Muli akong humugot ng isang malalim na buntonghininga.Sakto nman dumating ang aming professor.Pinilit ko nalang magpukos sa tinuturo niya.Kahit na parang nakikita ko ang kaniyang guwapong mukha sa mukha ng aming professor.
SIMPLE lang nman ang aming pamumuhay hindi kami mayaman at hindi rin nman masasabing naghihirap kami.Sakto lang nman.Siguro dahil nakahanap ng mas magandang trabaho si tatay.
Dati kasi hirap kami pagdating sa pagkain namin araw araw.Naroon maglako kami ng anuman puwedeng ilako may makain lang kami sa araw araw.Tinitiis ang init ng sikat ng araw.Makabenta lang upang may maipambili ng pangkain sa isang beses sa isang araw.Dumadating pa nga sa punto na halos utangan ka pa.Tapos kapag maniningil ka na sila pa ang galit.Sasabihan ka pa na hindi makapaghintay.T*ngna,makakapaghintay ba ang kumakalam na sikmura.Saka pinaghintay ba namin siya nung pinautang namin siya.Umabot pa nga kami sa barangay dahil doon.
Syempre nanalo kami ayon bayad siya.May pera Naman pala.Bakit ka paapi kung alam mo nman may Laban ka.Kaya ka nga naghahanap buhay para may ipakain ka sa pamilya mo.Tapos gaganunin ka pa.Wag ganun..char.
Kaya napilitan si tatay sumubok maghanap ng trabaho sa Maynila.Ayaw man namin pero dahil sa kakulangan nga namin napilitan kaming pumayag sa pagalis ni tatay.Iyun ang kauna unahan pagkakataon na napalayo kami sa kaniya.Nung una nahirapan kami dahil hindi kami sanay na malayo kay tatay.Ang mas nahirapan si Nanay.Nakikita namin ang lungkot niya paghihirap.Naawa kami sa kaniya kaya nga hindi kami nagkulang para libangin siya.
Nang maging maganda na ang trabaho ni tatay doon na nagumpisa ang pagiging maayos namin pamumuhay.Natuto kami sa pagtitipid ng pera.Nakakapagaral na kaming dalawa ni Jude.Mayron na rin kaming maliit na negosyo sa palengke.Na kalaunan ay papalitan na rin namin ng isang pharmacy.Iyun kasi ang kulang dito SA lugar namin.Kaya nga may kinalaman sa pharmacy ang kursong kinuha ko.
Naramdaman ko kaagad ang paghila sa akin ni Aling Lorna.Nagkubli kami sa pader malapit SA kinatatayuan namin.Lalong nabahala ito ng sumilip sa kinaroroonan ng mga kidlat gang.
"Susmaryosep!" napaantada ang nagaalala at nahihintakutan matanda."Bakit mo kasi ginawa iyun?Mas lalo mo lang pinapahamak ang sarili mo!" naiiyak ng sermon nito sa akin.
"Hanapin ninyo kung sino ang lapastangan na bumato sa akin.?!" dinig namin ang nanggagalaiting sigaw ni Totoy kidlat.Sa tono niya tila gusto ng pumatay.
Napayakap ako SA akin sarili ng makaramdam ako ng kilabot.
"Aling Lorna,baka po kasi kung ano gawin nila sa bata.Wala po iyun kalaban laban." namumutla kong anas.
Pati mga kamay ko ay nanlalamig na rin.
"Halika na umalis na tayo dito.Bago pa nila tayo makita."
"P-pero aling Lorna hindi ko po puwedeng iwan Iyong bata."
Tinignan niya ako tila nasisiraan na ako ng bait.Bagamat naroon ang pagaalala kababakasan pa rin iyun ng pagkairita sa akin.
"Eh ano ngang magagawa natin?Mga baril sila at mga halang pa ang mga kaluluwa.Sa tingin mo sasantuhin tayo ng mga iyan!" di na mapakaling saad ni Aling Lorna.
"Labas!!!!" sunod niyon ang malakas na putok ng baril na pumailanlang sa ere.
