Chapter 15 Humikab ako habang bitbit ko ang sandwich at tubig na magsisilbing breakfast ko ngayon habang naka pila sa cashier ng 7-11. Maaga akong umalis dahil kaya wala pang breakfast sa bahay. Ayos lang din at matagal ko ng miss ang kumain dito. Maganda ang naging takbo ng aming presentation kahapon. Nakakatuwang isipin na kahit tahimik si Zeke ay magaling pa rin syang mag present. Straight forward at mabilis lang. Habang tulala at antok akong naka pila, biglang nawala ang antok ko ng may malamig na dumapo sa pisngi ko, pagkalingon nya ay isang chocolate drink at ang may hawak ay si Zeke. Gulat ko syang tinignan ng tumayo sya sa likod ko para din pumila. “Ikaw na naman!” bati ko sa kanya. Tumango lang sya sa akin. “Madalas ka pala dito?” tanong ko ng maalalang