MALAMIG ANG hangin nang umagang iyon sa balcony ng pad ni Enzo. Pero hindi iyon sapat para hindi siya roon tumambay. Bukod kasi sa maganda ang sikat ng araw, napakalumanay ng tunong ng alon ng karagatan sa ibaba. The smell of the ocean gave her more tranquility. At tulad ng nakagawian ni Tasha, sa tuwing marami siyang iniisip, ibinilad niya ang sarili sa ilalim ng araw, nakalubog ang mga binti sa pool, pinagmamasdan ang magandang landscape roon. Tumingala siya at pumikit, ipinagdasal ang pasasalamat. Nakamit na ng kanyang ama ang hustisyang matagal na inasam ni Tasha. Wala siyang pangambang baka mali ang taong hinuli ng mga pulis; malinaw ang CCTV na siyang nagpapatunay na talagang ang taong iyon ang pumatay sa ama niya dahil siya mismo ay napanood niya. Gayunman, hindi niya malaman ku