"I THINK, I ALREADY HAVE." Tumango-tango siya, hindi makuha kung anong ibig ipahiwatig ng titig at ng tinuran nito. Gayunman, sa puso, nadarama niyang gumagaan ang pakiramdam niya sa tuwing kausap ito — katulad na lamang sa tuwing kasama niya si Cassie. Sa puntong iyon ay napangiti na si Tasha. Sa kagustuhang makausap pa ito nang matagal, muli ay natanong siya, "Was he really going to kill me back there?" Napatingin ito sa harap. "Well, if he did kill you, that would be the first time." Nilingunan siya nito. "Don't you worry about my brother. I told you, he's a good person." Umalis na rin si Eon mayamaya. Sumapit ang alas nuwebe ng gabi, at si Tasha ay hindi na mapakali sa harap ng salamin, pilit na ibinababa ang suot-suot na uniporme, ngunit sa tuwing ginagawa niya iyon, lalo lamang