Nang iniwan ko dun yung gago naglakad na nga ako. Parang tanga pa rin ang get up. Wala akong dalang pera at wala akong dala kahit ano, maliban sa sarili ko. Napaupo ako sa isang bench ng isang park, Natatanaw ko na rin ang Galleti High. May napulot akong limang piso at binulsa ito. Sa totoo lang, ngayon ko na gustong gawin yung plano ko. Gusto ko ng umalis sa mansyon para di na madamay pa ang mga kaibigan ko. I want them safe. Nakita kong may mga late students na pumapasok sa school. Oh yeah, may pasok pa pala. Pero nakapagdesisyon na akong di na magpakita sa kanila kahit kailan. I decided to leave. Pero di ko alam kung saan ako magsisimula. I'm still not ready, but I am not risking to go back. Halos matumba ako sa kinauupuan ko nang may magsalita. Bihirang di ko maramdaman ang pr