Ang pagkikita namin ni Samuel ay muli pang nasundan nang dumalaw siya sa bahay ko kinabukasan matapos may mangyari sa amin. At hindi ko man aminin, ay muli ko na naman nararamdaman ang kasiyahang sa kanya ko lamang nararamdaman matapos ang lahat. "Saan tayo pupunta?" I asked him habang lulan kami ng Trailblazer ko at tinatahak ang expressway na nasa labas na ng Metro. "Basta." Nakangiti niyang wika kaya natahimik nalang ako. Hindi ko man maamin sa ngayon pero may parte sa akin na bumabalik gayong magkasama na ulit kami. Ang saya na sakanya ko lang naramdaman na kahit maiksing panahon lang sa buhay ko nakamtam ay hinding-hindi ko makakalimutan. Hindi ako naging ganito kagalak at kapanatag simula nang mapunta ako sa totoo kong pamilya. Binihisan nila ako at pinag-aral sa