Chapter 28

2943 Words
“Josh, anak?” Agad ako’ng nagising sa nakaka-miss na boses ng Mama ko! “Ma! Mama! Nakauwi ka na?!” Medyo naguluhan ako nang mapatingin sa paligid, bago ko naalala na nasa penthouse nga pala ako ngayon ng hotel ng aking papa. Ah, tama, akin na nga pala ito, ngayon! Binuksan ko ang pinto at yumakap sa Mama ko nang mahigpit! “Mama, bakit naman `di ka na bumalik noong party ko? Tapos ang tagal n’yo pa’ng umuwi galing Bali ni dad! Tapos na ba `yung inasikaso n’yong trabaho?” “Oo, anak, okay na...” bahagya n’ya `kong tinulak at pinaghahalikan sa mukha. “Naku! Ang ganda-ganda naman ng bahay ng baby Josh ko! Ang swerte-swerte talaga ng anak ko! Mababalik na sa `yo lahat ng bigay ng Papa mo!” “Mababalik?” Natigilan si Mama sa tanong ko. ”Bakit mababalik?” Matagal ako’ng tinitigan ni Mama, tapos, hinatak n’ya ko sa kama ko at pareho kaming umupo roon. “Anak, tingin ko, tama lang na malaman mo na ang totoo.” Hinimas ni Mama ang mukha ko. “Hindi ko sinasabi sa `yo noon... pero... may dahilan kung bakit tayo tumakas pa-probinsya nang pinanganak kita,” sabi n’ya. “Totoo, hindi ko alam na may asawa si Billy, pero hindi lang `yun ang reason kung bakit natin s’ya iniwan...” “Sino po’ng Billy?” napakunot ang noo ko. “Si Papa Wilhelm mo, sino pa?” Ngumiti s’ya sa `kin ng malungkot. “Ibinahay tayo noon ng Papa mo sa isang magandang condo.” Tumingin siya sa paligid ng kuwarto ko. “Parang ganito,” patuloy n’ya. “Binigay n’ya sa `tin lahat ng hilingin ko, pero isang araw, may mga lalaking dumating sa bahay natin. Sinira nila lahat ng gamit natin, at pati ikaw, muntik na nila’ng kunin. Noon ko nalaman na mga kamag-anak sila ng asawa ni Billy... ang mga Villa. Minata nila tayo at inalipusta, at sinabing papatayin nila tayo `pag nagpakita pa `uli tayo kay Papa Billy mo.” Kinapa ni Mama ang ulo ko, sa parteng tuktok ng kanan na tenga, kung saan ako may peklat. “Alam mo ba, tinulak nila ako habang bitbit kita... nahulog ako at tumama ka naman sa kanto ng lamesa... puro dugo ka noon, nagmakaawa ako para sa `yo, pero pinagtawanan lang nila tayo at saka umalis. Buti na lang at mabait `yung kapit-bahay natin, sinakay nila tayo sa kotse at naisugod agad kita sa ospital.” “A-ang sama naman nila!” Naiyak ako sa kwento ni Mama. Sa kwento naming dalawa. “Masama talaga sila,” singhap ni Mama. ”Natakot ako noon, kaya nagpakalayo na `ko sa probinsya, at `di na nagparamdam sa Papa mo. Pero ganon pa man, alam ko, darating din ang araw na makakapaghiganti tayo sa kanila, at ngayon na `yon.” Pinunasan ni Mama ang mga luha sa mukha ko. “Tahan na anak, hindi ka na bata,” sabi n’ya. “Ngayon na nasa `yo na ang lahat ng ari-arian ng Papa mo, wala na silang karapata’ng hamakin pa tayo. Kaya `wag ka’ng matatakot. `Wag kang aatras, dahil lalaban tayo. Panahon na para kunin mo ang sa `yo, at hindi tayo titigil hanggat `di natin nakukuha lahat iyon!” “S-sige po Mama...” humihikbi ko’ng sinabi. ”Tamang-tama po, ang lalaki ng mga kuwarto rito, kasyang-kasya tayo sa kama ko! O, kung gusto mo, doon ka na sa katabi ko’ng kuwarto para may privacy ka...” “Anak, sa `yo ang bahay na `to,” sabi ni Mama na kinapitan ako sa balikat, ”Sa iyo lahat ng mga iniwan ng Papa mo.” “Sa atin, Mama, `di ko naman kayang asikasuhin ang lahat nang `to!” “Kaya dapat matuto ka.” Piningot n’ya `ko sa ilong. “Dati, walang-wala tayo, pero para sa `yo, nagpursige si Mama. Nagkaron tayo ng patahian, at nakaahon tayo sa kahirapan. Ngayon, hindi ka na bata, 19 ka na, kaya mo nang mamuhay nang mag-isa, kaya panahon naman ngayon para maghanap si Mama ng bagong love and happiness n’ya, `di ba?” “B-bakit, Ma? `Di mo na ba `ko love? `Di ka na ba happy sa `kin?” Nanikip ang dibdib ko at muling naluha. “S’yempre naman love pa rin kita!” Niyakap ako nang mahigpit ni Mama. ”But, it’s time for you to look for your own love, tulad ni Mama na may Daddy na.” Tumango ako, pero `di pa rin tumigil ang pagtulo ng luha sa aking mga mata. “Hala! `Di ba sabi ko, tama na iyakin? May Louie ka na ngayon, `di ba? Ganyan ba umasta ang omega na meron nang mate?” Nag-init ang mukha ko sa sinabi n’ya. “Mama, alam n’yo po, ang bait-bait n’ya at ang bango-bango, at napaka gwapo pa! At saka alam mo ba, Ma, ang sarap n’yang humalik!” kinikilig ko’ng sinabi. “Aba! At nag-kiss na pala kayo, ha?” nanlaki ang mga mata ni Mama. Akala ko magagalit s’ya, pero muli s’yang natawa. “Ayos `yan, buti nga at hindi na kita kailangan ihanap pa nang mag-aalaga sa `yo!” “Mag-aalaga?” nagtataka ko’ng tanong kay Mama. “Alam mo naman, may pagka-mahina ang ulo mo...” Tumawa s’ya ng mas malakas. “Balak ko na nga sana’ng i-reto ka sa anak ni Mr. Chu, eh, alala mo si Gio? Ayaw pa nilang pumayag noon, tapos ngayong nakuha mo na mana mo, hahabol-habol sila sa akin! Hmph! Well, huli na ang lahat!” patuloy ni Mama, “Talaga, Mama?” Napaisip ako. Bakit kaya wala ako’ng alam tungkol doon? “Ka-school mate ko po ngayon `yung bunso nila’ng si Rome.” “Hmph. At least kay Louie, sigurado ako’ng aalagaan ka talaga at `di lolokohin, dahil mukhang fated pair mo s’ya, kahit pa malaki agwat n’ya sa `yo,” pag-iiba ni Mama ng usapan. “Kaya lang dapat, `di ka na iyakin! Gusto mo ba ma-turn-off si Louie sa pagiging immature mo?” Agad ako’ng umiling. “So, ano’ng feeling nang maghalikan kayo ni Atorni?” nakangising tanong ni Mama sa `kin. Patuloy kaming nagkwentuhan habang naka-upo sa kama at magkayakap. Feeling ko, nasa maliit na apartment `uli kami sa Bambang na iisa ang tulugan at puro makina sa paligid. Nakaka-miss na ang mga araw na `yun. Pero, tama ang sabi ni Mama. Nineteen years n’ya `ko inalagaan. Tama lang na alagaan naman n’ya ang sarili n’ya, sa katunayan nga, ang laki nang binata n’ya mula nang pinakasalan n’ya si dad. Dapat lang hayaan ko na s’ya na maging masaya kasama ang love n’ya. Masaya ako para sa kan’ya, at napaka saya ko rin dahil meron na akong Louie. Buong weekend ako’ng masaya, hanggang sa pagdating ng Lunes. Pumunta kaming canteen para mag lunch nang marinig ko ang pamilyar na matining na besos si Rome. “Kuya Josh!” tawag n’ya sa `kin, sabay upo sa tabi ko. “What’s your baon? Ako pinagluto ng chef namin ng tempura!” “Nagpaluto ako kay Yaya ng home made tocino n’ya!” sagot ko. “The best `to, tikman mo!” Umupo naman sa kabila ko si Aveera na bumili ng sinigang na baboy. “Mmm... ang bango naman n’yan! Pahingi ng sabaw!” “Ayan, humingi ako ng extra para sa `yo.” Inabot n’ya sa `kin ang isang mangkok ng sabaw. “Pahigop rin!” sabi ni Rome na nag-abot kay Aveera ng shrimp tempura sa kapit n’yang chopsticks. “Exchange tayo, say ahh~!” “Pakilagay na lang sa pinggan ko,” sabi ni Aveera sa rito. “Ikaw, Kuya, ahh!” Binuka ko ang bibig ko at kinagat ang tempura na alok n’ya. “Mmm... chayap! Try mo rin tocino ni Yaya!” “Ahh~!” at sinubuan ko rin siya. “Manners, please,” paalala ni Aveera. “Ang sweet n’yo naman, mind if we join you?” tanong ng isang lalaki na biglang sumulpot sa tabi namin. Sumama ang tingin sa kan’ya ni Aveera. Napatingin ako sa nagsalita na may light brown hair at malalaking itim na mata. May kasama s’yang lalaki na platinum blond naman ang buhok, gray ang mga mata nito, at ang tangos ng ilong na may slight bump sa gitna. Magsasalita na sana si Aveera nang tumayo si Rome. “Norman!” tawag n’ya sa platinum blond na lalaki, sabay kapit sa kamay nito, “You’re back from Europe?” “Obviously,” sagot ng lalaki na sumimangot at hinatak palayo ang kamay niya. “Rome, Ipakilala mo naman kami sa kaibigan mo,” sabi ng kasama nito na `di maalis ang tingin sa `kin. “That’s right, Norman, these are my friends, Josh and Aveera. Kuya Josh, these are Francis Franco and Norman Calin, my fiancè!” “You have a fiancè?” gulat ko’ng tanong kay Rome. “Oo, shookt ka, no? Pinakilala s’ya sa `kin ni Papa last year, their family owns Argent Bell Fashions, and based sila sa France.” “Hello.” Nag-abot ako ng kamay dito na hindi niya inabot. “Nice to meet you,” sabi naman ni Francis na s’yang umabot sa kamay ko. “You’re the Safiro heir, right? I’m from the Franco main family, we export textile to Europe.” “Hello.” Ngumiti ako rito. Umupo ang dalawa sa mesa namin, dala ang tray nila ng pagkain. “So, alpha kayo pareho?” Tanong ko kay Francis habang busy si Rome na sinusubuan ang fiancè n’ya.” “You can tell?” ngumiti s’ya `uli sa `kin. “Oo, ang tapang ng amoy n’yo, eh,” kinusot ko ang ilong ko. Na ubo si Francis sa tapat ko, natawa naman ang katabi ko’ng si Aveera. “Okay ka lang?” Inabot ko at tinapik ang balikat ni Francis. “Ah... a-anong ibig mo’ng sabihin na matapang?” pilit s’yang tumawa. “`Yung parang... pinaligo n’yo ang isang buong bote ng pabango. Ang sakit sa ilong!” “Kuya Josh, `di naman, ha? Ang bango nga ng amoy nila, eh! Especially my Norman.” bumaling s’ya kay Norman na bahagyang lumayo sa kan’ya. “B-baka naninibago ka lang sa amoy ni Norman, dominant alpha kasi s’ya kaya mas malakas ang amoy n’ya kesa sa ibang mga alpha!” “Hmm... ganon pala `yun?” “Oo, special kasi ang dominant alphas, mas malakas ang dating!” kinikilig na sabi ni Rome. “Exactly, he’s a step above the rest! And since isa ka’ng Safiro, he has decided to invite you into his harem, too,” sabi ni Francis. “Talaga? Ano yan? Club? Anong activities n’yo?” Napalingon ako kay Aveera na biglang inubo. Nanlalaki ang butas ng ilong nito habang tinatakpan ang bibig n’ya. “P’wede naman ako sumali sa more than one club, `di ba?” tanong ko sa kaibigan ko. “Ah... w-what I mean is...” “Kuya Josh, ano ka ba!” tinapik ako ni Rome. “Harem! `Yun ang tawag sa collection ng omega mates ng mga alphas!” “Ha? Collection?” Napaisip ako. “You mean to say, he’s collecting omega wives?” “Right! And it’s a privilege to be part of Norman’s harem!” sabat nanaman ni Francis. “He’s the top dominant alpha in our school, after all!” Hindi ba marunong magsalita ang kasama n’ya? “Teka lang, ha...” hinarap ko si Rome at bumulong, “ano ba `yang ‘dominant alpha’ na `yan?” Hindi na napigilan ni Aveera matawa. Napatingin kaming lahat sa kan’ya. “Sorry... sige, go lang. Don’t mind me.” Nawala ang ngiti sa mukha ni Francis. “Kuya, ang dominant alpha ang pinaka malalakas na alpha sa lahat! Kaya nilang magpabagsak ng ibang alphas gamit ang pheromones nila!” “Talaga? Ano `yun, parang super power?” tanong ko, excited sa usapan. “Ha?” naguluhan si Rome. “`Yung, parang sina Superbman! May super scent ba sila? Ano pa ang kaya nila’ng gawin?” “W-wala... nagpapalabas lang sila ng pheromoes...” mahinang sagot ni Rome. “Eh? So... nangangamoy lang sila? Para saan ba `yung pheromones ng dominant alphas?” Sandaling natahimik si Rome at nag-isip. “Isa ito’ng defence mechanism,” sagot ni Francis. “It’s used by top alphas to fight for dominion, para maipagtanggol nila ang mga omega nila at pabagsakin ang ibang mga alphas na balak silang lampasan! The alpha with the strongest pheromone wins the most omegas, after all. Napaka bango nito para sa mga omega!” “Pano mo nalaman? Omega ka ba?” seryosong tanong ko kay Francis, pero mukhang nainsulto s’ya rito. “Alam mo, Kuya, `di ko alam kung sarcastic ka o talagang wala ka’ng alam,” sabi naman ni Rome sa tabi ko. “It’s based on what omegas say,” sabi ni Francis. “Omegas can’t resist our scent, at kung hindi lang required uminom ng special suppressant pills ang mga dominant alphas, malamang, na-sampolan ka na ni Norman ngayon!” “Kung ganon... eh `di... para lang sila’ng mga stray dogs fighting for dominion over their bit – “ “Josh, pahingi pa nito’ng tocino mo, ha?” singit ni Aveera na bigla ako’ng tinapik sa balikat. “Ah... okay, kuha ka lang.” Muli akong lumingon kay Rome. “Rome, is this really okay with you?” tanong ko sa kaibigan ko. “I mean, marami kayo’ng omega, naghahati sa iisang alpha, dahil lang malakas ang anghit n’ya? `Di ba mas-sweet kung nag-iisa ka lang sa puso ng alpha mo? Kasi ako, ayaw ko nang may ibang kahati.” Nanatiling tahimik si Rome na napatingin kay Norman. “But, he’s my fiancè...” “Then ask your fiancè to lose the other omegas. Ilan ba meron s’ya?” “Twelve...” “Talaga?! Isang dosena?! Nakikipag-mate s’ya sa inyo’ng lahat?!” namula ang mukha ko nang maalala ko ang napanood ko’ng ’Group Mate’ video nang isang gabi. “Hi-hindi naman, s’yempre!” deny ni Rome. ”S’yempre friends lang n’ya `yung iba...” “Say’s who?” Singit ni Norman na marunong palang magsalita. Tumayo s’ya at tumingin pababa kay Rome. “There’s a reason why I call them mates, and if you weren’t forced on me by my parents, I wouldn’t even think about including you in my harem. I don’t need an idiot like you.” Tumingin naman s’ya sa `kin. “Or you either.” umismid s’ya at naglakad paalis. “Let’s go, Francis, I have no intention of sharing my seeds with bastards and idiots.” Nag-init ang mukha ko. Ako ba `yung idiot na tinawag n’ya?! “Who wants your seeds anyway!?” habol ko sa kanya. “I can buy any seed I want, anytime! Yaya even said I have a green thumb! Lahat nang itanim ko nabubuhay!” “Josh, enough na, kumain na lang tayo,” kalmado’ng sabi ni Aveera. “Norman, wait...” humabol naman si Rome sa fiancè n’ya na palabas na ng canteen, pero tinulak s’ya palayo ni Norman nang kumapit s’ya rito, at sa lakas nito, ay natapilok tuloy ang kaibigan ko at nahulog sa lapag. Nagalit ako noon! Sobrang galit ko na tumayo ako at tinakbo si Norman, at tinulak din s’ya sa likod! Hindi natinag si Norman. Umikot s’ya ng dahan-dahan at tumingin ng masama sa `kin. “How dare you hurt my friend!” sigaw ko rito. “Apologize to him!” “Josh, it’s okay...” sabi ni Rome sa lapag. “It’s not okay! I don’t care if he’s a dominant or what! All I know is he stinks more than the others! He needs to apologize to you!” Lalong nagdilim ang tingin ni Norman sa `kin. Lalapit sana s’ya sa `kin, nagtatagis ang bagang, nakakuyom ang mga kamao, pero natigilan s’ya at napatingin sa likod ko. Lumingon din ako at nakita sina Ate Sol at Ate Mira na parehong nakahalukipkip sa likod ko, pati na rin ang ilang teachers na palapit sa amin. Sa likod naman ni Norman ay may isang lalaking malaking naka-shades na tumayo at humalukipkip din. `Di ko alam kung saan `to nanggaling. “What’s going on here?” tanong ng teacher na lumapit sa `min. “Teacher, that man pushed Rome and made him fall on the floor!” sumbong ko. “Are you sure?” sagot ni Norman na tinitigan si Rome ng masama, “Didn’t he just fall by himself?” “I... I fell by myself...” sabi ni Rome na nakatitig sa lapag. “Ha? Eh, kitang-kita ng lahat na tinulak ka ng salbahe’ng `yan!” sabat ko. “N-na dulas ako... nahulog ako’ng mag-isa,” pilit ni Rome na `di makatingin sa `kin. “That omega just pushed me for no reason,” dagdag ni Norman na nakaturo sa `kin. “Dahil tinulak mo ang kaibigan ko!” lalong kumulo ang dugo ko. “Says you.” Tumingin s’ya sa paligid. “Is there anyone here who saw me push my fiancè?” tanong niya. Walang sumagot. Ngumisi sa akin nang pang-asar ang salbaheng hayop. “Let’s go, Rome,” tawag niya. Tumayo naman si Jerome at lumapit sa kan’ya. “I don’t want you associating with vulgar omegas like that.” Pinanood ko na lang si Rome umalis kasama ang dalawa. “What just happened?” tanong ko kay Aveera na nakatayo ng hukot sa tabi ko. “`Wag mo nang itanong,” sagot n’ya. “Tingin ko, `di pa tapos ang problema mo.” “Joshua Safiro,” sabi sa akin ng teacher. “Guidance office. Now.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD