bc

Raindrops on Summer

book_age16+
17
FOLLOW
1K
READ
independent
drama
tragedy
comedy
sweet
humorous
lighthearted
female lead
small town
slice of life
like
intro-logo
Blurb

Summer Mendoza a cheerful young lady decided to spend her whole summer at his father’s place where she met Rain Salazar an aimless guy. They developed a strong relationship and unexpectedly they fall in love with each other.

chap-preview
Free preview
Chapter One
Naiisip ko... Paano... Ano ang magiging ending ng kwento ko kung sa panahon ng tag-init na iyon, hindi ako nagbakasyon sa lugar ng Papa ko, sa halip ginugol ko buong panahon ko sa loob ng kwarto ko? Kung maibabalik ko lang sana... Pero hindi na... Paggunita? Oo, iyon na nga siguro ang makakaya kong gawin. Kahit pa nga paulit-ulit... Paano ko ba makakalimutan iyong minsan sa panahon ng tag-init sa buhay ko... Nang magbakasyon ako sa lugar ng Papa ko —ang una kong bakasyon sa loob ng labing walong taon ng buhay ko at ang unang beses na mapalayo ako ng matagal sa piling ng Mama ko. Hindi naman mahigpit si Mama, sobra lang talaga siya kung mag-alala sa akin na baka may mangyari sa akin. Ayoko din naman ang maging pabigat sa kanya, kaya nga naging masunuring anak ako. Pero sa sandaling iyon... Iyong panahong iyon... Hiniling ko talaga sa Mama ko na payagan niya ako na makapagbakasyon sa lugar ni Papa bilang regalo niya sa ika-labing walong taon ng kaarawan ko. Sumang-ayon nga si Mama... At pati din ang panahon nung araw na iyon. Asul pa nga ang kulay ng kalangitan. Banayad din ang ihip ng hangin na pasimpleng dumuduyan sa mga namumukadkad na mga bulaklak. At nagsisiliparan din ang mga paru-paru na para bang tuwang-tuwa ang mga ito pagkat tag-init na naman. Mainit na nga ang panahon. Ramdam na ramdam ko na nga ang init ng panahon iyon, na kasing init din ng mahigpit na yakap ni Mama. At ang kanyang mahigpit na yakap pa nga ang dahilan kung bakit hindi ko pa din magawang maihakbang ang mga paa ko. Talagang hinabol niya ako ng kanyang mahigpit na yakap na parang bang ayaw niya akong mawala sa piling niya, kahit pa nga alam niya na may taxi na naghihintay na sa akin. "Anak, mangako ka sa akin na kapag andoon ka na. Hinding-hindi mo papabayaan at papagurin iyang sarili mo." Inulit na naman niya ang paalala niya. Halata ko naman na alalang-alala siya sa pag-alis ko. Pasimple nga akong ngumiti upang ipabatid sa kanya na magiging okey lang ako at sinuportahan ko din ng paghawak ng mahigpit sa kamay niya. "Mama, matanda na po ako. And I know my limitations. So please trust me and don't worry, okey?" Ayon ko nga sa kanya. Isang malalim na butonghininga ang pinakawalan ni Mama tas tumango ito. "I trust you, my Summer. Pasensya ka na. Hindi lang talaga mawala sa akin ang hindi mag-alala. Alam mo naman na your my precious daughter, diba?" Tugon ni Mama. Napapansin ko naman na para bang iiyak na siya, kaya naisipan ko ang umalis na, bago pa man may mangyaring iyakan. "Mama, don't worry too much. Mai-stress ka lang eh. Bad pa naman ang stress dyan sa baby na nasa belly mo. Remember always be happy para healthy si baby." Saad ko sabay halik sa pisngi ni Mama tas dali-dali na nga akong lumabas ng bahay at agad na sumakay sa taxi. "Summer, don't forget to call me kapag andun ka na." Pahabol naman ng Mama ko. Sumilip ako sa bintana at kinawayan si Mama. "Okedokey! And please don't worry too much. I'll be fine. Promise!" Tugon ko. Umandar na nga ang sinasakyan ko, pero ewan ko ba kung bakit lumingon pa din ako sa bahay namin . Nakita ko tuloy ang Mama ko na hindi pa din natitinag sa kinatatayuan niya. Nakaramdam tuloy ako ng pagkalungkot na kinakailangan ko ding labanan, ako din kasi ang mahihirapan kapag ka magpapatalo ako sa nararamdam ko. Kinakailangan ko ang maging matatag sa desisyon ko na makapunta sa lugar ng papa ko dahil iyon naman talaga ang gusto kong gawin at mangyari. Hiwalay na ang mga magulang ko. Walong taong gulang ako ng magpasya sila na maghiwalay at ang rason nila ay ang hindi nila pagkaka-unawan na kahit sa isang maikling bagay, pinag-aawayan pa din nila. Noong una'y hindi ko pa sinang-ayunan ang kanilang paghihiwalay. Mas gugustuhin ko pa din iyong buo ang pamilya ko pero kalaunay inunawa ko na lamang sila. Nanatili nga ako sa poder ng Mama ko —na ngayon ay may sarili na ding pamilya. Si Papa naman —hindi pa nakahanap ng kapareha. Malayo-malayo din ang probinsya ni Papa kaya nga minsan ko lang siya nakikita ng personal, hindi din naman kami nawalan ng kumunikasyon gawa ng halos araw-araw naming video call. Natuwa syempre si Papa nang malaman niya na pinayagan ako ni Mama na makapunta sa kanya. Nagboluntaryo pa nga ang Papa ko na sunduin ako, pero inayawan ko. Mas gusto ko kasi iyong mapag-isa sa biyahe para walang kumukontra sa mga gusto kong gawin. Halos nilipad ko na nga ang sakayan papunta sa probinsya ni Papa, talagang nasasabik na ako na makarating sa probinsya niya nang mapansin ko ang isang matandang babae na may bitbit na mga malilikot na mga manok. Ramdam ko na para bang nahihirapan ang matanda, agad ko nga siyang tinulungan. Tuwang-tuwa naman ang matanda sa pagtulong ko sa kanya at nagpasalamat din siya sa akin. Masaya kong sinundan ang mga hakbang ng matanda at parang sinuwerte din ako dahil napag-alaman ko na dadaan sa lugar ng Papa ko ang dyip na sasakyan ng matanda. Nakisakay na nga ako. Hindi ko inaasahan na magkakaroon ako nang isang nakakatuwang biyahe. Bibong-bibo kasi ang sinakyan kong dyip, kanya-kanyang kwentuhan ang maririnig ko sa mga pasahero. Mga dumadayong tindera't tindero ang nasa loob ng dyip kaya parang likas na daw talaga ang magsigawan kung magsalita ang mga ito —iyon ang kwento sa akin ng isang binata na katabi ko sa dyip na iyon. Hindi naman ako naiingayan, nag-enjoy pa nga ako. Lalo pa't, ito ang kauna-unahang pagkakataon na makaranas ako ng ganitong biyahe, pero mas lalo pang naging masaya ang biyahe ko nang bigla na lang nagsiliparan ang mga manok. Napahanga din ako kakaibang katangian ng mga pasaherong kasama ko. Imbes kasi na maimbyerna ang mga ito sa nangyayari, nagsitawaan pa sila habang panay ang kanilang panghuhuli sa mga manok. Pinasuot pa nga sa akin ang isang malaki at itim na plastic bag para daw hindi madumihan ang suot ko. Hindi ko na nga naalis ang ngiti ko na abot hanggang tainga kahit nakababa na ako sa dyip na sinakyan ko, para akong tanga na naiwanang nakangiting mag-isa. Sobrang nasiyahan lang talaga ako sa kakaibang biyahe na naranasan ko at alam ko, hinding-hindi ko pinagsisihan na mag-isa akong bumiyahe kasi may panibagong alaala na naman akong babaonin. At mas lalo din akong nasiyahan nang mapansin ko ang napakagandang paligid na nasa harapan ko. Hindi ko na nga napigilan ang sarili ko na singhutin ang preskong hangin. "Wow! This place is like heaven!" Punong-puno ng paghangang bigkas ko. Napapalibutan ng malalaking puno, mga halaman at mga bulaklak na pinalilibutan ng mga makukulay na paru-paru ang buong paligid na nakikita ko. "Kaya pala hindi makaalis-alis si Papa sa lugar na ito eh. Sobrang ganda naman kasi." Sabi ko habang nilalaro ng bibig ko ang isang bubble gum na kanina ko pa nginunguya, hinulma ko din ang bubble gum na ito na kasing hugis ng isang maliit na lobo nang bigla namang may tumama sa ulo ko na naging dahilan ng pagputok ng bubble gum at napunta lahat sa mukha ko. Agad kong tinignan kung anong bagay ang tumama sa akin at napansin ko ang isang maliit na kahoy. Nakunot-noo ako at nagtaka kung saan nanggaling ang kahoy na ito, nang bigla ding may lumapit sa akin na isang grupo ng mga bata pero agad ding nagsitakbuhan papalayo sa akin na para bang may kinatatakutan. "Aah! Mamang! May mumu...! May mumu...!" Ang narinig kong sigaw ng batang lalaki. Ako naman, isa ding matatakutin na nilalang, mabilis din akong napatakbo at nakapagtago sa isang malaking puno kahit hindi ko naman alam kung ano ang kinatatakutan ng mga batang ito. "Gisingin mo si Kuya Rain. Baka makain siya ng mumu!" Malakas na bigkas ng isang batang lalaki na sa palagay ko ay malapit lang din sila sa pinagtataguan ko. "Kuya Rain! Kuya Rain! Gumising ka na! May mumu! May mumu!" Sigaw ng isa. "Ha!? Sunog! Saan ang sunog! Ano ang nasusunog!" Biglang bigkas ng boses lalaki, parang nagulat ata ito dahil biglang ginising kaya ayon, kung anu-ano ang pinagsasabi. Pasimple ko namang sinilip ang mga ito mula sa malaking puno na pinagtataguan ko, parang na curious lang ako. Nakita ko ang isang lalaking nakaupo sa duyan at pinalilubutan ng mga bata. "Kuya Rain naman eh! Wala namang sunog eh! Ang sabi namin may mumu!" Paliwanag ng isang nakapamaywang na batang babae na parang naiinis sa narinig niya mula sa Kuya Rain nila. "Anong mumu iyang pinagsasabi nyo? Wag nyo nga akong lokohin? Hindi totoo ang mumu." "Kuya! Totoo po ang sinasabi namin!" Pagpupumilit naman ng isa. Umiling ang lalaki. Halatang hindi naniniwala sa mga bata. "Aynaku! Kayo talagang mga bata kayo! Alam nyo ba? Ang sarap-sarap ng tulog ko. Ba't ba naman kayo nambubulabog?!" Wika ng lalaki tas humiga na siya sa duyan niya. Pinasya ko naman ang wag ng makinig kasi parang pakiramdam ko nagiging tsismosa na ako at nahihiya ako sa sarili ko nang paghakbang ko ay narinig ko ang sigaw ng isang bata. "Bahala ka nga sa buhay mo! Kunin ka sana ng mumu!" Hindi ko tuloy napigilan ang sarili ko na hindi mag-usisa. Agad ko na nga silang sinilip ulit. Nakita ko na nilayasan nang mga bata ang kanilang Kuya Rain. Bigla ding bumangon ang lalaki. "Sana nga kunin na ako ng mumu ninyo! Iyong lamutin ako nang buong-buo para mawala na ako sa mundong ito! Argh! I hate this life!" Sigaw ng lalaki sa mga bata tas bumalik na siya sa pagkakahiga. Ako naman, parang nalungkot at nakaramdam ng panghihinayang sa narinig ko. Naalala ko lang kasi ang mga taong may malubhang kalagayan, iyong iba kaunting panahon na lang ang natitira sa mundo, gayunpaman, kahit alam nila na hindi na sila magtatagal sa mundo, nagsisikap pa din sila at humihiling na sana mabiyayaan pa nang mahaba-habang panahon. Samantala, may mga tao naman na hindi man lang magawang pahalagahan ang buhay na ipinagkaloob sa kanila. Hay! Who am I to judged him? Baka naman may pinagdadaanan siya. Nasabi ko na lamang sa sarili ko tas naisip ko ang ipagsawalang bahala ang mga narinig ko. Ayoko lang kasi na sayangin ang araw ko sa mga walang katuturang bagay. Hindi ko pa naman maibabalik ang nasayang na oras ko, kaya dapat sinisigurado ko na nilalaan ko talaga ang bawat araw ko sa mundo sa mga bagay na makakapagbigay sa akin ng kabuluhan. Nililibang ko na nga ang sarili ko sa pagmamasid sa mga magagandang bulaklak na nakikita ko. Minsan naman nilalapitan ko ang mga bulaklak na ito at nilalanghap ko. Napapatingin din ako sa mga iba't-ibang puno na nasa paligid. Parang naging mga pagkain at gamot ng kaluluwa ko ang mga nakikita ko, talagang nagpapagaan ito sa pakiramdam ko. Naengganyo din ako din sa mga paru-paru na nagsiliparan sa harapan ko na para bang nanunukso sila na habulin ko sila. Hindi ko na nga napigilan ang sarili ko, hinabol ko ang mga paru-parong 'to, hindi ko nga lang napansin ang isang malaking bato na nakaharang sa dinadaanan ko, natisod at bumagsak ako sa lupa. "Meee...!" Narinig kong hiyaw ng kambing. Eksaktong-eksakto talaga ang hiyaw ng kambing na 'to sa pagkakadapa ko sa lupa na parang kinakantyawan ako. "Okey ka lang ba?" Tanong ng isang lalaking boses. Ayoko namang gambalain ang taong ito kaya agad akong tumango tas itinaas ko ang okey na hand sign ko para ipaalam sa kanya na okey ako. Dali-dali din akong tumayo tas inayos ang sarili ko nang biglang nagsalita ang lalaki. "Aha! Ikaw pala ang nanakot sa mga bata." Kumunot ang noo ko sa narinig ko, nagtaka lang ako kung bakit nasabi ito ng lalaki. Tinignan ko siya, nagulat pa ako nang makita ko sa harapan ko ang lalaking tinatawag ng mga bata na Kuya Rain. "Excuse me! Bat mo nga pala nasabi na tinatakot ko ang mga bata? Abay! Hindi naman nakakatakot ang hitsura ko ah? Ang ganda-ganda ko nga eh." Sabi ko sa kanya para malinawan ako sa narinig ko. Pero imbes na sagutin ako, may kinuha siya sa bulsa niya —isang cellphone tas bigla na lang niyang iniharap iyon sa akin na para bang kinukunan niya ako ng photo. "Ayteka! Did you just take a photo of me?" Natanong ko nga na agad naman niyang sinagot sa pamamagitan ng pagpapakita niya ng hitsura ko mula sa phone niya. Kinunan nga niya ako ng photo na naging sanhi naman ng pagnganga ng bibig ko. Hindi lang kasi ako makapaniwala sa naging hitsura ko, buhaghag na buhaghag ang mahaba kong buhok, may mangilan-ngilan ding bubble gum ang mukha ko at lalo akong nakakatakot tignan dahil sa suot ko na itim na plastic bag. Inaamin ko, natakot din ako sa hitsura ko. "And now you know." Bigkas niya. Gusto ko pa sanang kausapin siya kaso humakbang na ito papalayo sa akin. Nasundan na lamang ng mga mata ko ang papalayong lalaki pero hindi ko inaasahan na hihinto ito at lingunin ako. Nagtaka din ako sa sarili ko kung bakit nakatitig na ako sa mga mata niya at ewan ko din kung bakit hindi man lang siya umiwas sa mga titig ko. Nagkatitigan nga kami. Pero ewan ko ba, kahit malayo ang distansya niya sa akin, malinaw na malinaw ko pa ding nakikita ang nakaguhit na ekspresyon sa mga mata niya. Alam ko, ramdam ko siya... Parang konektado nga kaming dalawa... Parang may bumubulong din sa akin, naghihimok na kilalanin ko siya. Ewan ko nga ba... Nakakapagtaka talaga.. Siguro nga... Iyon na din ang simula...

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

One Night Stand (R18-Tagalog)

read
1.9M
bc

MY STRICT TEACHER IS MY HUSBAND

read
1.9M
bc

WHAT IF IT'S ME

read
68.8K
bc

Rewrite The Stars

read
97.7K
bc

THE RETURN OF THE YOUNG BRIDE

read
249.0K
bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
141.1K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
78.9K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook