IV. Dangerous

1134 Words
Tapos na yung klase. Wala masyadong event ngayon sa buhay ko. Yung bagong list ng Death List ay nanggagaling sa mga Emperors. Binibigay lang iyon sa amin kapag tapos nang isulat ang mga pangalan na dapat magbayad. Ang mga Emperors. Sila yung mga pinakamataas at may apat na classification ang Emperors. Azure, Kokkinos, Pullus at ang Obsidian. Iba't-ibang gang ang pwedeng umupo sa bawat classification ng Emperors. Matira matibay nga lang. Syempre by rank rin sila. Azure ang pinaka-last. Obsidian ang pinaka una so sila talaga ang naghahari sa mga City. Bawat City ay may mga Emperors. Kami ang under ng mga Emperors and they call us Monsters. Our Gang was one of the Monsters. Bawat classification ng Emperors ay may under na Monsters. The more Monster gangs they have the powerful an Emperor Classification is. In short ang isang Emperor Classi na mas maraming under na gangs the higher their rank. We are the Rulers of Death at kami ang no.1 sa Monsters classification and it means under kami ng Obsidian Classification also the no.1 in Emperors. We don't know whose gang sat on that Obsidian throne kahit pa under nila kami. No one really knows. And the Obsidian Emperors where really the most powerful and enigmatic gang in our city. They were very dangerous. I hate to say this but those people are the greatest and everyone fears them. They manipulate each and everyone of us. Kasama ko ngayon syempre si Pierce at Titus. Kami lagi ang magkakasama. Laging nawawala si Hawk, Wrath, West and Chev siguro magkakasama yung mga yun. So ang bestfriend kong si Pierce at ang bestfriend ni Pierce na si Titus na lalaki ang laging magkakasama. Paulit ulit ko na atang nasabi sa inyo na bestfriend ko si Pierce. Siyempre naging close na rin ako kay Titus kase playful at talagang playful dahil playboy. Pauwi na kami sa mansyon. Nag-uusap sila tungkol sa bagong gang na nakaupo sa Azure Classi. Yung Abaddon 6. Narinig ko rin na kilala pala ni Pierce yung ibang miyembro ng gang na yun. "Tulala ang tibo. Oi! What's bothering you?" "Wala" Bored kong sabi. "Eh ikaw anong meron sa'yo Pierce? Ba't tulaley ang lola mo?" Baklang sabi ni Titus. "Juske kegwapo bakla? Sayang!" Nabigla sila nang masabi ko yun kahit ako rin nagulat. Nagtawanan tuloy sila at namula ako sa hiya. Dapat kase sa utak lang iyon. I admit gwapo talaga silang lahat. Pero kasi nabobother pa rin ako sa napanaginipan ko eh. Ano ba yan minsan di ko makontrol sarili ko. Paano ba naman kase pormal at cold ang attitude at mukha ko tas biglang hihirit ng ganun. Di ba loka-loka. "Tsk." Yan lang nasabi ko habang nagtatawanan parin pero kalaunay tumahimik din. Yeah wag kayong magtaka kaya kami naging magbestfriend ni Pierce eh halos kapareho ko ng attitude yan. Parehong-pareho kami. "Pinagtitripan niyo na ako eh." Asar kong sabi. "Hindi kaya. Parang bata, Domino!" Ginulo ni Pierce at Titus ang buhok at sabay pa sila. Sobra nilang ginulo ang buhok ko kaya nagsitakbuhan sila. "Pierce! Titus! Bumalik kayo dito! Argh!" Inis na inis na sabi ko habang hinahabol sila. Tawa sila nang tawa. Humarap si Titus at nagbleh siya sa akin. Parang gago ampota. Nang maabutan ko sila. Binigyan ko sila, tig-isang kotong. "Walang hapunan para mamaya!" Sigaw ko habang nauuna maglakad. Halos mawalan ng buhay ang dalawa nang maisip nila iyon at sorry sila ng sorry. Tawa naman ako nang tawa sa isip. Nagmatigas ako at nilokong hindi sila lulutuan ng hapunan. Mga loko-loko talaga. Ang mga kaibigan ko talaga ang bumubuhay sa mood ko. Kaya tuwing maaalala ko yung napaniginipan ko nanghihina ako. I don't want to lose them. Pero bakit parang takot na takot ako? Kukunin na ba sila sa akin? Tumalon agad ako sa kama at kinuha ang unan ko at ipinantakip ko sa mukha at dun ko na binuhos ang lahat nang nadarama ko. Ewan gusto ko lang talagang umiyak. Bakit ba kasi parang may feeling ako na may mawawala sa mga kaibigan ko? O baka naman dahil magkakaroon na ako kaya sobrang emosyonal ko na? Di ba pinatay ko na nga si Key? Yung pumatay kay Nixon, yung isa pa naming kaibigan. Napaghiganti ko na siya ah? Pero bakit parang takot pa rin ako? Takot na namang maulit iyon. Dahil hindi ko na alam kung anong magagawa ko kung may isa pang malagas sa amin. Hindi na ako papayag na mangyari iyon. Sila ang nagturo sa akin kung paano tumawa at maging masaya. Kaya napakaimportante talaga nilang lahat. Nakatulog ako sa kakaiyak at sa takot. Nawalan na ako ng konsensya. Ang pagpatay ay basic na para sa akin. Normal pa ba ako? Naalimpungatan ako nang may kung sinong umupo sa kama ko. Di ako makabangon dahil ang bigat-bigat ng mata ko. Ramdam ko namang may nag-alis ng unan sa mukha ko nang dahan-dahan inayos rin nito ang pagkakumot sa akin. At hinawi nito ang buhok na humaharang sa mukha ko. Sino ba tong lampastangang pasaway na pakialaman ako? Di ko talaga maidilat ang mata ko sa bigat ng katawan ko at sa pagod. Naramdaman kong pinupunasan niya ang mga tuyong luha sa pisngi ko at nagulat ako nang halikan niya ako sa noo. Teka gago to ah! Napamulat ako ng mata dahil sa inis kahit nahihirapan ako. Nakita ko ang mukha ng taong iyon na malapit sa akin at halatang nagulat sa paggising ko pero kalaunay bumalik sa normal ang ekpresyon niya. Tumayo siya pero agad kong hinawakan ang braso niya. "Anong ginagawa mo rito sa kwarto ko? At sino ka rin para ayusin ang pagtulog ko? Sino ka ba?" Inis kong sabi. Napatigil naman ako sa sinabi ko. Hindi pa maayos ang pag-iisip ko, ang sakit rin ng ulo ko.  Tinitigan ko siya. Ang ganda ng mata niya, ng ilong niya at ng mukha niya. I didn't know that Wrath has a perfect face. Ang gwapo niya pala. Sobra. Alam ko naman yun pero hindi nang ganito kalapit. "I'm sorry. I'm just bothered maybe you want something to eat because it's already 9 in the evening at hindi ka pa kumakain." Nagdugo bigla ilong ko sa kanya bigla ba namang mag-english eh masakit nga ang buong katawan ko tas pasakit pa yang english niya. "Oo na po. Baba na po ako. Wait lang po ah, maghihilamos lang po. Sige na po mauna na po kayo po sa baba po. Susunod po ako." Nainis kong sabi. Medyo natawa siya sa akin. At napatulala ako. Isa ito sa mga rare things na nagawa ni Wrath. Kasi hindi naman ngumingiti ang gagong to eh. Ni tumatawa hindi. "Why did you cry?" Naiilang niyang sabi. "Wala sige na Wrath susunod na ako salamat." I gratefully told him. He nodded. Tumayo na ako at binuksan na ang pinto pero nakita ko siyang nakatulala sa sahig may iniisip. "Hoy Wrath, tara sumabay ka na sa akin kanina pa rin galit yung tiyan mo. Tara na." Pilit kong ngumiti. I know he cares. I'm a good reader. I saw him smile too. Ayan na naman ang rare smile niya. Lumabas na ako ng kwarto at doon ko lang naramdaman na di ako humihinga at nag-iinit ang mukha ko. Now. This is dangerous. Between me and Wrath. It's just plain dangerous. +++++
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD