“Agang-aga naka simangot!” napa pikit ako ng biglang pinitik ni Faye ang noo ko. Sinamaan ko sya ng tingin sa ginawa nya pero nag make face lang sya sa akin. “Ano bang problema mo?” kuryoso nyang tanong. Halata mong hindi concern eh, talagang nag babakasali lang na may chismis. Pwes! Faye, oo! May chismis! At kung ano man ang chismis na iyon paniguradong hindi ka matutuwa! Kapag sinabi ko sa kanyang lately, Adrian has been bugging me in my mind paniguradong sasample-an ako nito ng isang sampal. Pero sa totoo lang di ko rin sure, dahil kung marupok ako,mas marupok ang babaeng ito lalo na sa gwapo. Pero iyon nga ang chismis mga mars! Kung nagulantang na ako noong isang beses na ipinara ako ni Adrian ng sakayan at sinabi ng buo ang address ko sa driver, mas nagulant