Muntik na kaming mapatili kundi lang namin natakpan ang aming mga bibig.Sunod sunod na putok pa ang aming narinig.
"Lalabas ka ba o papuputukan ko ang batang ito?!" muling sigaw ni Totoy Kidlat sa tonong may pagbabanta.
Matigas na umiling si Aling Lorna sa akin.Pinanlamigan ako ng katawan.At ang takot na lumulukob sa akin ay lalong lumalala.Natatakot ako hindi lang para sa akin sarili.Kundi para sa batang hostage nila.
Nagiinit ang aking mga mata.Hindi malaman ang gagawin.
"A-aling Lorna..u-umalis na po kayo.Ta-tapos humingi po kayo ng tulong." nagsusumamo kong anas kay Aling Lorna.
Nakabadha ang pagtutol sa mukha nito.Tila ayaw sumangayon sa nais kong mangyari.Ngunit ito lang ang tanging paraan upang hindi na madamay pa ang matanda.Baka kaya ko nman silang lansihin.
"Magiingat Ka hija.Tatawag ako ng makakatulong sayo.Pangako babalik ako." anito.
Napahugot ako ng malalim na hininga.Sa kabila ng pangamba sa maaari niyang gawin sa akin lkas loob akong lumabas mula sa pinagtataguan ko.Na isang malaking pagkakamali.Dahil may kung ano silang hinampas sa akin na ikinadilim ng paningin ko.
"Ano bang pinagkakain ninyong dalawa at sabay pa na sumakit ang tiyan ninyo?" usisa ni lola sa amin.
Inabutan niya kami pareho ng gamot sa sakit ng tiyan.Ngayon lang rumihistro sa akin isipan ang mga nangyari kanina.Pakiramdam ko nangapal ang mukha ko sa hiya.Andun pa man din sina Niccolo.
Hindi lang sila pati ang mga ibang kumakain doon.Wala nman na sa akin kung anuman sabihin nila.Pake ba nila eh mapipigilan ba namin iyun.Saka hindi ba sila nakakaramdam ng ganoon.Siguro nman sumasakit din ang tiyan nila.Hindi mo puwedeng basta mo nalang husgahan ang isang tao dahil lang sa mga nakikita mo.At nababasa mo.Kung hindi mo nman siya kilala ng husto manahimik Ka nalang.At kung ayw mo sa kaniya magkusa ka nalang lumayo.Dahil hindi ka nman kawalan sa kaniya.
Teka parang may pinaghuhugutan.Napatingin ako kay Adrian.Nakasubsob na siya ngayon sa lamesa.Siya iyong pinakamalalang pagsakit Ng tiyan.Halos nakailang balik siya sa Cr eh.
Ako nman ay bumuti buti na rin pagkatapos kong ilabas ang dumi sa akin katawan.May hinala akong na food poison kaming dalawa.Sumusuka na rin kasi Si Adrian kanina eh.Konti lang kasi ang kinain ko kanina.Hindi ako makakain ng ayos knowing Niccolo is there.
Dahil naka disguise ako kanina kaya hindi niya ako nakilala.Matalino si Niccolo hindi ko sigurado kong nalinlang nga namin siya.Base sa pagkakatingin niya kanina parang may hinala na siya.
Bumuntonghininga ako.Ano nman ngayon kung malaman niya na ako nga ang babaeng kasama ni Adrian kanina.As if nman may pakialam siya.Baka nga kunwari lang iyun paghahanap niya sa akin eh.Dahil.kahit paano nahihiya siya kay tatay.Kung meron nga siya noon.
Natigilan ako ng makitang papasok na nman sa banyo si Adrian.Hes a doctor kaya alam kong kaya niyang gamutin ang sarili niya.Subalit hindi ko pa rin maiwasan magalala.
Napagpasyahan namin ni lola na dalhin na siya sa hospital.Kahit todo tanggi si Adrian.Wala na siyang magawa.Kaya nman daw niya sarili niya.
