Tahimik kaming tatlo na naglalakad sa kakahuyan kung saan kami nagtungo pagkalabas sa malaking bahay. Ideya ito ni AD dahil balak niyang habulin ang dalawa at sigurado siyang dito nagtungo ang mga iyon. Masakit na mahapdi parin ang mga tama ko pero natigil na iyon sa pagdugo. Nagawa na rin itong tapalan ng tela ni Samuel kanina. Pero nananatili parin akong inaalalayan niya dahil sa tama ko sa binti. Mahigpit ang pagkakahawak niya sa bewang ko habang nakapatong ang kaliwa kong kamay sa balikat niya. Nangunguna sa paglalakad si AD na nasa harapan namin. "Saan ba ang punta natin? Dapat talaga tumawag na lang tayo sa mga pulis eh." Hindi ko mapigilang wika sa dalawa na hindi man lang ako pinansin at nagpapatuloy parin sa paglalakad. Hindi na ako pamilyar sa mga dinadaanan namin