Annica’s POV “Kain na Annica! “ rinig kong sigaw ni mama pero hindi ako umimik. Nanatili akong nakahiga sa kama ko at nag mumukmok. Ayokong bumaba o mag pakita man lang sa kanila. Nakakahiya ako, ang bilis bilis kong nag padala sa mga walang kwentang pinag sasasabi nya. Kung kwestyunin ko ang mga theories at equation sa klase, interpretation sa mga poem at debates akala mo naka sasalay ang kinabukasan ng bansa pero pag dating sa mga salita ng Adrian na iyon hindi man lang ako naka imik. Tumalon nalang ako at nagpakalunod sa saya, hindi man lang nag isip. Nasaan ako dinala noon? Wala! Dito sa kwarto ko at umiiyak. Nakakahiyang pinag mamalaki kong matalino ako at hinding hindi babagsak pero sa ganito lang pala ako bibigay? Just because I liked him so much, dahil apat na