I. Respect

1955 Words
Alas-12 na ng hapon at galing ang mga lalaki sa huling klase nila nang makita nila ang isa sa kaibigan nila na si Domino may hawak na dalawang paint bucket. "Ano na naman bang trip ni Domino?" Tanong ni Pierce habang pinapatay ang yosing hawak niya. "Who knows? Kung ano-ano naiisip niyan eh." Sagot ni Hawk. "Ang alam ko may kailangan daw magbayad sabi ni Noona." Sabi ni West habang ginugulo ang buhok ng mas maliit ng konti sa kanya na si Chev. "Tingnan nalang natin. Nangto ni Domino eh, Monday na monday eh." Nguya ni Titus sa bumble gum. While Wrath was staring intently at her. Studying her every move. Nakatingin lang ito ng diretso at dala-dala ang malokong na namang expression sa mukha nito at ang buhok nitong itim na kulay dark blue at sigang naglalakad. Her hair is kind of messy but it really looks good on her. She has porcelain skin na lalo pang pumuti dahil sa kulay ng buhok nito. She is skinny but curvy in all the right places. Pero sa isang iglap naging nakakatakot ang ekspresyon nito. Nagulat ang mga tao sa paligid pati na rin ang mga kaibigan niya. "Bobo, tanga, inutil? Ano ka sa tatlong yon?" Maangas niyang tanong sa lalaki habang inis na inis sa nangyari. Habang inis na nakatingin sa yellow at green paint bucket na natapon mismo sa lalaki. Hinawakan niya ang kwelyo ng uniform ng lalaki at hinila ito palapit sa kanya. "Hoy! Ikaw ang bumunggo sa akin! Ikaw yung t-tanga, bobo at i-inutil." Wala sa wisyong sabi ng lalaki pero di siya natigilan. "Bago ka ba dito? Hindi mo ako kilala ano?" Kinuha nito ang bagang ng lalaki at marahas na pinilig sa mga tao. "Kita mo sila? Kita mo ba yung takot at respeto sa mga mata nila? Dapat kinilala mo muna kung sino ang dapat iwasan at resputin nang napagdesisyunan mong tumapak dito." She mocked him at hinugot niya ang kutsilyo sa ilalim ng palda nito at itinusok ito sa paanan ng lalaking sumira sa mga plano niya. Humiyaw sa sakit ang lalaki at dumudugo na rin ang paa niya na lumalabas sa school shoes niya. She was grinning. Lahat napaatras sa nakita nila. Wala silang magawa dahil kahit sila ayaw nilang madamay. Knowing her and her status. She isn't someone to dare. "Tama na! Tumigil ka na!" Sigaw nung lalaki kaso walang siyang paki. Inis na inis lang siya. Napairap at mukhang bored naman ang mga kaibigan niya sa gilid. "Payo lang kapatid. Sa susunod kikilalanin mo kung sino ang mga hindi dapat banggain. Warning lang 'to, wag kang umiyak dyan." Inapakan pa niya ang kutsilyong nakatusok sa paanan ng lalaki. Lalo itong napaiyak at napasigaw. Natatawa lang si Domino dahil naaliw ito. "Tulong!" Sigaw pa rin ng lalaki pero nakangisi lang siya habang nakaapak pa rin sa kutsilyo. Umiiyak na ito at tinutulak nito si Domino pero nanghihina ang lalaki sa lakas nito. Ganyan talaga siya, walang awa, ibang-iba. It was her nature. Naghihingalo na yung lalaki dahil andami ng dugong nawala sa kanya. "May salita lang kong gustong marinig." Sabi niya ng punong-puno ng awtoridad at nagpahindik sa mga balahibo ng mga taong nanunood. Kahit ang mga kaibigan niya ay makikita mo na rin ang awa sa lalaking sumira ng araw niya. "I beg you! I'm so sorry. Please!" Pagmamakaawa ng lalaki habang patuloy ang pagluha nito. She doesn't really mind at all. She's just too heartless. Pure monster. She was known as troublesome kid. And a troublesome Royal without a crown. At sa wakas hinipo na rin ng mga anghel ang puso niya at ibinaba na niya ang kanyang paa na kanina pa umaapak at nagpaparusa sa paa ng lalaki. Nakatayo pa rin sya sa harap ng kawa-awang lalaki at nakangisi ito. Pero kahit kailan hindi naawa at maawa ang walang pusong tao na katulad niya or maybe you can't even call her a human after doing such thing. Dahil hinugot niya ang kutsilyo sa binata ng basta at siguradong ubos na ang dugo nito. Lalong humiyaw ang lalaki at bigla nalang nahimatay. "Pathetic. Now you know how to respect people who are greater than you." Malamig niyang sabi at tumalikod na naiinis at hindi siya nagsucceed sa mga plano niya. Natapon yung pintura eh. Natulala saglit ang mga tao pero agad ding sinaklolohan ang binata. Warning lang ang nangyari, wala pa sa kung anong kayang gawin ng Hukom na tulad niya. "Tsk, tsk, kawawa naman yung lalaki." Sabi ni Chev. "Di pa sya kawawa nun dahil yun lang naman ang ginawa sa kanya ni Noona." Sabat ni West. Naghalakhakan naman ang iba pero seryoso lang si Wrath. Seryoso lang naman lagi yan. "Yeah." Sabay na sabi naman ni Titus at ni Pierce na may naglalarong ngiti sa labi. Sinundan na lang nila ang dalaga. Nang malapit na sila sa kinaroroonan niya sumigaw sila. "Domino." Malakas na sabi ni Wrath. Pero walang epekto dahil siga lang na naglakad ang dalaga. Hindi sila napansin nito dahil seryoso siyang nakatingin ng masama sa lupa. "Domino." Ulit niya at kinabahan na ang mga kaibigan nila sa binigay na awtoridad na boses nito. Si Wrath ang isa sa mga pinakanakakatakot na taong nakilala nila. Dahil madalang itong magsalita and his voice is dominant and powerful. Pero di pa rin lumiligon ang dalaga. Sinundan pa rin nila ito hanggang sa makapunta sila sa parking. "Domino Thirteen!" Isang nakakatakot at malakas na sabi ng leader nila na nagecho sa school parking nila. Wrath is their Gang Leader. At dito na nga lumingon ang dalaga. Lumapit ito sa kanila. "OA mo naman kailangan bang buong pangalan ha?" Malokong sabi niya at tinalikuran ulif sila. Ganyan yan pagbadtrip ayaw muna makipag-usap. "Where in the hell are you going, huh?" Sabi ni Pierce. "Exactly! Sa impyerno mismo. Ayoko na sa life. Ang sama ni Life." Loko-lokong sabi niya. Nagtawanan sila sa kalokohan ni Domino. "4th subject will start at exactly 4 minutes and 32 seconds. We better hurry guys." Sabi ni West. "What a math nazi, West." Komento ng babaerong si Titus. Siniringan lang ni West si Titus at naglambing na ito kay Chev. Lalaki silang lahat si Domino lang ang hindi. "May klase pa tayo Domino and we need to catch up!" Sigaw ni Hawk kay Domino. "Pero tinatamad akong pumasok! Tara na, uminom nalang tayo o kaya gumimik kaso maaga pa pala--" Napahinto siya nang takpan ng bestfriend niyang si Pierce ang bunganga niya. Inakbayan niya rin ito at hinila na pabalik ng school. Siniko naman ng dalaga ang bestfriend nito inihagis niya ito pabaliktad at tinapakan ang tiyan. "Yare ka sa akin, tangina mong unggoy ka ah!" At saka na bumalik sa school at pumuntang room. Nasa likod naman nito ang mga kaibigan niya. "Loko-loko talaga 'tong prinsesa natin. Minsan parang papatay. Minsan warfreak, minsan bungangera, minsan mas malamig pa sa cold, minsan parang hindi kilala ang sarili! Minsan loko-loko pero-- yun pala ang madalas. Nakakatawa talaga yung baliw na yun." Komento ni Titus pero tahimik lang si Wrath na kasabay nilang lumakad. "Ganun talaga si Domino. Tsaka ano ka ba! Halos buong buhay na nating kasama si Domino di ka pa rin sanay sa kabaliwan niya?" Sabi ni Hawk habang nginingitian ang mga babaeng nagbibigay daan sa kanila habang nagpapacute ito sa mga naggagandahang lalaki. They were a bunch of handsome and perfect men. "No, we don't really know her. Because even herself, she got no damn clue." Kinalibutan sila kay Wrath nang magsalita ito. Siya kasi ang pinakatahimik, pinacalculated, pinakamatalino, at pinakamabagsik. At minsan lang siya magsalita, kaya talagang kakabahan ang kung sino mang makakarinig. "Okay." Nasabi na lang ng mga kaibigan niya. Dala ng takot sa kayang gawin ni Wrath. "OMG! ang gagwapo talaga nila maliban na lang dun sa kay Ms. Blackbourne." Sabi ng isa nilang schoolmate. Everyone knows that Domino belong to their group. So kahit hindi sila magkakasama. She will always be present in their group. "Well, sobrang cool at ganda kaya ni Ms. Blackbourne. Kita mo yung nangyari kanina? kahit nakakatakot siya, ang astig at angas parin!" No one knows her first name and no one knows her code name was Domino. Everyone just knew her surname. "Ano pang sinabi ng boys, huh? Sobrang angas at cool din nila dagdag pa ang maladiyos nilang itsura at katawan!" The boys cringe at what they heard. Some of them, like the attention the girls were giving but sometimes it's just cringe-worthy. "I hate girls. West, except for Domino-chan. They are too irritating to deal with." Sabi ni Chev. "Well, Noona is the perfect girl we know. Well, pag hindi siya tinotopak." Tumango naman si Chev sa sinabi ng bestfriend nitong si West. Tumawa sila. Pumasok na sila sa classroom nila. Umupo naman sila sa tabi-tabi nilang upuan pero wala si Domino. "Asan si Domino?" Tanong ni Pierce ng makitang wala ang bestfriend nito. Nabigla sila ng bumukas ang pinto ng sobrang lakas at nasira ito. Bumagsak ang bakal na pinto at nasira rin ang casing ng door. Sakto namang dumating ang teacher nila. Nanlaki ang mata ng teacher at natahimik ang lahat sa gulat sa pagbagsak ng pinto. Kahit si Domino nakapeace sign na siya sa teacher. Natawa yung mga kaibigan niya dahil mukha siyang tanga at nagulat sa pagkasira ng pinto. "What the hell? Ms. Blackbourne, Do you know how much that door costs huh? Its almost 5,000! You know the policies and the rules in this school and you know that you're responsible for the damages. We all know that you're just a scholar in this school by a connection with Mr. Galleti. At alam naming wala kang pambayad dahil wala na ang mga magulang m--" Natigil ang guro ng tumuwid at tumaas ang noo ni Domino, bigla ring nawala ang ngiti nito at naging seryoso. Her very presence, her very actions could make people stop doing what they're doing. Tila ba nagpintig ang tenga niya ng marinig ang salitang magulang. Hindi niya gustong masira ang pinto. Pero nasaktan siya sa narinig. 'They knew nothing.' She thought. Nanlamig ang buong katawan ni Domino. Napayukom nalang ito sa narinig. Naglabas nalang ng bente si Domino at kinuha ang palad ng prof na medyo namutla at natakot sa kanya at inilagay ito doon. "Now. Saan nanggaling yung perang yun?" Natatawang sabi ni Pierce. His surname was Galleti. And he practically owns the school. "Sa bulsa niya, duh." Lokong sabi ni Titus. "Tanginang bente yan, hindi pa ata aabot sa labor yun, gago talaga 'to." Tawang-tawa na sabi ni Pierce. Tawa nang tawa ang mga kaibigan niya sa palabas na ginawa ng tropa nila. Iba talaga ang eksena niya. "I think that money is enough." Tumalikod na siya. Nagbubulung-bulungan naman ang mga tao sa paligid. Pero wala siyang paki. Never siyang nagkaroon ng paki sa iba. Except her friends. They were her life. She gritted her teeth at the memory of her teacher mentioning the word 'parents'. "How disrespectful! Anong gagawin ko sa bente mo?" Hiyaw ng teacher niya pero wala siyang paki. "Ipangbili mo ng corneto, magpalamig ka po ng ulo. Dagdagan mo nalang pala ng limang piso. Nagtaas na pala sila. Wala na akong barya dito eh, abuso ka na po." Napailing nalang ang teacher niya. The students in Galleti were very troublesome. But they couldn't do anything dahil sa kapangyarihan sa likod ng mga pamilya nito. Pinabayaan nalang ng teacher dahil wala naman talaga silang magagawa. Tawa lang sila ng tawa sa sinabi ni Domino. Sobrang loko talaga. Domino just hated her parents. Especially her mom. She shook her head at sinubukang kalimutan iyon but anger was seeping through her veins. She tried to calm down. Nang nasa parking lot na siya. Tinawagan niya ang mga kaibigan niya using a small device na pwede niyang makausap ang lahat ng sabay-sabay. "I'm going to the city." Binaba niya na. She knew they got it. The city she was referring to was the Royal Rulers City. Sumakay na siya sa Lamborghini niya at kinalimutan saglit ang mundo. Now, she couldn't do it. Hinintay niya saglit ang mga kaibigan at nang matagpuan niya ang mga katropa niya pinaharurot niya na ang sasakyan. Sumunod na rin ang iba at sumakay na rin sa kaniya-kaniya nilang sasakyan. "Yeah, b***h. I got mommy issues. Hindi lahat tayo biniyayaan ng maayos na pamilya." Sarkastiking bulong niya. +++++
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD