KABANATA 11

1654 Words
Kiro POV Nandito ako sa sala at naka hubad baro habang nanonood ng the loud house ng biglang dumating si dad, tita at si elizabeth. Agad akong napa tayo at hindi alam ang uunahin,  papatayin ba ang tv o mag dadamit? Nalilitong saad ko kaya namn Agad akong tumakbo sa harap ng tv at humarap  sa kanila na naka krus ang mga kamay sa dibdib  " S-Son? bakit?!" Nanlulumong ani ni dad "huh? anong bakit?" Nag mamaang maangan kong ani sa kanya "bakit the loud house ang pinapanood mo?" Saad niya "Loh di ako yung nanonood niyan no napadaan lang ako" maang paring saad ko at napatingin kila elizabeth na nag papalit palit ng tingin samin ni dad. "Sus palusot! tsaka bat the loud house yan?! diba angry birds paborito natin! Taksil!" Kunot noong ani ni dad. Pinandilatan ko siya ng mata dahil nakakahiya! Amp nandito sila eli!, tumingin ako sa dako nila eli at nakita ko ang muka ng mag ina na nag pipigil ng tawa. "Dad! ano bayang sinasabi mo!" Nahihiyang ani ko "bakit totoo naman ah nag costume panga tayo niyan nung may play ka eh!" Pang lalaglag ni dad na ikinapula ng muka ko dahil kahihiyan "E-ewan!" Ani ko at aakyat na sana sa kwarto ng tawagin niya ko "Hey son! Wait may sasabihin kami ng tita cassy mo!" saad niya kaya naman napalingon ako "What?" Saad ko " come here!" Senyas niya kaya umupo ulit ako sa kinauupuan ko kanina bago sila dumating "Dito na titira si elizabeth at ang tita mo kaya namn maging mabait ka ok?" Ani niya "tsk whatever" masungit na saad ko pero nag didiwang na ang buong kalamnan ko dahil makikita ko na araw araw si elizabeth. "At isa pa pala! Isang linggo kaming mawawala ng tita mo dahil may honeymoon kami, kaya namn ikaw ang mag aalaga kay elizabeth intinde?" Taas kilay na ani ni dad "Yeah yeah" walang paking ani ko at umalis na. Pag pasok ko sa kwarto ay agad akong nag tatalon at napasuntok pa sa hangin dahil sa tuwa! 'Amp kung sinuswerte ka nga namn oh!' Tuwang tuwang ani ko Elizabeth POV Maaga akong gumising dahil gusto kong mag pa alam kila mom at tito bago sila umalis. "Mom mag iingat kayo don ah! Tsaka uwian nyo kami ng baby!" Birong ani ko kaya namn natawa sila pareho "Oo namn! Ilan ba gusto mo?" Pag sakay namn sa biro ko ni tito " Mga lima po! HAHAHA" tawang saad ko "Hay nakong bata ka! cge na alis na kami mag ingat din kayo dito ah!" Ani ni mom at humalik sakin at ganun din si tito. Umalis na sila kaya namn pumasok nako sa loob para mag almusal dahil may pasok pako, Pag pasok ko sa kusina ay naabutan ko si kiro na nag aalmusal na "Oh eli umupo kana at sabay na tayong pumasok!" Ani niya kaya namn umupo nako at nag simula ng kumain "Masarap ba?" Biglang tanong ni kiro sa kinakain kong pancake "ah oo naman bakit?" Saad ko "ako nag luto  niyan" kamot ulong ani niya "Wow magaling ka pala mag luto" namamanghang saad ko " shempre Na—" "Sir bibili pa po ba kami ulit ng mixed pancake?" Saad ng kakasulpot palang na katulong Napatingin ako sa kanya at nakita kong namumutla siya "H-huh? Mixed pancake? Ano yon?" Ani ni kiro at di makatingin sakin, kaya namn naisipan ko siyang asarin " wow! Ang sarap mo talagang mag luto kiro!" Nanunuksong ani ko sa kanya kaya namn agad siyang nag taas ng tingin sakin  "Tsk atleast ako nag lagay ng tubig!" Nakangusong ani niya "HAHAHAHA" tawanan naming lahat "oh tinatawa tawa niyo diyan! Mag sibalik na nga kayo sa trabaho!" Masungit na saad niya at mabilis namang nag si alisan ang mga katulong "Tsk badtrip! ang dadaldal kasi mamaya sila sakin!" Inis na bulong ni kiro kaya napa hagikgik ako "Im done tara na" naka ngiting ani ko at nauna ng mag lakad habang bitbit ang shoulder bag ko "Ok hintayin moko kunin ko lang kotse ko" ani niya "Ghe bilisan mo ah!" Saad ko Maya maya pa ay huminto na ang sasakyan niya sa harap ko at agad na akong sumakay. Nakahinto parin ang sinasakyan namin kaya namn tumingin ako sa gawi niya at laking gulat ko dahil napaka lapit ng muka naming dalawa, Bumilis ang pag t***k ng puso ko at hindi ko alam kung bakit nanamn!, pasimple kong hinawakan ang puso ko upang pigilin ito! Amp puso easy kalang! "O-oy" nanlalaking matang ani ko sa kanya "tsk seatbelt!" Masungit na saad niya at pinaandar na ang sasakyan . Tsk bat ba ang sungit niya! Red days siguro si ghorl! Diko namalayan na nandito na pala kami sa university kaya naman agad akong nag pa salamat at nag mamadaling lumabas, Tatakbo na sana ako dahil late nako ng biglang may humawak sa braso ko "Hoy intayin moko!" Ani niya "tsk late nako tsaka di tayo mag kaklase tangek!" Iritang ani ko "Basta intayin moko!" Makulit na saad niya "oo na bilisan mo anak ng tokwa!" Nag mamaktol na saad ko Umalis na siya para i park yung kotse niya at mga ilang minuto pa ay bumalik narin siya "Amp ang tagal mo namn!" Inip na ani ko "tsk kaka alis ko lang ah!" Saad niya at nauna na Liam POV Nandito kami sa room at inaantay namin ang first sub namin na si sir panot! Ang kinakatakutan ng lahat dahil napaka tabil ng dila ng teacher nato amp,  At himala nga dahil naisipan naming pasukan tong si panot eh kung di lang dahil kay eli di talaga ako papasok sa sub niya, Ang lahat ay natahimik kaya namn tumingin ako sa harap at nakita ko dun si panot at si mr president kuno! "Good morning class may bago kayong kaklase and maging mabait kayo sa kanya kung hindi bubunutin ko mga buhok niyo sa" pananakot niya at bilang tumingin sa gitna ng mga hita namin, Ang lahat ay namutla at napalunok dahil sa takot "So nag kaka intindihan ba tayo?" Nakangiting ani niya "y-yes s-sir!" Sabay sabay na saad namin "Introduce yourself hijo!" Ani niya kay mr pres at naupo sa trono niya i mean sa teachers table "Hi guys my name is kiro Calderon and dati akong section A nag palipat lang ako dito" saad niya tsk may nag tanong? "Bat ka lumipat dito pres?" Pang uusisa ng kaklase naming chismosa "Ah nandito kasi yung crush ko" saad niya at tumingin kay eli, tsk gaya gaya ng crush! Ang lahat ay nagsigawan dahil sa sinabi ni mr pres, tsk nakakakilig bayon? "Tahimik! Ang lalandi niyo tawas muna bago landi!" Sigaw ni panot kaya namn ang lahat ay natahimik "Kayong mga babae kayo wala ba kayong pang bili ng tawas at napaka iitim niyang mga kili kili nyo ha!" Nandidiring ani ni panot kaya namn lahat kami ay napatingin sa mga babaeng naka spagetti , Sila rin yung napaka lakas sumigaw kanina! Ang lahat ay natawa sa tinuran ni panot. "Enough! Ngayon mag grade in recitation tayo tingnan natin kung may mga silbi paba yang utak niyo!" Striktang este striktong ani ni panot Kinuha na ni panot yung class record niya at nag simula nari  siyang mag tawag "Custudio tayo!" Tawag ni sir sa kaklase naming mataba "S-sir?" Ani niya at tumayo "ano ang ibig sabihin ng tatlong bituin sa watawat ng pilipinas?" Tanong niya "Design sir" naka ngiting ani nito kaya naman natawa kami sa sagot niya "ano ulet?" Gigil na ani ni sir "design sir kung dika nakakaintindi ng englesh sir disenyo po!" Saad niya "nako custudio nandidilim paningin  ko sayo! At huwag kalang maka lapit sakin at baka matapyas ko yang mga taba mo!" gigil na ani ni sir at nag mamadali namang lumabas si custudio "Bwesit na baboy! Next! Park tayo!" Ani ni sir at agad namang tumalima si seb "saan binaril si rizal?" Saad ni sir "di ako sumama nung binaril siya sir kaya diko alam" bored na ani seb habang natawa namn kami "Eh kung ikaw kaya barilin ko diyan ha! Impakto puro pag papa gwapo lang ang alam upo!" Asar na saad niya "Montero! Tayo!" Tawag ni sir kay clark "yesh shir?" Nahihirapang sagot niya dahil may subo subo pa itong lollypop "saan binaril si rizal?" Kunot noong ani ni sir "sa candy shop sir!" Tawang sagot niya kay sir "amp gusto mong ipalulon ko sayo yang lollypop nayan ha! Umupo ka at baka mahambalos kita ngayon!" Galit na saad ni sir "Ano ba! Wala bang makaka sagot ng tama sa inyo huh!" Saad niya habang hinihilot ang sintido "Villareal tayo!" Saad ni sir at agad namang napunta ang tingin namin kay eli na naka tayo na, shet ganda talaga ni crush! "Ano ang pambansang sayaw?" Tanong ni sir "Tinikling sir" kinakabahang sagot ni eli kay sir At agad namang napangiti si sir "good! Ganyan dapat beauty and brain hindi putok at landi intinde?!" Taas kilay na saad ni sir "Valdemor tayo!" Tawag ni sir kay gian "Ano ang ibig sabihin ng KKK?" ani ni sir "Kalbo,  kinis , kintab ulo sir tsk ang dali namn niyan sir!" Natutuwang saad ni gian na kala mo tama ang sagot HAHAHA "Loh! Bobo ka tanga?!" Gigil na ani ni sir "bat tama naman sir ah!" Ani niya "tsk! Bobo ka talaga eh no! magaling kalang kapag romansa! Alam mo di nako mag tataka kung pati puno ng saging na naka tibak eh tirahin mo!"ani ni sir " luh meganon sir?" Gulat na ani niya "amp umupo kana nga!" Saad ni sir at nag tawag na naman. Nakatulala ako ng bigla akong tawagin si sir "stroam tayo!" Ani ni sir at agad namn akong tumayo "Sino ang nag talaga ng marc— " di na natapos ni sir ang itatanong niya ng mag bell na "KRINGGGG!!!!!" "Okay class dismissed!" Saad ni sir at tuwang tuwa naman kaming lumabas.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD