Kabanata 7

1292 Words

Hingal na hingal ako nang makarating ako sa baryo at nanuyo na lang ang aking mga sugat at halos matumba na ako sa subrang pagod. May iilang mga kabahayan at alam kong hirap din sa buhay ang mga tao dito. Pumunta ako sa may tindahan na may mga nagkukumpolang mga taong nag-tsitisimisan at bago pa ako mawalan nang ulirat ay napansin ako ng mga iyon hanggang sa tinulungan nila akong ibangon at iyon na ang huli kong natandaan. Nagising na lang ako nang may nagpupunas sa mga binti ko kaya agad akong napabalikwas at agad rin akong napadaing sa subrang sakit ng katawan ko. “Huwag kang mag-alala hindi kami masamang tao at tinutulungan kitang bumaba ang sinat mo at gumaling ang mga sugat mo,” bungad sa akin ng matandang babae at sa tabi niya ay batang lalake na may hawak na maliit na plangana.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD