Part 7
................
"Halika na,Jin! Mahuhuli na tayo sa try-outs ng kuya Owen mo!" Pagmamadali sa akin ni Anton.
Nakahawak siya sa aking kanang kamay habang mabilis na naglalakad papunta sa oval kung saan gaganapin ang try-outs daw para sa soccer team ng aming paaralan. Napatingin naman ako sa aking likod at nakita ko si Cindy na nakasunod lang sa amin.
"Bakit ba parang ikaw pa ang mas excited kaysa sa akin,Anton!?" Naiinis kong tanong sa kanya dahil kulang na lang ay ihiwalay niya ang kamay ko sa pagkakahila niya.
"Ano ka ba, bakla!? Ang dami kayang gwapong soccer player! 'Di mo ba alam yun!?" Sagot sa akin ni Anton na nagpailing sa akin.
Pagkarating namin ay nagulat ako dahil sa dami ng tao! Karamihan ay mga babae na may kanya kanya pang mga hawak na kartolina na may nakasulat na pangalan ng lalaki na sa pagkakaalam ko ay pangalan yun ng mga players. Naghanap kami ng pwedeng maupuan. Nang makaupo kami ay agad na hinanap ng aking mga mata si kuya Owen. Napatigil ako sa paghahanap nang makita ko siya sa field na naglalaro ng bola ng soccer.
Sa panonood ko sa kanya, mukhang may ibubuga nga si kuya Owen. Nilalaro niya ang bola gamit ang dalawa niyang paa. Hindi nahuhulog ang bola sa lupa dahil mabilis ang kanyang mga paa. Ginagamit din niya ang ulo niya minsan para makonttol ang bola.
Hindi nagtagal ay nakarinig kami ng malakas na pagpito galing sa kung saan. Nakita kong may tig-isang player na pwumesto sa harap ng net, ang ilan ay nagkahiwahiwalay at ang ilan ay nagpunta sa gitna. Nakitang kung nagsimula na ang laro at ang mga manonood ay may kanya kanya silang sinisigaw na pangalan pero ang pumukaw sa aking pandinig ay ang isang grupo ng kababaihan na sinisigaw ang pangalan ni kuya Owen.
Hindi ko na lang inintindi ang mga sigawan at nakafocus ako kay kuya Owen na mabilis na tumatakbo. Ilang saglit pa ay ipinasa nila ang bola kay kuya Owen na nagdahilan para maghiyawan ang mga manonood. Ako naman ay tumayo at sumigaw ng..
"Galingan mo, kuya Owen!!!"
Dahil sa pagsigaw ko ay napatigil si kuya Owen at para bang may hinahanap siya. Nang makita niya ako ay bigla siyang ngumiti sa akin at kumaway pa. Bigla naman akong nahiya kaya napaupo na lang ako. Gagalaw na sana ulit si kuya Owen pero wala na ang bola sa kanya dahil naagaw na ito ng iba. Napapikit na lang ako kasi alam ko na ako ang dahilan kung bakit naagaw nila ang bola kay kuya Owen.
Nagpatuloy ang laro nila. Sa tingin ko naman ay maganda ang laban kasi hanggang ngayon ay wala pa nakakascore sa kanila. Halos sampong minuto na rin ang nakakalipas nang magsimula ang laban palipat lipat lang ang bola sa mga players.
Kaunti lang ang alam ko sa larong soccer. Basta ang alam ko ay dapat maipasok nila ang bola sa loob ng net na hindi nasasangga ng nagbabantay dito. Wala naman kasi akong hilig sa mga laro laro na ganito,eh.
"Woahh!!!Go! Owen,my loves!!" Biglang sigaw ng mga kababaihan sa 'di kalayuan.
Nanahimik na lang ako at pinapanood si kuya Owen dahil nasa kanya na naman ang bola. Pilit na inaagaw ito sa kanya pero magaling siya sa pagkontrol ng bola kaya walang nakakakuha dito. May ilan din akong nakikitang madadapa sa pag-aagaw ng bola pero agad din naman sila nakakatayo at sinusundan ang may hawak ng bola.
Napatayo ako nang makita kong malapit na siya sa net. Mabilis siyang kumilos habang sipa ang bola at ilang saglit lang ay bigla niya itong sinipa ng malakas papunta sa net! Napasunod ako sa bola. Mukhang makakascore na sila pero nadismaya ako nang masangga ito ng lalaking nagbabantay sa net.
Sinipa ng lalaki ang bola at muli na namang nagtakbohan ang mga players.
"Bakit ang daming sumusuporta kay kuya Owen? Parang sikat na sikat siya." Nagtataka kong tanong sa mga katabi ko na nagdahilan para tignan nila ako.
"Kuya mo,hindi mo alam? Hindi mo ba alam na isa ang kuya mo sa Crush ng Bayan? Noong Grade 7 siya ay sumali siya sa soccer team ng ating paaralan at doon siya naging sikat noon. Pero noong Grade 8 siya ay bigla na lang siya hindi naglaro." Sagot sa akin ni Anton na nagpataas ng aking kilay.
"Bakit parang ang dami mong alam kay kuya, Anton? Stalker ka ba niya?" Nagtataka kong tanong sa kanya na kinatawa niya lang.
"Baklang to! Hindi no! Simula noong Grade 1 hanggang ngayon ay dito na ako nag-aral kaya alam na alam ko ang mga sikat dito! Kung makapagtanong naman to parang nagseselos!" Hindi ko na lang inintidi ang sinabi ni Anton na para daw akong nagseselos. Bakit naman ako nagseselos? Ano bang pakiramdam ng selos?
Naging maingay ang buong oval dahil sa napapanood naming laro. Naghahabulan at nag-aagawan lang naman sila at wala pang nakakascore sa bawat team. Ganito ba ang larong ito? Mahirap makascore?
Nagpatuloy ang laro nila hanggang sa may narinig na naman kaming malakas na serena. Napatigil lahat ng manlalaro at nagpunta silang lahat sa isang lalaki na nakatayo na nakauniform na blue. Napansin ko naman na isa isa nang nagsisialisan ang mga manonood.
Ilang saglit pa ay nagkakahiwalay din ang mga players at kinuha ang kanilang mga gamit.
"Tapos na ang laro? Eh wala pa naman nananalo,ah!?" Nagtataka kong tanong.
"Ano ka ba, try-outs lang ito. Titignan lang ng coach ng Soccer team kung sino sino ang kukunin niya para maging official player ng ating paaralan para sa nalalapit Zone Meet at kung sweswertehin tayo ay baka may mga players na pupunta sa Palaro sa susunod na taon." Napatango na lang ako sa paliwanag ni Cindy sa akin.
Hinanap ko na lang si Kuya Owen at nang makita ko siya ay sinabi ko sa aking mga kaibigan na lumapit kami sa kanya.
"Salamat Baby boy at pinanood mo ako,ah! Mukhang ikaw yata ang swerte ko." Sabi niya sa akin nang makalpit kami sa kanya.
"Hindi ka nga nakascore kuya,eh. Paano ako naging swerte sayo?" Sambit ko naman sa kanya.
Napangiti na lang siya at ginulo niya ang aking buhok na siyang kinanguso ko. Naglakad na kaming apat palabas ng aming paaralan. Nagpaalam na rin sina Anton at Cindy sa akin nang makita nila ang kanilang sundo kaya dalawa na lang kami ni kuya Owen ang naglalakad.
Tinawagan ni kuya Owen si Manong Gary para sunduin na niya kami. Naghintay na lang kaming dalawa ni kuya Owen sa labas ng Campus at mga ilang minuto lang ang aming paghihintay ay dumating na rin si manong Gary.
Simula noong nagtry-outs si Kuya Owen ay naging abala na siya sa soccer. Tuwing pagkatapos ng aking klase ay sa oval ako dumederetsyo kasi alam kong nandoon lang siya at sabay kaming umuuwi. Minsan ay pinapauna niya akong umuuwi kasi may dadaan siya o 'di kaya naman ay may gala sila ng kanyang mga kaibigan.
Tungkol naman sa pag-aaral niya, nakikita ko na siyang nagbabasa ng mga notes, libro niya at palagi ko siyang nakikita na nakaharap sa laptop niya at nagsesearch sa kanyang mga assignment. Noong ibinalita ko kung ano ang ginagawa ni kuya Owen sa loob ng aming paaralan at sa tuwing nakikita ko siyang nagbabasa na ng mga subjects niya sa kanyang daddy ay parang kumislap ang mga mata ni sir na siyang nagpangiti sa akin. Hindi pa nga makapaniwala si Sir sa sinabi kong naglalaro na ulit si kuya Owen ng Soccer,eh.
Dahil din sa paglalaro ni kuya Owen ng soccer at nagpakita siya ng kakaibang galing noong nakuha siya bilang kasapi na ng soccer team ay mas lalo pang nadagdagan yung mga fans niya. Hindi lang mga kababaihan ang nahuhumaling sa kanya kundi pati na rin ang mga bakla. Hindi naman ako nagtataka doon dahil bukod sa magaling siyang maglaro ay hindi maikakailang maganda ang hubog ng kanyang katawan at nabiyayahan ng gwapong mukha.
"Natahimik ka yata,baby boy? May iniisip ka ba?" Napatingin ako kay kuya Owen nang tanungin niya ako.
"Wala naman kuya. Iniisip ko lang na ang sikat sikat mo pala sa school at tsaka masaya akong makita kang mas naging seryoso ka pa sa pag-aaral mo." Sagot ko na lang sa kanya.
Naramdaman ko ang kanyang kamay na ginagawa kong unan na gumalaw kaya mas napalapit ako sa kanyang hubad na katawan. Napayakap ako sa kanya at ang aking ulo ay naipatong ko sa kanyang dibdib.
"Alam mo ba na ang lahat ng nangyayari sa akin ay dahil sayo,Baby boy? Naisip ko kasi yung mga sinabi mo sa akin noon. Alam ko naman ang tungkol sa mga yun dahil palaging sinasabi sa akin ni daddy ang mga yun pero noong ikaw ang nagsabi sa akin ay parang nabuhayan ako ng loob na pagbutihin ang pag-aaral ko." Sabi niya sa akin na kinangiti ko.
"Tungkol sa paglalaro mo ng soccer,kuya. Balita ko tumigil ka noong grade 8 ka sa paglalaro. Ano ang dahilan mo noon kuya eh ang galing galing mo?" Nagtataka kong tanong sa kanya.
"Ah,yun ba? Noong naglaro kasi ako sa Zone meet noong grade 7 ako ay inanyayahan ko sina daddy noon na manood. Nangako sila noon sa akin na manonood sila pero nang matapos ang laro, nalaman kong hindi sila nanood dahil busy daw sila sa mga trabaho nila. Hindi na yung mahalaga ngayon kasi alam kong meron akong baby boy na manonood na ng mga laban ko,hindi ba?" Sagot niya sa akin.
Nagpatuloy ang aming usapan hanggang sa dalawin kami ng antok na dalawa. Halos gabi gabi na akong natutulog dito sa kwarto ni kuya Owen at halos gabi gabi na along naglalaro.
Kinabukasan, maaga kaming lumasok ni kuya Owen dahil may peeting daw silang mga players ng soccer team. Pagkahatid na pagkahatid sa amin ni manong Gary ay nagpaalam na sa akin si kuya Owen at patakbo siyang pumunta sa gym dahil doon daw gaganapin ang meeting. Ako naman ay nagtungo sa aming classroom. Dahil napaaga ako ng dating ay inabala ko na lang ang aking sarili sa paglalaro sa bigay na cellphone sa akin ni sir noon.
"Hoy,Bakla! May Gwapo kaming nakita kanina sa labas ng principal office! Transferee!!" Nagulat ako sa biglaang pagdating nina Anton at Cindy.
"Oh, ano naman ngayon?" Pang-iinis ko sa kanya na kinanguso niya.
"'Di porke meron kang kuya Owen na gwapo, malakas ang appeal na nakakatakam eh hindi ka na titingin sa ibang ulam!? Baklang 'to! Kung makikita mo lang siya ay baka maglaway ka pa!" Sabi sa akin ni Anton kinasingkit ng aking mga mata.
"Una sa lahat, wala akong pakialam kung may transferee man ditong gwapo o ano man, pangalawa ay bakit ba "Bakla" ang tawag mo sa akin? Napapansin ko kasing parati yan ang tawag mo sa akin,eh hindi naman ako bakla!" Sambit ko kay Anton na may panlilisik na mata.
Hindi ko alam kung bakit siya biglang napatawa dahil sa sinabi ko. Napatigil lang siya nang batukan siya ni Cindy.
"Pasensya na pero, nakakatawa kasi itong si Jin!" Sabi niya na pinagtaka ko. "Alam mo,Jin. Malakas ang pakiramdam ko na kagaya kita. Hindi mo pa kasi nahahalata sa sarili mo na bakla ka dahil siguro hindi mo ito pinapansin o nagtatago ka sa iyong hawla. Ewan ko pero alam kong alam mo ang kataohan mo." Dagdag pa niya na nagpaisip sa akin.
Bakla, hindi ba sila yung mga lalaking nagkakagusto sa kapwa nila lalaki? Sila yung mga nakikita kong lalaki na nagdadamit babae, sa mga napapanood ko, sila yung mga nagbibigay ng pera sa mga lalaki? Hindi naman ako ganun,ah kaya imposibleng bakla ako!
Mga ilang minuto pa ang nakakalipas nang dumating ang aming guro. Napatingin ako sa oras at mag-aalas otso na!
"Goodmorning,Class! Sorry for being late dahil pinatawag ako ng Principal. Bago tayo magsimula, meron tayong bagong makakasama ngayong school year na ito." Bungad ng aming guro sa amin.
Tumingin siya sa labas at kumaway siya na para bang may tinatawag. Ilang saglit pa ay may pumasok na isang lalaki na nagdahilan para magsisitili ang aking mga kaklaseng babae at ang may pinakamalakas ay ang katabi kong si Anton! Naglakad siya papunta sa gitna at tumingin sa aning lahat. Tama nga si Anton, gwapo ang ito pero parang mama na siya. Parang hindi namin siya kaedad.
"Lukas. 15 years old." Maikli niyang pagpapakilala na kinagulat naming lahat.
15 years old? Hindi ba dapat nasa grade 9 or grade 10 na siya? Bakit nandito pa rin siya sa grade 7?
"Sige,Lukas maghanap ka na lang ng mauupuan mo at magsisimula na tayong magklase." Utos ng aming guro sa kanya.
Naglakbay ang tingin niya sa buong classroom at ilang saglit pa ay napatigil siya sa direksyon ko. Napatingin naman ako sa aking tabi at tsaka ko lang napagtanto na wala palang nakaupo dito. Nasa pinakalikod kasi kaming tatlo nina Cindy at Anton. Si Anton na nasa may bintana, sumunod si Cindy at ako,eh meron oang dalawang bakante sa upuan ko!
Naglakad siya palapit sa aming kinalalayan. Habang naglalakad siya ay hindi ko maiwasan na titigan siya. Sa totoo lang ay medyo natatakot ako sa kanya dahi nanlilisik ang kanyang mga mata. Ilang saglit pa ay umupo siya sa pinakadulo ng aming row. Inilagay niya ang kanyang bag sa pagitan naming dalawa at tumingin na siya sa harapan at ganun din ako.
Matapos ang dalawang klase, ay lumabas na ang ilan sa aming kaklase. Nag-aayos na ako ng aking mga gamit nang ginugulo ako ni Anton na bilisan ang aking kilos.
"Ang bagal mo,Bakla! Bilisan mo at magpapakilala ako kay baby Lukas ko!" Sabi niya na kinailing ko.
Dahil sa pagmamadali ni Anton, isinara ko na lang ang aking bag na hindi naayos ang mga gamit ko sa loob. Paglabas namin ay nakita namin si Lukas na mag-isang naglalakad kaya mabilis akong kinaladkad ni Anton para habulin siya.
"Hi,Lukas! Wala ka bang kasama? Pwede kang sumama sa amin kung gusto mo?" Nakangiting alok ni Anton sa kanya.
Tumingin lang siya dito at sa amin ni Cindy. Napalunok na lang ako ng aking laway nang tumigil ang paningin niya sa akin. Medyo napaatras pa ako dahil sa binibigay niyang tingin. Ilang saglit pa ay bigla na lang siyang umalis na kinaliwag ng aking dibdib.
"Ay, suplado? Gwapo sana kaya lang parang mailap ang loko!" Komento ni Anton dito kaya wala na kaming nagawa pa kundi maglakad na papunta sa canteen na kung saan naghihintay si kuya Owen.
Matapos ang aming klase sa araw na ito ay nagpaalam sina Cinsy at Anton sa akin na pupunta sila sa mall dahil may bibilhin lang daw sila kaya ako lang mag-isa ang naglalakad papunta sa oval. Habang naglalakad ako ay bigla akong nakarinig ng awayan sa 'di kalayuan. Dahil sa pagka-tsismosa ko ay sinundan ko ang ingay at dinadala ako nito sa likod ng library. Sumilip ako dito at nakita ko ang tattlong lalaki na nakapalibot sa isang lalaki. Sa likod pa lang niya ay kilala ko na siya! Si Lukas!!
"Tapang mo rin,ah! Saan ka kumuha nito para harapin kami,ha!?" Nanghahamong sambit ng isang lalaki sabay tulak sa kanya.
"Kabago-bago mo dito, kami pa talaga ang binangga mo!? Hindi mo ba kami kilala,ha!?" Sabi naman ng isa pa.
"Hala, pipi yata to boss? Hindi siya sumasagot!"
"Kung ayaw niyang magsalita, pipilitin natin siya!" Sabi ng nasa gitna at mabilis niyang sinuntok si Lukas.
Napaupo naman si Lukas sa lupa. Dahan dahan na nilalapitan ng tatlong lalaki si Lukas na sinabayan pa ng pagtunog ng kanilang mga kamao.
Dapat may gawin ako! Kung hindi,kawawa si Lukas! Pero ano? Paano? Tatawag ako ng Gwardya! Tam! Gwardya pero kapag tumawag ako, baka wala ng malay si Lukas pagbalik ko!? Paano ba!?
"Bakit hindi ka lumaban? Nasaan ang tapang mo ngayon!?" Narinig ko pang sambit ng isa na sinabayan ng pagtawa ng dalawa pa!
Lumapit ang dalawang lalaki sa kanya at hinawakan sa magkabilang kamay habang angisa naman ay naghahanda para suntukin siya! Hindi pwede mangyari yan! Dapat ay may gawin ako! Pero ano!?
Lumabas ako mula sa aking pinagtataguan at nagsisigaw.
"Manong Gwardya! Parang may nag-aaway sa likod ng Library! Manong Gwardya! Manong Gwardya!!!" Ubod lakas kong sigaw para marinig nila ito.
Muli akong bumalik sa pwesto ko kanina at muling sumilip. Nakita ko ang tatlong lalaki na dali daling tumakbo paalis sa lugar kung saan naiwan si Lulas na nakaluhod. Nang tuluyan nang makaalis ang mga lalaki ay lumabas na ako sa aking pinagtataguaan at mabilis na pinuntahan si Lukas.
"Ok ka lang?" Nag-aalala kong tanong sa kanya na nagpaangat ng kanyang ulo.
Tinignan niya ako ng matalim. Kitang kita ko ang dugo sa kanyang labi na agad naman niyang pinunasan gamit ang kanyang kamay. Dahan dahan siyang tumayo sa kanyang pagkakaluhod. Tinignan niya lang ako at hindi nagtagal ay naglakad na siyang paalis.
Napasingkit ako ng aking mga mata. Hindi man lang siya nagpasalamat sa akin!? Bahala siya sa buhay niya! Supladong lalaki!
Napabuntong hininga na lang ako at umalis na sa lugar. Nagtungo na ako sa oval para panoorin si kuya pero sa gulat ko ay nag-aayos na ng mga gamit ang mga players! Napaikot ako ng aking paningin para hanapin si kuya pero hindi ko siya makita.
Kinuha ko ang aking cellphone at nagpadala sa kanya ng message kung nasaan siya pero hindi siya sumagot. Siguro ay kasama na naman niya ang mga kaibigan niya. Kaya ang ginawa ko na lang ay tinext ko si Manong Gary para sunduin ako. Nagmumukha tuloy ako ang anak nina Sir.
Paalis na sana ako ng oval nang makaramdam ako ng pagbigat ng aking pantog. Dali dali akong naghanap ng cr. Nang makahanap ako ay dali dali akong pumasok dito. Sa pagpasok ko ay nakakarinig ako ng halinghing ng isang babae yata. Dahil sa kuryusidad ay sinundan ko ang halinghing at alam kong nasa loob ito ng cubicle.
Bigla akong nakaramdam ng kilabot. May multo ba dito?
"M-may tao ba diyan!?" Natatakot kong sigaw.
Bigla namang nawala ang naririnig ko kanina kaya baka imahinasyon ko lang. Para makasigurado ay lumapit ako sa cubicle at sinubukang buksan. Nang mabuksan ko ito ay laking gulat ko na lang ng makita ko ang nasa loob!
Isang babaeng nakataas ang kanyang damit at lumalabas ang kanyang dibdib at isang lalaki na nakaPE pants pero walang pang-itaas na damit!
"B-baby boy?" Nauutal na tawag sa akin ng lalaki. Si kuya Owen.
Dahil sa nakikita ng aking mga mata, bigla akong nakatamdam ng init, init na hindi ko maintindihan na sinabayan pa ng paglakas ng t***k ng aking dibdib. Napakuyom ako ng aking mga kamay sa hindi ko alam na dahilan at bigla na lang akong tumakbo palabas ng Cr!
............