. 'Yun nga lang, meron na siyang girlfriend. Hindi ko lang alam kung totoo ba ang rumors na kalat na ngayon sa social media, na hiwalay na daw ito sakanyang long term girlfriend of almost a decade. I'm just a silent fan of him. Tulad ng mga fangirls niya, isa rin ako na sumusuporta sa mga latest movies, tv shows at mga product na ine-endorse nito. Pero sa kasawiang palad, hindi ko pa siya nakikita sa personal. Hindi kasi ako makapunta sa mga concerts niya. Bukod kasi sa pagiging magaling niyang actor, isa rin itong mahusay na singer. He's such a really talented guy. Napakayaman pa. Isa itong bilyonaryo. Mayaman ang angkan ng pamilya niya. Ang swerte ng girlfriend niya sakanya. "Ay true, mga beshie. Kalat na sa social media na cheater si gurl," ani Krisha. "Kala mo naman kagandahan, eh puro retoke naman," nakasimangot na wika nito. Darren's long time girlfriend is Georgina Ortega. She's also a popular actress and a sought after product endorser. Kabi-kabila ang kanyang mga ine-endorse na mga produkto mapa tv commercials o print ads. Darren and Georgina were friends before they became lovers. They know each other since childhood. Akala nga ng karamihan sila na ang magkakatuluyan hanggang sa huli. Though, I don't know much about the rumors circulating on the social media. Pero feeling ko din na hiwalay na nga sila. Hindi narin kasi nagpo-post ng mga pictures nila together si Darren sa kanyang personal ** account. Ilang taon ding nilihim ni Darren ang relasyon nila ni Georgina. Kadalasan kasi, kapag tinatanong ng press si Darren about sa relationship status nila ni Georgina, ang sinasagot lamang nito ay kaibigan niya lamang ang babae. Kaya naman dumating sa punto na nasasaktan na ang girlfriend niya dahil hindi niya maamin sa publiko ang totoong estado ng kanilang relasyon. Agad namang bumawi sakanya si Darren at inamin sa press na may girlfriend na nga siya. At si Georgina nga ang maswerteng babaeng minamahal nito. Madalas din na umiiwas si Darren kapag ang topic ng makukulit na media press ay ang kanyang girlfriend. He's very protective of her. And he value their privacy. Pinagtatanggol din nito ang kanyang girlfriend sa mga accusations na binabato rito. Maraming fans din ang umaaway kay Georgina sa social media. Kesyo hindi raw ito nababagay kay Darren. Masyado raw itong ambisyosa at gold digger. Ginagamit lang daw si Darren para sumikat. At kung anu-ano pang masasakit na salita. Kahit na pinagsasabihan ni Darren ang kanyang mga fans na tigilan na si Georgina ay hindi parin niya maawat ang mga haters ng kanyang girlfriend. Mahirap palang magkaroon ng isang boyfriend na superstar. I pity her. Masyadong judgemental ang society. Saka maraming possessive and psycho fans si Darren. His jealous fans were very determined to tear them apart. Kaya ako, hanggang paghanga lang talaga ang meron ako sakanya. Ewan ko ba ba't ganun ang ibang fans niya. I mean, they can love him as much as they want, but they can never own him. May personal na buhay din ang tao. Napabuntong-hininga nalang ako. Matapos ang klase namin ay umuwi na ako sa tinutuluyan kong apartment dito sa Makati. Mag-isa lang din akong naninirahan sa apartment na 'to simula ng mag aral ako dito sa Maynila. Malapit lang din ito sa pinapasukan kong isang sikat na private University. Maswerte ako dahil nakapasa ako bilang scholar. Kaya naman laking pasasalamat ko kay God dahil wala akong binabayaran na tuition fee. I'm a full scholar. Laking tulong din ito sa pamilya ko dahil mag isa lang kasi kaming tinataguyod ni mommy. Hiwalay na kasi siya sa biological father ko na isang Japanese. Dalawa lang kaming magkakapatid. Ang nakababata kong kapatid na lalaki ay nasa Cavite kasama ang mommy ko. Nasa unang taon palang din ako ng kursong Accountancy. Kaya hindi ko dapat mapabayaan ang pag aaral ko. Lalo na mahal ang tuition fee na babayaran mo pag hindi ka isang scholar. Nasa second spot kasi ang school namin sa top 10 na may pinakamahal na tuition fee sa bansa. Ginto na nga ang tuition, ginto pa din ang pagkain sa canteen. Nakakaloka. Kaya nga rumaraket ako bilang isang part-time model. Nang sa ganun ay may pambayad ako sa inuupahan kong apartment at budget narin sa araw araw na pagkaen dahil mahal ang bilihin sa Maynila. Di tulad sa probinsya na kapag wala kaming ulam ay pipitas lamang ako sa likod bahay namin ng talbos ng kamote. Kaya naman pinasok ko na ang modelling ng may talent agent na lumapit sakin isang araw nung naggagala ako sa mall. Kaya naman ng schedule ko sa school, kaya tuloy-tuloy lang akong tumatanggap ng mga offer. Pag-open ko ng f******k account ko ay marami akong nakitang messages. Nambubuwisit nanaman kasi ang kapatid kong pasaway. Grrr... "Huy, Candice Everdeen," ani ng kapatid kong walang magawang matino sa buhay. "Bakit bukyo?" reply ko rito. "Kelan ka uuwi?" reply niya sakin. "Sa sembreak pa. Bakit? Miss mo na ba ako?" tanong ko rito. "Oo miss na kita...miss ng asarin," tugon niya. "Ewan ko sa'yo! Mag-aral ka diyang mabuti. Huwag mong pasakitin ang ulo ni mommy." Palagi kasing napapatawag sa guidance ng school nila si mommy dahil sa mga kalokohang pinaggagagawa niya. Akioh is my younger brother. I'm just three years older than him. I'll be turning eighteen this year. Nung nasa Cavite pa ako ay lagi kaming nag-aaway nun. Para kaming mga aso't pusa ng kapatid ko. Lagi kaming nag-aasaran ng kapatid kong iyon. We always argue in everything. Pero nami-miss ko na ang kakulitan at asaran namin simula ng dito na ako nag aaral sa Maynila. Anim na buwan narin na 'di ko sila nakikita ni mommy. My Mom was an entertainer in Japan before. Doon niya rin nakilala ang Daddy ko. Nawalan narin kami ng communication kay dad simula ng manirahan na kami dito sa Pilipinas ng kapatid ko kasama si mommy. Maayos ang pamumuhay namin sa Japan. Nabibili namin ng kapatid ko ang kung anumang magustuhan namin. Spoiled kami ni daddy. Isa kasing businessman ang aking ama. Akioh and I were born and raised in Japan. We just moved here in the Philippines 5 years ago. Nakaranas din ako ng culture shock nung una. Ibang-iba ang naging pamumuhay namin dito, kesa nung nasa Japan pa kami. Hindi naging madali ang unang taon na paninirahan namin dito sa Pilipinas. Parati naming problema ang pera na hindi naman namin naranasan problemahin nung nakatira pa kami sa Japan kasama si daddy. Pero sadyang ganun talaga ang buhay, kailangan lang lumaban at magpatuloy. Hindi man madali para sa'min ng kapatid ko na mawalay sa tunay na ama, ay kinakaya parin namin para kay mommy. "Coleen, long time no see," natutuwang sabi ko sa bestfriend ko. Magkaibigan na kami since highschool pa kami. Nagkita kami ni Coleen sa isang mall dito sa Makati. Dito narin kasi siya nag-aaral sa Maynila. Magkaiba kami ng school na pinapasukan dahil hindi nakapasa ang bestfriend ko na maging scholar ng university na pinapasukan ko. Sa isang state university siya dito sa Maynila nag aaral. "Oo nga eh. Miss na talaga kita, bes," aniya. Nakaupo kami sa may food court. Sunday naman ngayon kaya tinext ko siya na magkita naman kami ngayon. At isa pa, alam ko namang pupunta rin siya dito dahil may mall show mamaya si Darren kasama ang leading lady niya sa latest niyang movie. Maaga pa pero andami na agad tao sa mall. Mamaya pang hapon ang mall show ni Darren kaya pwede pa kaming mag ikot-ikot ngayon. "Bes, nakita mo na ba 'to?" Pinakita niya sa'kin ang isang post sa f******k. May magaganap daw na audition tungkol sa isang next girl group sensation sa bansa sa susunod na buwan. Ang makakapasa daw sa audition ay ime-mentor ng isang sikat na Kpop superstar para mapasama bilang isa sa member ng newest girl group sa bansa. "Ah, 'yan ba? Nakita ko na n'ung isang araw." ani ko. "Talaga? Huwag mong sabihin na hindi ka interesado bes? Eh 'di ba hilig mo naman talagang sumayaw at kumanta. Sayang naman," ani Coleen habang ngumunguya ng binili naming fries. "Eh, 'di ba nga, may trabaho na ako. 'Di na kaya 'yan ng sched ko sa school," ani ko. "Ganon? Eh, kung i-give up mo na ang modelling career mo? Mas malaki ang kikitain mo diyan, bes. Tingnan mo, anlaki ng cash prize na makukuha ng maswerteng makakapasa sa audition," aniya. "Tsk. Ikaw din. Sayang naman. Minsan lang dumating ang opportunity." Sa totoo lang, gusto kong mag audition. Kaso may part-time job naman na ako. Isa pa, nag-aaral pa ako ngayon. Pero pangarap ko din talagang mapasama sa isang girl group. "Bes, dali! Bilisan mo! Mauunahan tayo sa upuan!" ani Coleen na halos tumakbo na sa sobrang pagmamadali. Nagmamadali siyang makaupo kami sa vacant seat malapit sa stage ng activity center para mamaya. Die-hard fan kasi ang matalik kong kaibigan ni Darren. Halos mapuno ng posters ng pagmumukha ni Darren ang kanyang kwarto. Isa rin siya sa mga natuwa nung kumpirmahin ni Darren na hiwalay na talaga sila ng kanyang long-term girlfriend. Hater kasi ni Georgina ang bestfriend ko. Kabilang kasi ito sa samahan ng mga possesive fans ni Darren. The response of their fans about their break up were mixed. Some were shocked and confused. Marami ring nalungkot sa confirmation na iyon ng aktor, pero mas marami parin ang natuwa sa balita. His posessive fans said they've been waiting for this moment for a long time. As if they have a chance to steal Darren's heart. Nakakabinging sigawan at tilian ang maririnig sa paligid. Maswerte kami ni Coleen dahil maaga kaming pumwesto sa activity center para lang malapit kami sa stage. At ng makita ng malapitan ang iniidolo naming si Darren. Nang lumabas na ng backstage si Darren para magperform ay nakakabinging tilian at hiyawan ang sumalubong rito. Halos mabasag ang eardrums ko. OMG! OMG! Darren freaking Miller is in front of us! He's insanely handsome in person! Napakatangkad rin nito. Sa palagay ko ay lagpas 6 foot ang height niya. He has a fair skin. Napakaganda rin ng katawan nito dahil halatang madalas itong nasa gym. Gosh! He's dripping with s*x appeal! I was so starstruck! Mas lalong kinilig ang lahat ng ngumiti ito. Kaya naman halos maglaway ang katabi ko sa pagnanasa kay Darren. Parang hihimatayin na nga ang kaibigan ko ng magpakita na si Darren sa stage, kasama ang kanyang magandang leading lady. Halos lahat ng kababaihan, mapa bata, matanda o bakla na nandito ngayon ay wagas kung makatili at kiligin. "I love you, Darren!" sigaw ng mga babaeng fans ni Darren na nasa likod namin ni Coleen. Mas lalong nakakakilig ng magsimula na siyang kumanta ng isang romantic song. Song about heartbreak and moving on. I think he's still mending his broken heart. Ilang buwan palang kasi ang nakalilipas mula ng maghiwalay sila ng kanyang ex girlfriend. I just saw him smiled again to his fans today. I never got to see him smiles on his recent interviews on TV. I think he's still not over his ex. And as his fan, it hurts me to see him sad too. 9 years is not a joke. Ilang buwan nalang 10 years na sila pero naghiwalay pa din. Totoo nga talaga ang kasabihang "walang forever". I've never been in a relationship before. Natatakot kasi ako na magmahal at masaktan. Tulad ng nangyari sa mga magulang ko. They onced love each other deeply. Pero sa huli ay naghiwalay pa din sila. "Haay, ang saya-saya talaga, bes. Eto na talaga ang pinakamasayang araw sa buhay ko," ani Coleen. Walang pagsidlan ang kanyang kasiyahan. Ako man ay hindi maipaliwanag ang sayang nadarama ng makita ko na ng tuluyan si Darren sa personal. Natupad narin ang isa sa mga pangarap ko. Ang makita si Darren sa malapitan. Hindi yung sa tv lang. Sobrang fan niya talaga ako. Seeing Darren made my day. "Bes, ang gwapo-gwapo talaga ni Darren!" ani Coleen. Hanggang ngayon ay hindi ito maka move on. Kilig na kilig parin ito. "Oo nga eh, sobra!" ani ko na hindi narin napigilang kiligin, kapag naaalala ang itsura ni Darren kanina sa stage. Kahit na casual outfit lang ang suot nito kanina ay litaw na litaw parin ang kanyang kaguwapuhan. "Haay, swerte talaga ng bruhang Georgina na yun," biglang napasimangot naman si Coleen ng banggitin niya ang ex ni Darren. Bitter kasi talaga ito nung magkasintahan pa sina Darren at Georgina. "Saksakan talaga ng swerte ng babaeng yun. Hindi naman maganda, pero nagustuhan ni Darren. Tapos nagawa pang magloko." Wika ni Coleen. Napailing nalang ito. "Malay mo hindi naman talaga totoo yung balitang nagloko siya. Alam mo naman sa showbiz," ani ko. Magulo naman talaga ang buhay sa showbiz. Lalo na kapag may karelasyon kang kapwa artista rin. Isa pa sa nakakagulo sa magandang relasyon ng mga artista, ay ang panghihimasok ng media press sa relationship ng mga showbiz couple. Uso na rin ngayon ang mga paparazzi. Mahirap talaga ang mundong ginagalawan ng mga artista. Hindi sila nakakakaligtas sa panghuhusga ng publiko. At pati ang kanilang personal na buhay ay pinapakealaman ng mga tao. Mapa-haters man ang mga ito. Andami-daming artista ang naghihiwalay taun-taon. Wala talagang forever sa showbiz. Yung iba ay sa non-showbiz personality nakakahanap ng forever. Palabas na kami ng mall ni Coleen. Nakaalis narin si Darren. Hindi ko talaga makakalimutan ang araw na ito.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Stubborn Love

read
98.9K
bc

Bittersweet Memories (Coming soon)

read
85.5K
bc

The Billionaire's Bed Warmer ✔

read
91.8K
bc

My Cold Husband(Tagalog)

read
853.1K
bc

My Secret Agent's Mate

read
115.5K
bc

The Cold Husband-SPG

read
4.7M
bc

The Runaway Mrs dela Merced

read
507.3K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook