Nang matapos kami sa paggawa ng plano umalis na rin kaming apat sa secret place.
"Magpahinga muna kayo dahil mamayang gabi may training pa rin kayong gagawin," sabi ni miss Erika sa aming dalawa ng kaibigan ko.
"Meron pa rin?" sabat niya kay miss Erika na kaagad tumango sa akin.
"Ano ka ba? Ganun talaga, nandito tayo para sa misyon kailangan nating maging malakas." sabat ko naman sa kanya at humalukipkip ako nang kamay.
"Oo na! Nagsabi lang ako, saka, anong oras, miss Erika?" tanong pa rin niya kay miss Erika tumingin na rin ako sa kanila.
"10:00pm to 1:00am, miss Foster hindi nyo makakasama ang bago nyong ka-team iba ang magtuturo sa inyo mamaya." sagot ni miss Erika sa aming dalawa.
"Bawat bagong salta dito dadaan sa ganitong training kahit matagal na kayo sa ibang branch ng building may bawat klase din kayo pupuntahan na parang unibersidad sa loob ng building." sabat naman ni Zas at napatingin ako nakikinig lang ako sa kanilang sinasabi.
Nasalubong pa namin ang mga kapwa agents na napapatingin sa amin habang naglalakad. Nakita pa namin ang magkakaibigan na nag-uusap hindi ko na lang sila pinansin.
"Miss Erika, susunduin namin ang pinapagawa nyo sa amin hindi lang dahil sa bansa namin kundi sa buong mundo." sabi ko na lang sa kanya hinawakan niya ang balikat ko na kinatigil ko kaagad siyang bumitaw sa akin.
"Sorry, pero salamat tutulungan ka rin namin mahanap ang hinahanap mo." sagot ni miss Erika sa akin at tinawag nito si Zas para sumama sa kanya.
"Sino kaya ang magtuturo sa atin mamaya, ano?" nasabi na lang niya sa akin nagpunta na kami sa canteen nang building.
Nakarinig kami ng iyakan sa itaas ng building kung saan ang parte ng pagiging hospital nang kinatatayuan namin.
Kumaripas ng alis ang ibang agents nang tawagin sila ni Zas mula sa speakers. Napatingala pa kaming dalawa at hinanap ang speaker pero, wala kaming makita.
"Pinarusahan ka na siguro," bungad ni David kasunod ang mga kaibigan niya.
Nabaling ang tingin namin sa kanila at hindi na lang ako nagsalita pa.
"Hindi nyo ba narinig? Kami pa ang hiningan nila ng tulong ni miss Erika kailangan lang namin nang mas lumakas para sa misyon namin." nasagot na lang niya sa kanila.
Natahimik sila nabaling ang tingin ko kay David bago bumuntong-hininga nang mapansin kong naka-titig lang siya sa akin hindi ko iniwas ang mukha ko.
"Bukas nyo na lang kami i-train dahil nagugutom na kami ng kaibigan ko," banggit na lang niya at hinaltak ako palayo sa mga kalalakihan.
Nang makarating kami sa canteen umupo kaming dalawa sa bakanteng pwesto.
"Nakakagutom ang sagupaan nyo ni David, at lalo nang sabihin ni miss Erika ang misyon." sabi na lang niya at napatingin tuloy ako sa mga naka-paligid sa amin.
"Maiwan ka dito at ako ang bibili ng maiinom natin," sagot ko sa kanya at tumayo na ako sa inupuan ko mabuti na lang palagi kong dala ang wallet at cellphone ko.
Naalala ko tuloy sina lolo at lola na naiwan sa Pilipinas. Mamaya tatawag ako sa kanila nag-text lang ako mula nang dumating ako dito sa Australia.
Pumila ako sa likod kumunot ang noo ko nang may lalaki akong nadaanan sa pila umiwas na lang ako nang tingin mapansin kong lilingon sa akin ang babaeng kasama nito.
Tinalasan ko ang pandinig ko para marinig ang kanilang pag-uusap, hindi ko masasabing chismosa ako gusto ko lang masiguradong kung tama ang hinala ko at kahit hindi pa ako sigurado.
"Baby, take a break, your eyes already have eyebags." I heard the woman say to the man.
He's my father, I'm just not sure he's just getting older he looks like his father.
"I'm really going to rest, baby I haven't slept yet because of my schedule of making medications." the man in front of her replied.
"You're one of the ones they trust, baby." the woman replied.
"Don't you have a mission?" the man asked.
Napalingon ako sa kaharap ko nang lumakad umabante naman ako nasa unahan sila ng kaharap ko.
"Is he what I'm looking for?" I whispered to myself.
"Lumakad ka na kaya," bungad ng boses na pamilyar sa akin dahilan para lumingon ako.
Inirapan ko na lang ang nasa likod ko napatingin ako sa kaibigan ko na kasama nang mga kaibigan nito. Lumakad na lang ako at hindi ko siya pinansin hanggang sa umabot na ako sa counter at sinabi ang bibilhin ko.
"Thank you," sagot ko na lang at binitbit ko ang tray na naglalaman ng inumin namin nakita ko na magkakasamang kumakain ang mga tao at katulad namin ng lalaking nasa likuran ko.
"Until tomorrow I don't have a job, let's go out of the city." I heard the man say I had already walked and pretended to pass them.
"I'll tell our team leader." the woman replied and I heard the place where they were going.
I sat next to my friend when I got to our seat.
"Leave our place with many more empty tables," she said to those with us.
"Our friend filled the team, why would we leave him even though our team is different." answered of one of David's friends.
Hindi na lang ako umimik at kinuha ko na ang iinumin ko.
"Girls talk kasi ito at inaabala nyo ang katahimikan ng paligid namin," sabat na lang niya sa kanila at humigop na ako.
"Ano ang misyon nyo?" tanong ni David bigla sa amin at tumingin sila sa kanya.
"Hindi pwedeng sabihin sa inyo ang sinabi ni miss Erika, confidential alam nyo naman 'yon kapag tungkol na sa misyon," sagot niya sa amin hindi sila nakapag-tanong.
Hindi na lang namin sila pinansin at ininom na ang baso na may lamang dugo. Nang matapos tinapon niya ang pinag-gamitan namin naiwan ako kasama ng mga lalaki na hindi nagtatanong sa akin.
"Naisip namin kanina na kaya pina-tawag kayo ni miss Erika dahil sa ginawa nyo ni David," sabi ng isa sa kaibigan nito hindi ako nagsalita sa kanya.
"Ganyan ka ba talaga, suplada at hindi nagsasalita sa hindi mo malapit, paano ka nabigyan ng misyon?" tanong ng kaibigan nito kaya nagsalita na ako.
Tumingin muna ako sa kanila bago ako magsalita para hindi na sila magtaka.
"Oo ganito ako mula pa noon, bakit nga ba? Madali lang ang sagot sa tanong mo." sagot ko at tumayo na ako para salubungin ang kaibigan ko.
Lumakad na kaming dalawa palabas ng canteen inaasar lang sila ng kaibigan ko nang lumayo sa akin. Pumunta kami sa itaas ng gusali pinagpalit kami ng tauhan ng damit nang nasa daanan na kaya nagpalit kaming dalawa para daw hindi kami makilala ng masasamang nilalang na nagmamatyag sa aming building.
Pinayagan na kaming dumaan at lumakad na kaming dalawa pataas. Namangha kami sa itsura nang hospital masyadong high tech ang kagamitan katulad ng ibaba.
Magpanggap daw kaming nurse ng hospital mabuti napag-aralan namin ito noon sa Pilipinas.