Wala akong baon na plano o ano nang makarating ako sa bahay ko matapos ang mahabang oras ng biyahe mula sa States. Sobrang exhausted ako at kahit gusto ko ng matulog ay pinili kong magtungo sa bahay nila Diamond. Masyado pang maaga pala mang-bulahaw kaya nagbakasali parin ako at pinindot ang doorbell. "Sapphi?" Gulat na wika ni Dia habang hawak ang two month old na anak nila ni Lyndon. "Hi!" Alinlangan kong bati. Bigla naman ay parang natauhan siya kaya maluwag na binuksan niya ang gate nila at pinapasok ako. "Hindi ko alam na uuwi ka. Na-move ng next month ang binyag ni baby Heart eh." Sabi naman nito nang makaupo ako sa bench sa may garden nila. Naupo na din ito sa tabi ko habang hawak parin ang baby nila. Hindi ko matanggal ang mga mata ko sa maputi at magandang bata