CASSY Pagbaba ko ng taxi, agad akong naghanap ng bangkero para ihatid ako sa kabilang isla. Pero dahil gabi na, wala na kong makita na bangkang maghahatid sakin. Nanghihinang napaupo ako sa may dalampasigan. Papano na si Michelle? Kasalanan ko to eh. Bigla akong nabuhayan ng loob ng may bigla akong naaninagan sa may dagat. Agad ko itong nilapitan. “Manong! Manong!” tawag ko dito. Agad naman nya kong nilingon. “Pwede nyo po ba akong ihatid dun sa isla?” tanong ko sa kanya. “Gabi na ineng, saka medyo malakas yung alon ngayon.” “Sige na po manong, yung kaibigan ko po kasi nag-iisa don. Kawawa naman kasi sya, babae pa mandin sya manong. Papano na lang po kung biglang may masamang loob pala don o masamang hayop.” Tiningnan lang ako ni manong. “Manong please po. Dodoblehin ko po yung ba