KABANATA 1

1027 Words
ABALA ako sa pagpapahid ng pulang lipstick ng kalabitin ako ni Amelia. "Nasa labas na 'yong sundo mo! Pinagkakaguluhan na naman ng mga schoolmate natin." Umismid ako. Kilala ko na kung sino 'yon. Mas lalo akong tinamad lumabas. I pout and check my lips on the mirror. Pinapanuod lang ako ni Amelia na busy sa pagpapaganda. "Ikaw na lang hindi nagkakagusto sa kababata mo. Sigurado ka ba talagang wala kang crush do'n? Kung ako kasi ganyan, araw-araw ko nakikita sa bahay. Sinusundo pa. Sobrang close pa, tapos ang gwapo pa! Mapo-fall ako, Amanda." Nakapangalumbaba pa siya habang kinakausap ako. "Ikaw 'yon. Huwag mo kong igaya sa'yo. Nakikita ko pa lang mukha niya, nasusuka na ko," I grunted. "Hayaan mo nga 'yon mag-antay! Magkukulot pa ko ng buhok ko," sabi ko at nilabas ang curlers." "Uwian na, magkukulot ka pa ng buhok?" Napangiwi nitong sabi. Iritado ko siyang binalingan. Ang ingay. "Kaya ka walang boyfriend. Walang nagkakagusto sa'yo kasi ang tigas ng buhok mo." "Hoy! Nagsalita ang meron! Wala ka nga rin, eh! Tsaka nagsa-shampoo ako! Grabe ka sa'kin!" She reacted. Napatayo na siya at humalukipkip. Matalim akong tinignan. "Wala ako dahil 'yon sa asungot na 'yon. Pero pila-pila ang nanliligaw sa akin. Sa'yo ni isa, wala. Mag-ayos ka kasi!" sita ko at sinaksak na ang curler. "Ewan ko sa'yo, Amanda! Makauwi na nga! Sasabihin ko kay Kuya Hunter nagpapaganda ka pa para kay Marky eh uwian na!" "Amelia!" Pinandilatan ko siya ng mga mata pero inirapan niya lang ako at nginisihan bago umalis bitbit na ang shoulder bag nitong dalawang taon ko ng nakikitang gamit niya. Umirap ako sa kawalan. Bahala kayo basta busy pa ko. Nakalahati ko pa lang ang pagkakakulot ko ng buhok ko ng mapakislot ako sa lakas ng hampas sa pintuan. "Ano ba!" asik ko ng makita si Kuya Hunter na hindi na maipinta ang mukha. "Anong mukha 'yan?" iritado niyang tanong sa akin. Salubong ang kilay at halatang hindi gusto ang nakikita niya ngayon sa akin. Nagmamadali siyang pumasok sa loob ng classroom. Wala ng tao dito, ako na lang natitira. Sinadya kong magtagal para mainip siya tapos umalis na din. Hindi ako maka-move on sa palpak na date ko kay Danilo kaya mangisay si Kuya Hunter kaka-antay sa akin. "Ba't nandito ka? Wala ka bang pasok?" pag-iiba ko ng usapan at binalingan ang maliit na salamin para tignan ang buhok na nakaipit pa sa curler. Graduate na sa law school si Kuya Hunter at nagpa-practice na sa paglo-law. Ako naman papasok na ng College next year. Until now, hindi ko alam kung anong pangarap ko sa buhay. Basta ang gusto ko laging maganda. Ayoko humawak ng negosyo. Kaya na ni Kuya Cedric 'yon. "Tapos na. Kanina pa ko nag-aantay sa'yo sa labas. Ano ba 'yang nilalagay mo na naman sa labi mo!" aniya at nakalapit na ng tuluyan sa akin. Umirap ako at inalis ang curler sa aking buhok. Pinatay ko muna iyon at nilapag sa kabilang table. Binalingan ko siya pero nanlaki ang mga mata ko ng kinuskos nito ng tissue ang bibig ko! "Kuya!" I cried when he used his force to remove my lipstick.  "You're like a slut! Highschool ka pa lang, pulang-pula na 'yang labi mo." "Pakialam mo ba! Umuwi ka na nga! 'Yong make up ko..." mangiyak-ngiyak kong sabi habang pinagmamasdan ang mukha ko sa harap ng salamin. May bakas pa ng pagkapula iyong labi ko. Lagpas-lagpas na. Nanlaki ang butas ng ilong ko habang inaayos ang pagkakabura ng lipstick ko doon. "Hurry up. May gagawin pa ko sa bahay," He said impatiently. Nakapamulsa habang pinapanuod ako sa ginagawa. "Mauna na ka na nga kasi. Tatawagan ko na lang driver namin. Hindi mo kailangan sunduin ako dito. 'Yong mga classmate ko lang natutuwa kapag andito ka. Ako hindi."  "May sakit si Kuya Tony kaya ako inutusan ng Daddy mo," aniya at hindi pinansin ang sinabi ko. Naka-out of town trip naman si Kuya Cedric pero kahit na nandito kasi siya hindi naman niya ko sinusundo. Uutusan niya si Kuya Hunter kaysa sa siya ang pupunta dito. "Malakas pa 'yon kanina, ah?" takang-tanong ko. Mabibigat ang bawat galaw ko habang nililigpit na ang mga gamit. Wala talaga ako sa mood kausap ang lalaking 'to. Wala rin akong magagawa kundi sumunod dahil malilintikan ako kay Daddy kung hindi. Grounded na naman. Ilang beses na lang. Tumayo na ako at nilagpasan siya. Si Kuya Hunter na ang kumuha ng gamit ko at siya ang nagbitbit niyon. Paglabas pa lang namin pinagtitinginan na kami ng mga estudyante. Ano namang nakakabilib sa mukha niya? Wala namang kagwapo-gwapo. Mukha ngang Tatay sa sobrang strikto. Ayoko ng ganoon. Naalala ko 'yong sabi ni Amelia. Yuck! Ako magkakagusto sa tulad nito? Nanayo ang balahibo ko at unang pumasok sa isip ko. Makasalanan 'yon. Kapatid na ang turing ko sa kanya. Mas mukha pa kaming magkapatid kaysa sa kay Kuya Cedric. Close rin ako sa family niya. May times sa bahay nila ako kumakain ng hapunan o di kaya tumatambay kasama iyong tatlo niyang mga kapatid na babae na parehong nasa College niya. Isang kambal at isang hindi ang kapatid niyang mga babae. "Susunduin natin sila Ate Sha-sha?" tukoy ko sa isang kapatid niya. Napatingin ako sa daan habang naka-upo sa passenger seat. "Yeah, tapos ang tagal-tagal mo. Inaantay na ko ng mga kapatid ko," yamot niyang sabi. "Eh dapat inuna mo kasi sunduin sila Ate. Kasalanan ko na naman! Ako na lang palagi!" I rolled my eyes. "Mas mauuna ang school mo bago sa kanila. Ibang way din 'yon. Pababalikin mo pa ko. Hilig mo talagang pahirapan ako, Amanda!" "Ikaw nagpapahirap sa sarili mo! Hindi mo kailangan sundin si Daddy. Bakit binibigyan ka ba niya ng bonus kapag sumunod ka sa utos niya? Hindi naman, ah!" Umayos ako ng upo at humalukipkip.  Hindi na kami natapos sa pagbabangayan. Namamaos na nga ko kakasigaw. "Money is not everything, Amanda. Mahirap mawala ang respeto at tiwala. You're a sister to me. Kung paano ako sa mga kapatid ko, ganoon ka rin," aniya sabay baling sa akin. Natigilan ako at napapatitig sa kanya. Kalaunan ay napasimangot dahil naiinis ako kung paano siya sa amin nila Ate Sha-sha.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD