Hinilamos ko ang palad ko sa mukha ko bago bumuntong hininga ng malakas. Ano ba iyan Annica? Talagang sumagot ka pa ng ganoon? Lumingon ako kay Zeke at ngumiti ng malungkot sa kanya. “Pasensya ka na sa nangyari, Zeke. “ “I understand.” Sagot nya. Hindi ko alam kung alin doon ang naintindihan nya. Ako nga itong naka sagutan ni Adrian ay hindi maintindihan ang nangyari sya pa kayang bystander lang? At talagang nagawa naming mag sagutan ng ganoon sa harap ni Zeke? Hindi ko na nakayanan ang frustration, nakapag sabi na tuloy ako kay Zeke. “Ano ba kasi ang problema ni Adrian? I mean, naiintindihan ko namang medyo maingay na nga ako, pero tama ba naman na ganoon ang sabihin nya?” reklamo ko. Nanatili ang mariing titig sa akin ni Zeke. He was just staring, not j