Part 9 Maaga kaming pumasok ni kuya Owen ngayon dahil sa selebrasyon ng Science Month. Pagdating namin dito sa school ay abala ang lahat sa gagawing selebrasyon. Pagkatapos ng aming Flag Ceremony ay iannounce ng Science Club Adviser ang mga aktibidad na gagawin,ang mga oras at kung saang gaganapin ang lahat ng contests. "Ano? Kita kita na lang tayo mamaya? Galingan nating lahat para manalo tayo!" Sabi ni Anton na sinang-ayunan naman namin ni Cindy. Nagkakahiwalay na kaming magkakaibigan dahil magkakaiba naman kami ng sasalian. Naglakad akong mag-isa patungo sa silid kung saan gaganapin ang sci-quiz. Pagdating ko dito ay nakita ko ang mga gaya kong mga grade 7 na kalahok. Bigla akong nakaramdam ng kaba dahil halatang magagaling ang mga kalaban ko. Naglakbay ang aking paningin at nakita