Nagising ako sa katok nang kwarto ko kaya bumangon ako sa kama para lapitan ang pintuan ko bumungad sa akin si mommy.
"Gumising ka na, anak ihahatid ka namin sa school." naka-ngiting bungad ni mommy sa akin at masaya akong tumango.
"Yeah, mommy si ate?" tanong ko ang alam ko maaga rin siyang papasok sa school.
"Nasa ibaba na ang ate mo," sagot ni mommy sa akin at tumalikod na si mommy ako naman dumeretso sa banyo para maligo.
Madalang nila ako i-hatid o sunduin kaya masaya ako nang nagbibihis ng uniform ko. Lumabas na ako ng kwarto bitbit ang gamit ko para hindi na ako babalik sa kwarto.
"Good morning!" bati ko at lumingon sila sa akin nakita ko ang pag-taas
"Good mood ka yata ngayon, anak?" tanong ni daddy sa akin nabaling ang tingin ko sa kanila.
"Masarap lang ang tulog ko, dad." sabi ko na lang at umupo ako sa tabi ni dad katabi naman ni ate si mommy.
"Ito ang gatas mo, hijo." bungad ni yaya at nagpa-salamat na lang ako.
Nag-sandok na rin ako ng kakainin ko inasar pa ako ni ate habang may ginagawa ako. Habang nag-aalmusal ang pamilya namin may nag-doorbell sa gate. Tinawag ni daddy ang katulong namin para tignan kung sino ang bisita namin.
"Sir, si Jin po." bungad ng katulong namin napalingon kami at nakita namin si kuya Jin sa likuran.
"Good morning po," bati ni kuya Jin sa magulang ko tumingin naman ako kay ate nang tumahimik bigla.
"Good morning din sa'yo, hijo." bati ni mommy kay kuya Jin.
"Magandang umaga po, tito at Allen." bati ni kuya Jin sa amin at sumaludo na lang ako sa kanya hindi ako against kay kuya Jin ang ayoko lang makitang iiyak si ate sa kanya hindi sarado ang isipan ko sa relasyon na meron silang dalawa.
"Ready ka na, hija sa debut mo?" pagtatanong ni dad kay ate hindi niya pinansin ang bisita at manliligaw ni ate hindi sa ayaw niya kay kuya Jin.
"Handa na ako, dad para bukas." sagot ni ate kay dad.
"Mom and dad, hindi ako sigurado kung makakahabol ako may school program po sa school namin." sabat ko kaagad sa magulang namin.
"Hindi ka pwede umabsent?" tanong ni mommy sa akin nang balingan niya ako ng tingin.
"H—" putol ko nang sumabat si ate kay mommy.
"Escort siya ng muse kailangan nandun siya pwede naman humabol maaga ang uwian nyo nun," sabat ni ate kay mommy at tumingin siya sa akin.
"Sana lang, ate alam mo inaalok din ako para kumanta dun," naka-simangot kong sagot sa kanila.
"Alam naman ng principal na kapatid kita," sagot ni ate sa akin.
"Ikaw, Jin hindi sa gusto kita sa anak ko patapusin mo siya ng pag-aaral bago ang pakikipag-relasyon naranasan ko na 'yan." puna ni daddy kay kuya Jin nasa tabi ito ni ate nang tumingin ito.
"Opo, tito." sabi ni kuya Jin kay daddy.
"At ikaw, anak hindi sa ayaw pa kitang magka-boyfriend basta tapusin mo ang school mo ngayong grade 12 ka na at mag-college ka na." sabi ni dad.
Grade 12 na siya kaso dahil sa matalino na-advance siya ng school year. Nabaling na lang ang tingin ko sa kanilang lahat at uminom ako ng tubig.
"Yes, dad nanliligaw pa lang po siya mag-iisang taon pa lang po sya nanliligaw." sagot naman ni ate kay daddy.
"Mabuti nga at nagtagal siya sa'yo, ate ang tipid mo eh sa pag-gastos." pag-bibiro ko naman sa ate ko bumaling ang tingin nila sa akin.
"Hindi tulad mo gastador ka," sabi ni ate sa akin.
"Tumahimik kayo nasa harap tayo ng mesa bilisan nyo at aalis na ihahatid ka namin, Allen sa school ang ate mo hindi papasok dahil may taping siya," sabat ni mommy nabaling ang tingin ko sa ate ko at nakita ko ang pag-tango nito.
"Opo, mom." nasabi ko na lang sa mommy ko at tumahimik na ako.
Kumain na kami ng almusal nang matapos naunang tumayo ako at inirapan ang kapatid bago umakyat sa kwarto ko para kunin ang nakalimutan kong cellphone.
Kamusta na kaya siya ngayon?
Napalingom ako nang may kumatok at narinig ko ang boses ni mommy.
"Anak, bilisan mo mahuhuli na tayo." tawag ni mommy sa akin.
"Wait, mom," sabi ko.
Nang lumabas ako ng kwarto nakita ko si mommy.
"Labas ka muna, mom," sabi ko.
"Nahihiya ka pa ba!? Nakita ko na 'yan eh." sagot ni mommy.
"Mom, binata na ako hindi na tulad ng dati." sagot ko.
"Nag-bibinata ka na nga ang bunso ko na hindi pa tuli," naka-ngiti sabi ni mommy sumimangot na lang ako.
"Next year po magpapasama ako kay daddy sa hospital para magpatuli," nasabi ko na lang at tumalikod na ako kay mommy.
"Bababa na ako, anak hintayin ka namin sa sala." sagot ni mommy bago lumabas ng kwarto ko.
"Totoo ba sabi ng mommy mo na magpapatuli ka na sa susunod na taon?" bungad ni daddy sa akin nang akbayan niya ako sa balikat.
"Yes, dad nakakahiya narinig pa nila dad eh," sabi ko.
"Marunong ka na mahiya kapag ganyan nag-bibinata na nga ang bunso ko," pang-aasar ni daddy sa akin.
"Tara, guys tumawag na ang manager natin prince ko nandun na daw si direk." sabat ni mommy.
Lumabas na kami ng bahay at sumakay sa van namin pinaandar ito ng driver namin.
"Akalain mo naman sa trabaho natin nabuo ang friendship, relationship, at away noh! 27 o 31 years na ang noontime show ang tatanda na natin ang anak ng kaibigan natin may asawa at apo na...tayo wala pa huli na kasi pero okay lang makakasama ko pa sa loob ng iisang bubong ang dalawa nating anak." narinig kong sabi ni dad nang nasa loob na kami ng van.
"Nag-drama ka dyan nakikita ng dalawa mong anak," sabi ni mommy at tinampal ang mukha ni daddy.
"Totoo naman, princess ko naiisip ko na lang ang mangyayari pero naiisip ko na magiging masaya naman dahil may makukulit tayong apo na naglalaro sa loob ng bahay natin." sagot ni daddy kay mommy.
"Kaya huwag muna natin isipin darating din 'yon sa atin napaaga lang sa mga kaibigan natin pero tignan mo masaya sila lalo na ang inaanak mo," sagot ni mommy may anak na si ate Elle at si kuya Ash ang ama nag-hiwalay pa ang dalawa noon.
Sa labas ng gate nang school binaba nila ako at humalik ako sa magulang at sa kapatid ko. Nag-apiran kami ni kuya Jin nanliligaw kay ate pumasok na ako sa loob ng school hindi ako sumasabay sa kapwa estudyante nag-suot ako ng headset sa tenga habang papunta sa building ng room namin.
"Bulaga!" bungad ni Mariella napa-atras tuloy ako sa kanya at bumilis ang t***k ng puso ko.
"Hey!" nagulat kong sabi nang may bumulaga sa harapan ko.
"Kanina pa kita tinatawag eh kaya pala naka-headset ka hindi mo nga ako naririnig," puna ni Mariella napansin ang suot kong headset.
"Bakit ba?" tanong ko sa kanya nang tignan ko siya.
"Wala lang, ang sungit mo naman bad mood ka yata sorry," sabi ni Mariella.
Tumango na lang ako sa bagong kaibigan at hinawakan ang kamay ni Mariella.
"Mamaya, sabay tayong mag-break time at sila Xiero pati si Eula," sabi ko.
"Sige," sagot ni Mariella.
Nag-hiwalay na kami at pumasok sa room nila. Wala pa ang katabi ko na si Xiero hanggang sa dumating ang guro namin hindi na nakapasok ang kaibigan ko.
May sakit siguro siya kaya hindi siya nakapasok.