“Hoy! Akala ko ba aalis ka? Kanina ka pa naka tulala diyan!” natigil ako sa pagka tulala sa sinabi ng ate ko. Sabado ngayon, alas nuebe ng umaga, dapat ay tulog pa ako at mamaya pang alas onse ang gising. Pero hindi, gumising ako ng alas kwatro ng madaling araw dahil sa tawag ni Faye. Sya ang naka assign para mag canvass ng mga ingredients nila base sa menu ng caféestaurant namin, pero mayroon daw silang lakad ng family nya. At bilang kaibigan daw ako, ako ang dapat gumawa. Dahil sa antok ko kaninang madaling araw at sa inis ko para matapos nalang ang tawag ay um-oo ako ng wala sa sarili. “Iniisip ko ate kung paano ko sasapakin sa Monday si Faye.” Mahinahon kong sagot habang naka tulala pa rin sa t.v na hindi naman bukas. Tamad na tamad akong lumakad pero wala naman ako