“Sila na ata ulit?” “Talaga ba? Matapos nyang sabihin ang kung ano-ano ay babalik din naman pala sya.” “Hindi pa naman sure kung sila ata, wag kayo masyado judgemental!” “Eh doon din naman ang tungo noon, pinapatagal lang nila.” Napa buntong hininga ako habang naririnig ko ang sinasabi nila sa akin sa likod ng table namin dito sa cafeteria. Wala pa sina Faye at Dayle kaya naman dinig na dinig ko ang chismisan nilang lahat. Mukhang hindi na ata talaga matatapos ang opinion nila sa akin, lahat ng gagawin ko ay lagi nalang may comment. Nakaka bwiset na! Maging mag kaaway kami ni Adrian, may masasabi, maging magkaibigan kami ay may masasabi pa din. I can’t believe na totoo nga ang sinasabi nilang; No matter what you do, people will talk s**t about you, so might as