Chapter 1

1932 Words
Part 1 "Itong malaking bahay ba na ito tayo magtratrabaho,lola?" namamanghang tanong ko sa aking lola habang nakatanaw sa isang malaking bahay sa aming harapan. "Oo yata,apo. Dito ang address na sinasabi ni Loleng sa kanyang sulat. Kaya siguro ay dito na," sagot ng aking lola. Napabuntong hininga na lamang ako. Naglakad si lola patungo sa isang puting pindutan at pinindot ito. Tawagin niyo na lamang akong Jin. Labing dalawang taong gulang at sa susunod na pasukan ay mag-grade 7 na ako. Payat ako at maliit, maputi naman ang aking balat kahit na mahirap lang kami ni lola. Namana ko raw ito sa ama kong dayuhan na binuntis ang aking ina at iniwan. Kung makikita mo ako ay para lamang akong siam na taong gulang. Wala pa yata sa 5' ang height ko at ang huling timbang ko ay 32kg noong grade 6 ako. Napaangat ako ng aking ulo nang may magbukas ng malaking gate. Isang babae na sa tantya ko ay nasa 30' na ang edad. Nag-usap sila ni lola at ilang saglit pa ay pinapasok na niya kami deretyo sa loob ng malaking bahay. Pagpasok namin ay nalula ako dahil sa lawak at laki ng loob nito. Makikita ang mga modernong kagamitan sa sala at mga naggagandahang mga paintings na nakasabit sa mga dingding. Meron ding mga malalaking larawan na sa tingin ko ay sila ang may-ari ng malaking bahay. "Sandali lang po at tatawagin ko sina ma'am at sir," paalam ng babaeng nagbukas ng gate kanina. "Dito ba talaga tayo mananatili lola? Sobrang laki po!" manghang tanong ko sa aking lola habang iniikot ko ang aking paningin sa kabuoan ng bahay. "Oo,apo. Kung mababait at sweswertehin tayo ay baka dito na tayo manatili," sagot ni lola na kinatango ko na lang. Ilang saglit pa ay may lumapit sa aming isang babae at isang lalaki. Napakapormal ang suot nila. Halatang kagalang galang. Nakangiti ang babae na naglalakad habang ang lalaki naman ay seryoso lang. Binati naming dalawa ni lola ang dalawa na ginantihan naman nila. Inaya niya kaming maupo muna sa magandang upuan at nag-usap sila. "Kayo na po ba ang nirekomenda ni Loleng? Akala ko ay dalaga,nagkamali ako," nakangiting tanong ng babae kay lola. Sabihin na nating matanda na si lola. Nasa 54 na ang edad niya pero kung titignan niyo siya ay parang nasa 40's pa lang siya. Siguro ay napanatili ni lola ang katawang bata niya dahil sa pagtatrabaho at pagkain ng mga masusustansyang pagkain gaya ng gulay at prutas. Hindi siya kumakain ng karne at umiinom ng kahit ano bukod sa tubig. Maalaga siya sa katawan at saksi ako doon dahil kami lang ang magkasama ni lola simula noong umalis si mama at hindi na bumalik. Nag- usap-usap lang sila. Sinabi ng babae ang mga gawain na dapat gawin ni lola. Hindi naman ganun kabigat. Nakatuka siya sa kalinisan ng bahay dahil doon daw si Aling Loleng noon. Dapat niyang linisin ang buong kabahayan mula unang palapag hangang sa ikatlong palapag. May mga makakasama naman daw siya kaya hindi siya masyadong mahihirapan. Habang nag-uusap sila, biglang may isang binatang nagsisigaw at hinahanap ang kanyang magulang. Nang makita niya ang kinaroroonan namin ay agad siyang pumanta sa amin. Napatitig ako sa binata at para akong naengkanto sa aking nakikita. Nakatayo ang isang lalaking parang nililok ng isang magaling na iskultor, biniyayahan ng gwapo mukha at makinis at maputing balat. Napaluok ako ng aking laway dahil sa kanyang kaanyuhan. Hindi ko napapansin, nakatingin na pala siya sa akin. Nginitiaan niya ako na siyang nagpalaki ng aking mga mata. Agad kong iniwas ang aking mga mata sa kanya dahil nakaramdam ako ng pagkahiya. "Siguraduhin mo lang na uuwi ka ng maaga,Owen. Alam mo naman na pupunta ang mga kamag-anak natin mamayang gabi," sabi niya sa kanyang anak. "Oo na,mom! Darating ako,promise!" maligalig niyang sagot sa kanyang ina na sinabayan pa niya ng pagtaas ng kamay na para bang nanunumpa. Napasunod ako sa lalaki nang paalis na siya. Hindi ko alam pero nakuha niya ang atensyon ko. Iniling ko na lang ang aking ulo at iniyuko ito at hinintay na lamang na matapos silang magkausap. Nang matapos na ang usapan, may lumapit sa amin na isang babaeng katulong na siyang maghahatid sa amin sa aming tutuluyan. Pagdating namin dito ay napatanong ako sa aking sarili. Dito ba nananatili ang mga taga-silbi? Eh parang isang bahay na rin ito sa laki at ganda! "Dito tayo,mananatili. Kayo ng apo mo at kasama pa ninyo ang tatlo pang katulong. Ang iba naman ay nasa kabila lang at doon naman tumutuloy ang mga drivers at mga security guards," paliwanag sa amin ng babae na tinanguan lang namin ni lola. Nang pumasok kami ay agad niya kaming sinamahan sa aming kwarto. Bago kami pumasok ay nagpasalamat kami sa kanya. Pagpasok namin ay agad naming inayos ang aming mga gamit. Normal na kwarto lang naman ang kwarto namin ni lola pero mapapansin ang kalinisan dito. Kulay asul ang dingding at may isang T.v pa sa may gilid. Mas maganda pa nga ang kwartong ito kaysa sa dati naming bahay. Matapos kaming mag-ayos ay nagpahinga na muna kami ni lola dahil na rin sa haban ng aming byahe. Sumapit ang gabi, kami na ni lola ang naghanda ng aming hapunan na mga tagasilbi. Sobrang saya naman ng aming mga kasama dahil sa sarap ng luto ni lola. Sinabi pa nga nilang na si lola na lang dapat ang maging cook ng pamilyang pagsisilbihan namin kaya sasabihin daw nila sa mga amo namin tungkol dito para hindi na siya masyadong mapagod. Habang kumakain kami ay nag-uusap silang lahat. Sa mga kwento nila ay masasabi kong mabubuting tao ang pagsisilbigan namin pero tagilid daw kami sa kanilang anak na si Owen dahil may pagkapilyo raw ito. Sinabi na rin nila sa amin ang mga dapat at hindi dapat gawin na agad naman naming sinang-ayunan. Matapos ang aming usapan, nagkanya-kanya na kaming pumasok sa aming kwarto para magpahinga. Magsisimula na kami bukas kaya dapat ay may lakas kami. Kinaumagahan,  kinusap siya ng mag-asawa at ginawa nang tagapagluto si lola. Dahil hindi naman masyado mahirap ang gawaing iyon ay tumutulong ako sa kanya. At yun nga ang naging trabaho naming dalawa ni lola. Mababait naman ang mag-asawa pero yung anak nila, may pagkamapili sa pagkain. Ang dapat gusto niya ang dapat ihain. Napailing na lamang ako dahil hindi niya naiisip na maraming mga tao ang hindi nakakakain ng tatlong beses sa isang araw tapos siya ay pumipili pa! Iba talaga kapag anak-mayaman ka. Gumigising kami ni lola bago mag-alas kwatro ng madaling araw para makapaghanda ng aganahan nila. Kami rin na ni lola ang nagluluto para sa amin na taga silbi ng bahay. Nagrereklamo na nga rin ang mga driver at security guard dahil mukhang tataba sila dahil sa luto ni lola. Sa pananalagi namin sa pamilya ng pinagsisilbihan namin, naging magaan at maayos naman ang lahat. Nagbago lang ito noong kinausap ng mag-asawa si lola. Nag-alok ang mag-asawa na pag-aralin nila ako sa kung saan nag-aaral ang kanilang anak. Hindi na nagdalawang isip pa si lola dahil makakatulong ito para sa aming dalawa. Sila na rin ang nag-ayos ng aking mga papeles sa dati kong paaralan at sila na rin daw ang mag-aasikaso. Sobrang pasasalamat namin sa kanila dahil sa kanilang kabaitan. Pero ginagantihan naman namin ito sa pamamagitan ng aming pagtatrabaho ng mabuti. "Tinatawag ka ni sir,Apo. May sasabihin daw siya sayo," nagulat ako sa sinabi ni lola at napaisip. "Bakit daw,la?" nagtataka kong tanong sa kanya. "Hindi ko alam pero sa tingin ko ay tungkol sa pag-aaral mo sa susunod na buwan," sagot sa akin ni lola. Napabuntong hininga na lamang ako nagtungo sa opisina ni sir. May sarili kasi siyang opisina dito sa bahay nila. Kumatok ako sa malaking pinto at nang may magsalitang pumasok ako ay binuksan ko na ito. Pagpasok ko sa kwarto ay nakita ko si sir na nakaupo sa harap ng kanyang lamesa. Maraming mga papel ang nasa kanyang harapan at abala siya sa pagsusulat dito sa mga papel. "Halika dito, Iho," anyaya niya sa akin na agad ko namang ginawa. "Dederetsohin na kita,Iho. Ang pagpapaaral namin sayo ay may kapalit. Hindi naman mabigat at kayang kaya mo yun kaya sana ay huwag mo akong biguin," paunang salita niya sa akin. "Ano po ang gagawin ko?" deretsyo kong tanong sa kanya. Itinigil niya ang kanyang ginagawa at humarap sa akin. "Ang gagawin mo lang ay sabihin sa amin ang lahat ng gagawin at mangyayari sa kuya Owen mo. Huwag kang mag-alala kung natatakot ka sa kanya. Hindi niya malalaman na ikaw ang nagsusumbong sa amin." "Pero bakit po siya kailangang bantayan? Mukha naman po siyang responsableng anak, mukhang matalino naman siya,sir." Napangisi at napailing na lang siya sa aking sinabi. "Malalaman mo rin ang lahat kapag pumasok ka na sa paaralang pinapasukan niya." Sabi na lang niya sa akin na pinagtaka ko. "Payag ka ba sa alok ko?" "Payag po ako,sir. Kunting bagay lang naman po yang hinigingi niyo kaysa sa alok niyong pag-aralin ako,sir," sagot ko sa kanya. "Alam kong magagawa mo yan dahil nakita ko ang mga papeles mo sa dati mong paaralan. Matalino ka at naging active ka rin noon at alam kong hindi yung magbabago sa pagpasok mo sa susunod na pasukan," huling sambit niya sa akin bago niya ako pinalabas ng kanyang opisina. Maglalakad na sana ako papunta sa aming quarter nang makita ko ang anak ng mga amo namin. Nakatitig lang siya sa akin habang nakangiti. Dahil hindi ko alam ang gagawin ko, napayuko na lamang ako at nagsimulang maglakad. Lalagpasan ko na sana siya nang hawakan niya ang aking braso. Napatigil ako at dahan dahan na inangat ang aking ulo. "Ano ang sinabi ni papa sayo,boy?" nakangisi niyang tanong sa akin. Napalunok ako ng aking laway dahil sa pag-angat ko ng aking ulo. Deretsyo ang tingin ko sa kanyang mukha na siyang nagdahilan para matulala ako. "Hoy! Sabihin mo sa akin kung ano sinabi ni papa sayo!" napabalik ako sa aking ulirat kaya muli akong napayuko. "Si-sinabihan niya lang po ako tungkol sa pag-aaral ko,sir," nauutal kong sagot sa kanya. Naramdaman kong binitiwan na niya ang aking braso at umalis na lang nang walang paalam. Napasunod ako ng paningin sa kanya hanggang sa pumasok siya sa kanyang kwarto. Simula ng tagpong 'yon ay hindi ko na siya nakasalubong pa. Kapag kumakain ang mag-anak, palagi siyang nagpapadala sa kwarto niya ng pagkain. Minsan, ako ang nagdadala dahil busy ang mga ibang taga-silbi pero hindi ko siya nakikita o nakakausap. Inilalagay ko na lang yung pagkain niya sa lamesang salamin na nasa gilid ng kanyang kwarto at agad din akong lumalabas pero minsan, dahil sa pagiging pakialamero ko ay naabutan niya ako. Napatingin kasi ako noon sa kanyang salamin na kabinet na kung saan nakalagay ang kanyang mga koleksyon sa laruan. Dahil gustong gusto ko ang mga characters ng Naruto, hindi ko napigilan ang aking sarili nang makita ko ang mga laruan na kung saan ang mga characters ng Naruto ang nandun. "Anong tinitignan mo diyan!?" tanong niya sa akin. Dahil sa gulat ay para akong nabuhusan ng malamig na tubig. Hindi ako makagalaw at makapagsalita. "Gusto mo ba yang mga laruang yan?" tanong niya sa akin mula sa aking gilid. Napaangat ako ng aking ulo at nakita ko siyang tinitignan niya ako na nakangisi. Dahan dahan akong tumango para sa sagot ng kanyang tanong. Lumaki pa ang ngiti niya dahil sa ginawa ko. Ngiti na hindi ko alam kung ano yun pero parang nagliwanag ang paligid namin. "Halika, maglaro muna tayo kung yan ang gusto mo." .............................
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD