"LET'S talk," bungad ni Enzo nang magmulat ang mga mata ng babae. Inabot siya ng dalawang oras kakahintay na magising ito habang nakaupo sa single couch, pinanonood ang mahimbing na pagkakatulog nito. Kinusot-kusot ni Tasha ang mga mata, saka nakakubang umupo na tiningnan siya. Bahagya siyang napangiti. Kahit sa pag-gising ay nakatutuwa talaga ang babae na panoorin. Sa lahat ng aspeto na mayroon ito ay purong kainosentehan lang: sa panlabas, maging sa pag-uugali. "Where's your friends?" tanong ni Tasha. "They already left," aniya saka tumayo at naglakad patungo sa pinto. "I'll be at the balcony." Pumunta siya roon at pumuwesto sa isa sa mga sun lounger, nagsindi ng sigarilyo. Enzo wasn't a smoker. Ginagawa lamang niya iyon kapag siya ay lasing, at sa tuwing siya ay galit na galit. Du