"YOU'RE fired." Nilingunan na niya ito, seryoso pa rin. hindi na nakapagsalita pa ang dalaga. Ang kaninang lukot na mukha, ngayon ay hindi na maipinta; tila ay mapapaiyak na ito. "I'm sorry." Nanginig na ang labi nito, unti-unting tumulis ang nguso. Doon na siya ngumiti, saka tumawa nang mahina. "I'm serious." "I'm, serious too, Tasha," ani Enzo, sa puntong iyon ay talagang seryoso na siya. "B-But—" Napapikit ito, ipinatong ang braso sa nakatupi pa ring mga binti at doon, isinubsob ang mukha. "I'm sorry, please don't fire me." Bumuntong-hininga si Enzo. "I'm firing you, 'cuz I don't want you to go to work, anymore. I want you to stay here." Inangat nito ang tingin sa kanya. "Ha? W-Why?" Tumungo siya sa sink dala ang ice pack na tunaw na at doon iyon inilapag. "Because I want you he