03

1248 Words
Chapter 03 3rd Person's POV "Anong ginagawa mo ate? Layuan mo si Keanu!" irita na sambit ni Yulo. Pokerface siyang tiningnan ni Luna. Umatras si Yulo at pinotrektahan agad ang mukha niya. "Mukhang kulang pa ang mga pasa sa mukha mo ah. Anong pakialam mo kung lapitan ko si Keanu? Wala na kayo diba?" tanong ni Luna. Sumama ang mukha ni Yulo matapos marinig iyon. "Pero hindi ibig sabihin 'non pwede mo na pestehin si Keanu! Kilala kita at—" "Kung kilala mo ako aalis ka ngayon sa harapan ko bago pa lumipad itong kamao ko sa mukha mo. Kilala mo ako— hindi ako titigil hangga't hindi ko nakukuha ang gusto ko kaya— alis!" Mukhang natakot naman si Yulo kaya agad umalis sa tambayan nila ito. Napahilot sa sentido si Luna— sumasakit ang ulo niya dahil sa kakambal niya. "Kaya ba pinauwi ka ulit dito ng mga kapatid mo ay dahil kay Yulo? Paano si Renz?" tanong ni Trixie. Dumilim ang mukha ni Luna at binaba ang kamay. "Huwag mo na ulit mabanggit- banggit ang pangalan ng kupal na iyon. Nanggigil ako tuwing naririnig ko ang pangalan na iyon," malamig na sambit ni Luna. Si Renz ang ex fiance ni Luna. 4 years na sila magka-in relationship at 2 years engaged. Ngunit dahil lang sa babaeng nakilala nito sa isang family reunion nagkasira sila at nakipag-one night stand ito doon. Ang masaklap 'nong tinanong niya kung anong dahilan kung bakit iyon ginawa ng long time boyfriend niya. Sinabi nito na mas trip niya ang mga babaeng mahinhin at dependent sa kaniya. Nakakatapak daw kasi ng pride ang datingan ni Luna at attitude nito— mas mukha pa daw lalaki si Luna kaysa sa kaniya. Kumukulo ang dugo ni Luna tuwing naalala niya iyon. Tumayo si Luna at nagpaalam sa mga barkada. Gusto nito mapag-isa— naglakad palayo si Luna dala ang mga gamit niya. Sa isip ni Luna hindi niya kailangan ng lalaki sa buhay niya na puno ng pride. Wala din siyang balak ibaba ang level niya para sa ibang tao. Kaya niya mag-isa at hindi niya kailangan ng kahit na sino. Hindi namalayan ni Luna na nasa harap na siya ng lumang library. Naalala niya doon siya natutulog kapag nabo-boring siya. Wala naman kasi halos pumapasok doon— sino ba gusto ng libro diba? Binuksan iyon ni Luna. Agad siya binati ng librarian— nagbigay lang ito ng I.D at tinungo ang pinakasulok at ang book shelves na nasa pinakadulo. Natuwa naman si Luna dahil mas malinis ang lugar na iyon kaysa 'nong isang araw. Umupo si Luna sa sahig at sumandal sa bookshelf na nandoon. Kinuha niya ang phone niya at nagpatugtog. Sinuot ang earphone at pumikit. Ngunit wala pa siyang ilang minuto na nandoon at nahihila ng antok nakaramdam siya ng presensya. Pamilyar ang pabango na iyon sa kaniya. Ngayon naalala niya— nakalimutan niyang doon nagta-trabaho ang scholar. Ito ang naglilinis ng library. Napatigil siya matapos may bagay na pinatong ang lalaki sa kaniya. Mukhang coat iyon. Nang mawala ang presensya. Minulat niya ang mga mata at tiningnan ang coat na nakapatong sa katawan niya. Maliit na lalaki si Keanu at kapos iyon para matakpan hanggang hita niya. Natawa ng mahina si Luna kinuha iyon. Napangisi pa ito matapos makitang nandoon pa din ang name tag nito. "Mukhang may hindi makakapasok bukas sa gate," ani ni Luna na may ngisi sa labi. Dumikit doon ang amoy ng binata kaya nilapit ni Luna ang ilong niya sa coat. Halatang mumurahin lang na perfume ang gamit ng may ari ng coat na iyon pero dahil kay Keanu iyon. Hindi masama ang amoy ng perfume na iyon para kay Luna. — Kinabukasan, Ayaw ng gwardya papasukin si Keanu 'nong umaga na iyon. Wala itong suot na coat at wala ang name tag nito. "Porket pinansin siya ni Luna feeling may ari na ng school," tumatawa na sambit ng isa sa mga kabarkada ni Yulo na nasa gate din ng araw na iyon. Nanatiling nakatayo doon si Keanu at pilit na sinasara ang tenga sa mga naririnig na panlalait ng mga estudyante na nandoon. Isa lang ang uniform niya dahil masyadong mahal ang uniform para sa pamilya niya. Ang coat ay naibigay niya kay Luna— wala kasi itong suot na coat habang natutulog sa library. Masyadong malamig doon at isa pa bakat na bakat ang katawan ni Luna sa uniform nito. Parang gusto sapakin ni Keanu ang sarili dahil halos wala siyang naging tulog dahil hindi maalis sa isip niya si Luna matapos ito makita sa library. Hindi siya na-attract sa babae tanggap niya na ganoon siya. Cross dresser din siya at kung walang uniform baka nag-dress or palda na din siya. Ngunit iba ang dating sa kaniya ni Luna. "This is insane. I think nakulangan ako ng tulog," bulong ni Keanu. "As far as I know past 8pm na. Kulang ka pa sa tulog 'nan?" Napatigil si Keanu at napaangat ng tingin. Nakita niya si Luna— nabigla ang binata kaya tumawa si Luna. "You look like a scared white rabbit you know, relax," ani ni Luna na natatawa sa takot na expression nito matapos siya makita. Hindi alam ni Keanu kung compliment ba iyon o insult. "Here, nandiyan ang uniform mo at name tag. Pinalabhan ko na din iyan," ani ni Luna. Nagulat ang lahat dahil doon— inabot ni Keanu ang paper bag. Pinaalis na siya ng gwardya doon at sinabing bakit hindi sinabi na nasa anak ng director ang uniform niya. Napatingin si Keanu matapos makitang naka-coat na si Luna. This past few days kasi wala itonv coat na sinusuot— imposible naman hindi ito nakabili kaya wala itong coat kaya nagtaka si Keanu. "Nagtataka ka bakit ako naka-uniform ngayon," tanong ni Luna. Medyo lumayo si Keanu matapos mapansin na magkalapit silang dalawa at sabay n naglalakad. "Isa lang ang uniform mo. Baka makita mo ulit ako natutulog kung saan ibigay mo na naman iyan sa akin katulad kahapon," sagot ni Luna. Biglang nahiya si Keanu dahil doon— ibig sabihin gising si Luna 'nong pumunta siya doon. Tiningnan ni Luna ang expression ni Keanu na may malalim na iniisip. Naa-amaze si Luna dahil madali niya lang nababasa ang iniisip ni Keanu. Halata ito palagi sa expression nito. "Tulog talaga ako 'non nalaman ko lang na ikaw iyon dahil sa name tag," sagot ni Luna. Tumingin si Keanu mukhang gusto nito itanong kung nakakabasa siya ng isip. Gusto tumawa ni Luna dahil doon. Kitang-kita kasi sa mukha nito ang mga gusto nitong sabihin. Nagsinungaling siya sa part na tulog na siya. Sigurado kasiyang magtatanong ito kung bakit hindi niya hinabol ang coat. Actually natulog pa siya doon yakap ang coat. Iyon na yata ang pinakamahabang naging tulog niya sa lumipas na mga taon.simula kasi 'nong 14 years old siya wala siyang naging maayos na tulog laging 2-3 hours lang. Kahapon nakatulog siya ng dalawang oras sa library then pag-uwi niya nakatulog siya muli at umaga na nagising yakap ang coat. Pagdating ni Keanu sa classroom niya nilabas niya ang uniform niya. Napatigil ito matapos mapansin na hindi iyon ang uniform niya. Mumurahin lang ang tela 'non at hindi iyon kasing ganda ng tela ng hawak niya. Tiningnan niya ang size. Iyon ang size niya— imposibleng napalitan iyon ng uniform ni Yulo o ng uniform ni Luna. Mas matangkad sa kaniya si Yulo ng ilang metro at mas lalo si Luna. "Hindi sa akin ang uniform na ito."

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD