“Di ko akalain na ganyan sya. Akala ko pa naman mabait.” “Di mo talaga alam takbo ng utak ng mga nasa star section eh no? Grabe namamangka pala yan sa dalawang ilog.” “Sa true! At talagang si Adrian at Zeke pa talaga.” “Palibhasa maganda kaya malandi—“ “Hoy! Isa pang chismis nyo dyan hahatakin ko talaga mga buhok nyo!” singhal ni Faye. Agad na natahimik ang bulungan sa lamesang nasa likod namin dito sa cafeteria. Sabi ko na nga bang kakalat ang nangyari kahapon sa library, kanina pagkapasok ko palang ay iba na ang tingin ng mga estudyante sa akin. Nag story pala si Riza sa IG nya ulit. Mukhang mahilig si sis sa mga ganoon. Kaya ngayon halos buong school ang nakaka-alam ng nangyari. “Bwiset na mga ito! Wala namang alam sa totoong nangyari!” patuloy ni Faye.