CASSY Pagdating namin ni manong sa isla ay nakita ko agad si Michelle na nakaupo sa isang sulok at nakatungo. Agad akong tinulungan ni manong na makababa sa bangka. “Manong, bukas po ng hapon may magpapahatid po ulit sa inyo dito, mga kasamahan ko po yon, pakilala na lang po kayo, nasabi ko na rin po sa kapatid ko” nakangiting sabi ko dito. Nagtext kase ko kay Pam kanina na tuloy yung dinner date ni Joel and Michelle sa island bukas. Igagala ko muna si Michelle para madistract para makapag-ayos sila. “O sige ineng, mag-enjoy ka lang dyan. Ako ng bahala bukas. Puntahan mo na yung mahal mo at mukhang takot na takot na” tukso pa ni manong. “Kaibigan ko lang po sya manong at hinding-hindi ko po sya mahahalin kahit kailan” “Ako ba ang pinapaniwala mo ineng o yang sarili mo?” Yun lang at u