Pagdating sa hospital agad siyang sinuri ng mga doktor.Nakatingin lang nman ako sa kanila habang sinusuri si Adrian.Naagaw nang atensyon ko ang isang babaeng doktor.Para kasing pamilyar siya.Napapaisip ako kung saan ko nga ba siya nakita.Bata pa siya at maganda.May maamong mukha at seksing pangangatawan.Pansin ko rin ang pagiwas ni Adrian ng tingin SA babae.Parang may something.Habang pinagmamasdan sila doon ko lang narealize kung saan ko siya nakita.
Oo tama doon ko siya nakita sa wallet ni Adrian.Nung aksidente niyang mahulog ang wallet niya.Bumukas iyun at doon ko nakita ang mukha ng babae.Kung hindi ako nagkakamali dati niya itong kasintahan.
Napangisi ako ng tumingin siya sa gawi ko.Kunot na kunot ang noo.Pilya kong inginuso ang babae.Halos magsalubong ang kaniyang mga kilay kaya hindi ko napigilan mapahagikhik.Kun wari pa eh.
"Elisa?" tinig buhat SA likuran ko na ikinatindig ng balahibo ko.
Sh*t,bakit ngayon pa?Wala nga pala akong disguise.
"So,it's really you huh?"
Halos manlaki ang ulo ko kasabay ng pagiinit ng aking katawan habang pinapanood ang video.Hindi ko namamalayan na nakanganga na pala ako kundi ko pa naramdaman may kung isinubo sa akin bibig si Dark.
Parang walang anuman tinabig ko ang kaniyang kamay.Pero hindi pa rin inaalis ang paningin SA video.Mahina akong napamura ng maramdaman ang pagkabuhay ng aking alaga ng makitang sa video hinawakan ng babae ang pagkalalake ko.Sunod sunod akong napalunok.Pakiramdam ko pinagpawisan ako ng malapot.
"Hala dude affected much!" sinundan ng halakhak ni Vius.Nakita niyang sumulyap ito sa alaga niya.
Sinamaan niya ito ng tingin pagkuway kinuha ang throw pillow sa aking tabi saka pinatong sa gitna ko.
Nagkatawanan ang dalawa at malokong nagapir pa.Ngunit hindi niya binigyan ng pansin Ang dalawa.
"Who's this woman?" seryoso niyang tanong.
Gusto niyang makilala ang babaeng nangahas na samantalahin ang pagkawalang Malay tao niya.Ang lakas ng loob nitong tsansingan siya.At bakit ganito nlang naging epekto niya SA akin.D*mn,why do I have this feeling na hinahanap hanap ko ang palad niya.
Kumibit balikat ang dalawang tinanong ko na tila sinasabi wala silang alam.
"Her name is Elisa Torres.The daughter of your driver Eliseo Torres."kaswal na sagot ng isa ko pang kaibigan na si Shawn.
Hindi ko alam kung bakit ako biglang napangiti.Wala sa loob na napahimas ako sa akin baba.I smirked.
'humanda ka babae kailangan mo panagutan ang ginawa mo SA akin.I will make you pay'
"Mr.Villaverde,what brings you here?" tanong ni Ad na siyang pinagpasalamat ko.
Hindi pa ako handa na muli siyang makaharap.Dahil bumabalik lamang iyun time kung saan tinalikuran niya ako.Parang sampal iyun sa akin.Hindi ko matanggap hanggang ngayon na pinabayaan niya ako.
Nang magpaalam ang doktor na tumingin kay Ad syaka lang ako lumapit sa kinahihigaan niya.Makahulugan ko siyang tinitigan.Mabuti nalang sa kabila ng panginginig ng aking mga tuhod nagawa kong makalapit sa kaniya.
"My friends are also here.Tulad mo na food poison din sila."aniya.Ramdam ko na sa akin siya nakatingin.Pero iniwasan Kong lingunin siya.Kahit nagulat ako sa kaniyang tinuran.Maging si Ad ay nagulat rin.
"Ibig mo bang sabihin-"
"Yes,Mr.Reyno-"
"Just Adrian..too formal."putol Ng pinsan ko sa sinasabi niya.
Bumuntonghininga si Niccolo.