Chapter 1

1189 Words
“Hi, Shan!” bati sa akin ng bawat taong madadaanan ko sa hallway. Panay naman ang smile at kaway ko sa mga ito hanggang sa makapasok kami ng class room. “Hindi ba nangangawit ‘yang panga mo kaka-ngiti sa kanila?” walang ganang tanong sa akin ng best friend ko na si Andrea. Nakakunot ang noo niya habang sinasabit ang bag niya sa upuan. “Hindi ka pa ba sanay diyan, Drei? E, pwede na ngang tumakbong kandidato ‘yang si Shan sa susunod na eleksyon.” natatawang sagot ni Brianna. “Ako ang tatakbong vice president mo, Shan ha?” dagdag ni Laurence. Inirapan ko lang silang tatlo at naupo na sa pwesto ko, katabi ko si Drei at nasa harap ko naman si Bri. “Hi there, Miss friendship!” malakas na bati ni David sa akin pagkapasok niya ng room. Miss friendship ang tawag niya sa akin dahil halos lahat daw dito sa University ay kaibigan ko. Nu'ng una ay natatawa ang buong klase namin sa tuwing tatawagin niya akong Miss friendship, pero ngayon ay sanay na rin sila. “Shut up, Dave.” saad ko at pinatong ang siko ko sa mesa para maka-pangalumbaba. I'm a fourth year high school student dito sa Safami University at ilang buwan na lang ay ga-graduate na kami, ang kaso ay hindi ko pa sure kung ga-graduate ako dahil kahit anong piga ko sa utak ko ay wala talaga akong natututunan. “Guys, exam na natin next week. We have to aim for high grades. Bawal na ang petiks.” nakabusangot na saad ni Bri. Nakaupo siya sa desk niya at nakaharap sa amin. “Alam mo, uminom na lang tayo para walang stress.” biro ni Dave na agad namang binatukan ni Rence, nasa likod namin sila.“Puro ka talaga alak, boy!” “Anyways, how about a group study this sunday?” aya ni Drei. She's the smartest one in this group. Pangalawa si Bri at si Rence. Pasalamat na lang ako at medyo lamang pa ng kaunti ang utak ko kay Dave kundi baka mawalan na ako ng pag-asa. “Pass ako, Drei. You know naman na every sunday ay nagba-bonding kami ni Dad.” “Oo nga pala. Weekdays na lang siguro tayo mag group study since busy tayo lahat every weekends.” “Group study pa. Eh, hindi naman nag aaral itong si Dave. Dapat 'wag na 'yan isama eh.” pang aasar ni Rence sa katabi. “Excuse me, boy. Iba ang hindi nag-aaral sa hindi natututo. Sadyang bulok na itong utak ko kaya pagpasensyahan mo na.” naiiyak pa kunyaring saad ni Dave. I remained silent dahil utak na ang usapan. I sighed as I remembered my Dad. I know na ayaw niya lang ipakita sa akin, but he's disappointed. Last year ay hindi siya kumibo ng makita niya ang grades ko. I understand kung magagalit siya, but he never did. He just smiled at me that day and told me to catch up. Ganun naman palagi ang sinasabi niya sa 'kin. He never shouted at me, not even once. Ang sabi niya ay pareho lang naman kaming may pagkukulang sa isa't-isa, but I don't think so. He's the perfect Dad for me, but unfortunately, he doesn't believe that. Akala niya kasi ay masama ang loob ko sa kanya dahil palagi siyang nasa mga orphanage, at ilang ulit ko ng sinabi sa kanya na okay lang ako at naiintindihan ko siya pero ayaw niyang maniwala. “You okay?” bulong sa akin ni Drei na nasa kaliwa ko. “I don't know how to catch up, anymore.” huminga ako ng malalim, “Fourth year na tayo pero mababa parin ang grades ko. Kung hindi kami siguro mayaman ay baka sa kangkungan ako pulutin. Ni hindi nga ako sigurado kung tatanggapin pa ako rito sa Safami sa college.” “It's okay, Shan. You still have this finals so don't lose hope, mag-aaral tayo.” she patted my back twice to comfort me. Buong klase ay pinilit kong isiksik sa utak ko lahat ng lessons namin. Nag focus ako sa pakikinig at hindi pinakinggan si Dave na nasa likuran ko pero rinig na rinig ko ang boses, sa mga tsismis niya sa buhay. Kaya ng makasakay ako sa kotse ay nahiga ako sa backseat at ipinikit ko ang mata ko dahil pakiramdam ko ay nahihilo ako. Masyado ko atang nagamit ang utak ko ngayon kaya full na ang memory. “Ayos lang po kayo, Ma'am?” tanong ni Kuya Bent, driver namin simula pa noong nag high school ako. Normally ay si Dad ang naghahatid sundo sa'kin, but because of his full schedule sa mga orphanage ay nag hire na siya ng driver for me. I can drive naman na, ayaw niya lang. “Sabi ko naman sa'yo, Kuya, na Shan na lang ang itawag mo sa'kin,” i told him while my eyes are still closed, “I'm okay po, masakit lang ng kaunti ang ulo ko.” “Ang sabi po pala ng Daddy niyo ay hindi raw muna siya uuwi at sa orphanage siya matutulog kasi kailangan daw siya roon ng maaga,” paliwanag nito. “Okay po, I'll just call him later.” hindi na bago sa akin ang matulog ng mag-isa sa bahay dahil madalas talaga ay nag o-overnight si Daddy sa orphanage kapag medyo malayo ang location. Nasa Cavite siya ngayon at nandito naman ako sa Bulacan. I told him before na mag stay na lang every time na malayo ang location ng orphanage na panggagalingan niya to reserve his energy. Minsan kasi ay naaawa ako sa kanya kapag uuwi siya ng bahay ng madaling araw tapos aalis ulit after ng ilang oras dahil nagpapa-feeding program siya tuwing umaga. Nang makarating sa bahay ay hindi na ako kumain at dumeretso na lang sa kuwarto para magpahinga. Nagising ako dahil sa lakas ng ringtone ng cellphone ko. Sinagot ko ang tawag without even looking kung sino 'yun. [“Hello, Shan?”] It's my Dad. “Yes, Dad?” matamlay kong sagot, I'm too sleepy right now. [“I heard from Bent that you're sick, you want me to come home?”] he asked worriedly. Tiningnan ko ang orasan at nakitang alas dose na ng gabi. That's the best thing about my Dad, kaya never akong nagselos sa mga nasa ampunan because of this attitude of him. Hindi ko man siya palaging kasama, but he makes me feel that I'm his number one priority. “I'm good, Dad. I'll just sleep, no need to worry and just stay where you are.” [“You sure? I can go home if you want to.”] Tumawa ako dahil sa kakulitan ng Dad ko, “Yes, I'm perfectly fine, promise.” [“Okay, then. Sleep now and I'll come home early tomorrow. Goodnight, Princess. I love you!”] “I love you too, Dad. Take care!” I answered and then i ended the phone call. Antok na antok ako kaya pagkababa ng phone ay nakatulog na ako agad.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD