Chapter 1

1539 Words
Xymon's POV. "Saan ka na naman pupunta anak?" tanong sakin ni Daddy. "Hmm dyan lang dad, tatambay lang ako kasama sila Charles" sabi ko habang pinupusod ang buhok ko. Ang init pa naman sa labas, sasagabal ang mahaba kong buhok. "Ano ba naman yang ayos mo anak?! Unica hija ka ng isang mayor pero tingnan mo ang suot mo, ang laki nyang t-shirt mo, nakatokong at rubber shoes ka pa. Umamin ka nga sakin Xymonette, tomboy ka ba?" sabi nito sakin habang iniikutan ako. "Dad, just call me Xymon okay? Mas cool yun at hindi ako tomboy daddy, nakikinig ka sa mga chismis" sabi ko. "Eh bakit puro lalaki ang kasama mo? May mga nakikipagkaibigan naman sayong mga babae pero bakit ayaw mo?" tanong sakin ni Dad. "Dad, mas okay na yung one of the boys kesa naman one of the trying hards" sagot ko. "Sige na dad aalis na ko" dagdag ko bako ako tumakbo pababa. Agad agad naman binuksan ng yaya namin ang pintuan ng garahe kaya mabilis akong nakasakay sa motor ko at nagmaneho papuntang tambayan namin sa plaza rito sa subdivision. Pero bago ang lahat, bago magsimula ang kwento ko, let me introduce myself to you. Ako si Xymon Sebastian. Okay okay sige na! Epal kasi si daddy. Sinabi yung pangalan ko. Nalaman nyo tuloy na pambabaeng-pambabae yun. Ako si Xymonette Lianne Sebastian, 21 years old. Tapos ako ng Financial Management. Di ako nagtatrabaho ngayon dahil someday ako na ang mamamahala ng negosyo ni Daddy. Maagang namatay ang mommy ko dahil sa panganganak sakin, di ko man sya nakilala o nakasama ay mahal na mahal ko sya at namimiss ko sya buti na nga lang at di na nag asawa ang daddy ko kaya nasa akin ang atensyon nya pero akala ko lang pala yun dahil may kahati pa din pala ako, ang politika. Alkalde kasi si daddy dito sa lugar namin. Magaling syang public servant ako na ang nagsasabi sa inyo. Walang reason maging corrupt sya dahil mayaman ang pamilya namin. Hindi ako tomboy, I am kinda sure with that dahil hindi naman ako nagkakagusto sa babae at naga-gwapuhan pa din sa lalaki. They can call me boyish, mas matatanggap ko pa. Maraming nagtangkang manligaw sakin at lahat sila ay nabigo. Wala pa kasi talagang lalaking nakakapag pa fall head over heels sakin. Sorry, pero dahil siguro sa Daddy ko ay mataas ang standards ko. May mga kaibigan ako, lalaki silang lahat si Charles, Drew, Darren at Clark. Ako lang ang babae sa grupo nila. Ewan ko nga ba kung tropa ang turing nila sakin, Minsan kasi pakiramdam ko bunsong kapatid talaga, pero totoong nag e-enjoy ako sa kanila. Madaming nagsasabing sayang daw ang ganda ko dahil hindi ko inilalabas at di ako marunong mag ayos ang madalas kong sagot ay "What for? Di naman ako mabubusog ng ganda kong sinasabi nyo" Sa wakas ay nakarating na ko sa plaza nakita ko silang apat. Kinutusan pa nga ni Drew si Clark. Akala mo ay nag-aaway sila pero kahit ganyan yang mga yan ay ang sasaya nilang kasama. "Hoy mga siraulo!" sigaw ko sa kanila kaya napalingon sila sakin at nagtakbuhan palapit at ang malupit kiniskis nila yung kamao nila sa anet ko. Ang init at kati kaya! "Ano bang ginagawa nyo?!" sigaw ko sa kanila bago inayos ang buhok ko. "Ang cute mo talaga pare kapag nagagalit ka" Darren. "Oo nga, namumula sya ng husto, akala mo kamatis" sabi ni Charles. "Mga leche! Tantanan nyo ko! Hiring ng demonyo, refer ko kayo?" sigaw ko sa kanila. Napatingin ako sa entabladong nakalatag sa plaza. "Anong meron dyan?" tanong ko sa kanila. "Merong miss gay dyan mamaya. Judge nga ang daddy mo, di mo ba alam?" tanong na sabi sakin ni Drew. "Mukha bang alam ko?" sarcastic kong tanong sa kanya. Tinawanan nya lang ako. "Gusto mo tol, nood tayo mamaya nyan, lahat tayo. Nakakatuwa yan tol, tara?!" pagyayaya sakin ni Clark habang akbay ako. "Oo na, oo na" sabi ko. Nagkulitan pa kami pero maya maya lang ay narinig na namin na magsisimula na ang palabas kaya lumapit na kami sa entablado. "Magandang gabi, magandang gabi" bati nung mga host na naka high pitch pa ang boses. "Welcome sa ating unang patimpalak para sa mga bakla na pinamagatang Ikatlong Lahi 2015!" Masayang pagbati ng co host nito na bakla din. Nasa bandang unahan kami. Nakita pa nga ako ni daddy at niyaya akong umupo dun sa VIP seats sa likod ng nga judges at naging sunod-sunod ang pag-iling ko. "Magandang gabi mga audience, lalo na sa dilag na to na nasa harapan at sa mga kasama nyang papalicious" sabi ng host na ang tinuturo ay kami. Ini snob ko lang ito, hindi talaga ako mahilig makipag socialize. "Sayang si ate, tomboy ata" sabi ng co-host nya. Hindi ko alam kung bulong yon, pero naka mic sya at lahat ay narinig iyon. "Hoy! Di ako tomboy!" sigaw ko na mukhang di nila pinansin. I looked at my Dad saying that he should do something dahil parang napahiya ako. Ako na naman ang ichichismis ng mga chismosa dito sa lugar namin. "Ngayon I welcome naman natin ang mga hurado" sabi nito. Isa isa nitong winelcome ang limang hurado. Alam ko namang ihuhuli nila si daddy kaya di na ko nakinig. "And ang ating pang huling hurado ang kagalang-galang na si Mayor George Sebastian!" sigaw ng host kaya nagpalakpakan sila. Tumayo si Daddy at kumaway sya sa mga tao at hinawakan ang mikropono nya. "Magandang gabi sa inyong lahat, masaya ako na naanyayahan nyo ko bilang tagahusga sa mga kalahok ng patimpalak na ito. Hayaan nyo muna akong batiin ang mga importanteng tao ngayong gabi, maraming salamat sa mga home owners dito na nag imbita sakin, sa barangay na maayos na pinamumunuan ng kanilang kapitan, at sa aking unica hija na ngayon ko lang makakasama sa panonood ng patimpalak na ito, Xymonette!" sabi nya sabay turo sakin. Nginitian ko ang lahat. Okay na sana, Xymonette pa talaga ang tawag sakin. Nakita ko namang nagulat yung nagsabing tomboy daw ako at narinig kong binulungan sya nung kasamahan nya. "Patay ka, anak pala ni mayor yan" tas nakita kong nahihiya syang ngumiti sakin at nag mouth ng sorry. I playfully smile, ayan! Judgemental ka ha! "Iba ka talaga tol" sabi ng mga kasamahan ko bago pinag gugulo ang buhok ko. "Tsk" yun lang ang nasabi ko at isa-isang tinabig ang kamay nila. Marami pang ginawang intermission ang mga host na yun bago nagsimula ang pageant. "Contestant number 1" tawag ng host sa unang kalahok. Patalikod na pumasok yung contestant, pa mysterious epek pa tas bigla syang humarap samin at nag fashion show, at lumapit sa mikropono. "Everyone of us has their own freedom, so don't judge what gender we belong! A pleasant evening everyone! I am Jose Manuel Manlapaz" Hahaha natawa ako sa pangalan. Lalaking lalaki tapos bakla! "But let me introduce myself bilang ang unang babaeng nagpaibig kay Dingdong Dantes, tama kayo, ako nga po si Marian Rivera na naniniwala sa kasabihang Wag mong ikahiya ang putok at alipunga mo dahil pinaghirapan mo yan! Salamat goodevening" nagtawanan kami sa sinabi nya haha Ilang kalahok pa ang nagsirampahan, Marami rami na rin kaming nainsultong magbabarkada. Natatawa kami sa mga kasabihan nila which is kadalasan ay may pagka green. Contestant number 28 na pala. Lumakad ito at rumampa, pero bakit ganun parang di sya sanay sa heels, pero nakangiti pa din ito. Ewan ko kung anong meron sa mata nya at sa kanya talaga napunta ang atensyon ko. "The lord god has accepted us for what we are so why can't you? We are all equal to his eyes. A glamorous evening ladies and gentlemen, I am Alexander Reese Smith, 21 years old in age, studying medicine major in surgery at the University of the Philippines but tonight let me stand by the name of the daughter of Sharon Cuneta and Gabby Concepcion, and the one who captured Paolo Avelino's heart, yes tama po kayo, ako nga po si Ms. KC Concepcion na naniniwala sa kasabihang Kung ang mga babae ay tinaguriang tapsilog, Ang mga lalaki naman ay tosilog. Kami naman pong mga bakla ay chicksilog! Dahil kami ang mga chicks na may itlog! Thank you" sabi nito sabay flying kiss, Tawa kami ng tawang magkakaibigan sa sinabi nya. Maya maya lang ay nag swimsuit competition na. Lahat sila pinapanood ko, pero di ko alam kung bakit inaabangan ko si Number 28. Siguro natuwa ako sa sinabi nya. Maya maya rumampa na sya at inalis nya ang balabal nya, halatang nanginginig sya. Mukhang di talaga to naghi heels pero nadadala ng ngiti nya, maya maya hinubad nya ng balabal nya to reveal ang suot nyang one piece suit, Rumampa sya ewan ko napapapalakpak nya ko. Ang cute nya talagang ngumiti. Ang ganda nyang bakla. Nung natapos na ang pagrampa. Napansin kong sya lang ang naka one piece lahat sila naka two piece pero para sakin sya pa din ang pinaka maganda. May pambato na ko. Maya maya pa ay sa 35 na contestant ay may 10 na lamang na pipiliin para matira, Unang tinawag si Candidate  #15 - Bea Alonzo #10 - Bianca Manalo #1 - Marian Rivera #14 - Toni Gonzaga #7 - Sam Pinto #33 - Julia Montes #21 - Kathryn Bernardo #13 - Kylie Padilla #19- Julia Barreto. Last slot na lang. Parang pakiramdam ko ay ako ang kasali dahil kinakabahan ako. Gusto kong pumasok sya. Sinisigaw ng utak ko ang numero nya. Please lord, please "And the last slot, belongs to candidate No. 28! Ms. KC Concepcion!" sabi nung host kaya napatalon ako unwillingly dahil sa tuwa. Anf daming napatingin sakin including dad, buti na lang mababait ang tropa ko at naki ayon sakin at tumalon din sila. Maya maya naupo na sila. "Boto mo din pala yung 28" sabi sakin ni Charles "Oo! Kayo din pala?" tanong ko sa kanila na tinanguan naman nila agad. There is just something about him.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD