"MAMILI ka na lang sa loob. For sure na may magkakasya sa'yo?" Ngiting-ngiti ang pinay na assistant ni Kairo. Nasa harapan sila ng isang pintong nakasara. Matapos ang performance nila ni Rita ay agad na may lumapit sa kanyang waiter; may sinabing direksyon sa kung saan siya pupunta. Doon daw siya kikitain ni Enzo. Sa paglalakad, sinalubong siya ng babaeng ito, nagpakilala sa kanya at dito siya dinala — sa isang mansyon na kasakop lamang din ng beach club — sa lugar kung saan naroroon din ang nobyo. Dahil sa inis nadarama, wala sa huwisyo ay tumango si Tasha sa babae. "The room you about to go to is on the third floor; first door at the right," ani ng babae saka nagpaalam na aalis na. Pagbukas niya ng pinto, tumambad ang napakalaking closet. At ang laman? Sandamakmak na mga damit at mga