Chapter 01
3rd Person's POV
Nakatitig si Keanu Randall sa nagpakilalang kapatid ng ex boyfriend niya. Sobrang ganda kasi nito at napakaangas ng dating kaya hindi maiwasan ni Keanu na mapatingin sa babae.
Dinala siya nito sa mukhang isang mamahalin na coffee shop. Wala siyang pambayad doon kaya hindi siya gumalaw ng kahit ano.
"Ako ang magbabayad kumain ka. Nakakaalis ng stressed ang sweets," ani ng babae matapos sumimsim sa black coffee nito na nasa tasa.
Sumunod ang binata at kumuha ng tinidor para kumain ng cake. Masyadong kasing nakaka-intimidate ang babae para sa kaniya. Pakiramdam niya may masamang mangyayari kapag napunta siya sa wrong side dito.
"Nakita ko kanina ang pagsampal mo sa kapatid ko," ani ng babae. Napaubo si Keanu— iyon na ba ang tinawag niyang last supper. Last niya na ba iyon?
"Bakit hindi ka magdahan-dahan? Kung gusto mo pa pwede pa kita i-order," ani ng babae. Sinamaan siya ng tingin ni Keanu.
Napangisi si Luna Valencia matapos makita ang side na iyon ni Keanu. Maya-maya nagbago ang expression nito at humingi ng tawad.
Kung ordinaryong babae lang siya at hindi nito nalaman na kapatid siya ng ex nito baka nasampal din siya nito kanina.
"Actually, nandito ako para i-compliment ka at i-advice na sa susunod na magkita kayo ulit— suntukin mo na siya hanggang sa madurog ang mukha niya para magtino," ani ni Luna na may ngiti sa labi. Napatanga si Keanu matapos marinig iyon sa mismong kapatid ng ex boyfriend.
Hindi magawa ni Keanu makapagsalita kaya kinuha niya ang tasa na naglalaman ng hot chocolate at uminom ng konti.
"Hindi ko maintindihan kung bakit mo ako sinama dito. Wala na kami ni Yulo," bulong ni Keanu. Pinagpalit na siya sa sarili niyang bestfriend dahil hindi niya maibigay kay Yulo ang gusto nito.
"Hmm, alam ko. Gusto ko lang itanong kung mahal mo pa siya at gusto mo sa kaniya makipagbalikan. Pwede kita tulungan dahil ayoko sa bago niyang boyfriend ngayon. Ang panget," banat ni Luna. Natawa ang lalaki doon ng konti kaya napatingin si Luna.
Binaba nito ang tasa at tinungkod ang dalawang siko sa lamesa. Humalumbaba siya.
"Actually, you're a beauty. Konting ayos lang sa iyo siguradong magkakandarapa na sa iyo pabalik si Yulo," ani ni Luna. Napatigil si Keanu matapos marinig ang compliment na iyon kay Luna.
"Pasensya na pero ayos na ako. Suko na ako," ani ni Keanu at yumuko. Napatigil si Luna.
"Hindi mo pa nasusubukan sumusuko ka na? Sinubukan mo na ba makipagbalikan kay Yulo?" tanong ni Luna. Tumingin si Keanu at ngumiti ng mapait.
"Pang-anim na beses na ito, Ms.Valencia. Last four months pa kami break— hindi ko iyon matanggap kay anim na beses ako sumubok ayusin ang relasyon naming dalawa," bulong ni Keanu. Bumakas sa mukha ni Luna ang gulat.
Maya-maya naggitgit ito at nakita iyon ni Keanu. Bumuga ng hangin si Keanu at kinuha ang mga kamay sa lamesa.
"Wala na akong balak pa ayusin ang relasyon namin ni Yulo. Tama na iyon," ani ni Keanu. Umayos ng upo si Luna at tiningnan si Keanu.
"How about turuan natin ng leksyon si Yulo. Gawan mo ako ng favor then kapalit 'non ang proteksyon para sa iyo," ani ni Luna. Napatigil si Keanu at napatingin sa dalaga.
"Masyadong naging spoild si Yulo dahil iisang lalaki. Gusto ko siyang turuan ng leksyon at alam ko na hindi ka titigilan ng mga estudyante sa campus na iyon. Pasensya na pero narinig ko kanina— isa ka sa mga nabigyan ng scholarship ng university na iyon diba? Maari din kita tulungan para maprotektahan mo ang scholarship na iyon at hindi maapektuhan sa break up niyo ng kapatid ko," ani ni Luna. Nagdalawang isip si Keanu— hangga't maari gusto niya putulin ang koneksyon niya kay Yulo ngunit paano iyon kung sa kapatid naman nito siya natali.
"Look— hindi kita pipilitin. Ang akin lang kung gusto mo makaganti at turuan ng leksyon si Yulo at the same time maprotektahan na din ang sarili mo," ani ni Luna. Tumawag ng waiter si Luna at humingi ng ballpen at papel.
Bumalik ang waiter. May sinulat si Luna sa maliit na papel at nilapag iyon sa harapan ni Keanu.
"Ayan ang phone number ko. Nandiyan din ang department at magiging section ko once na nakapasok ako ulit ako sa university," ani ni Luna. Tiningnan lang iyon ni Keanu ngunit maya-maya ay kinuha na iyon.
Tiningnan niya si Luna na sumisimsim ng kape.
"Huwag mo ako titigan. Malaking pasasalamat ko kung uubusin mo lahat ng ini-order ko para hindi masayang ang bayad ko," ani ni Luna. Napatigil si Keanu at napatingin sa napakaraming cake sa harapa niya.
Tama ba ang rinig niya. Pinauubos iyon sa kaniya. Nahihiya siya nguniy sino ba siya para tumanggi sa grasya.
—
Paglabas nila ng coffee shop. Masama pa din ang tingin ni Keanu sa babae kaya natawa si Luna. Hindi na nagbago ang tingin sa kaniya ni Keanu dahil doon.
Walang binayad si Luna dahil pagmamay-ari nila ang coffee shop na iyon. Naiinis si Keanu dahil doon.
"Wala naman kasi ako sinabing kailan ko magbayad talaga diba? At the first place shop iyon ng pamilya ko," natatawa na sagot ni Luna. Napatigil si Luna matapos makitang gabi na.
Sa pagkakatanda niya ay 5pm siya pumunta ng university at almost 5:30 'nong nakarating sila sa coffee shop. Mukhang 7pm na iyon at hindi niya napansin ang oras dahil masyado siyang natutuwa panoorin si Keanu na parang squirrel kumain.
"Gabi na— lagot ako kay mama. Kailangan ko na umalis!" ani ni Keanu na bigla na lang tumakbo at nagpaalam kay Luna. Natawa si Luna dahil parang bata ang lalaki— as if mapapalo siya ng nanay niya kapag na-late umuwi.
"Hmm, sayang— balak ko pa naman sana siya ihatid," bulong ni Luna matapso makitang sumakay si Keanu sa bus.
Mula sa kinatatayuan niya nakita niya pang tumingin sa direksyon niya si Keanu matapos makaupo. Ngumiti si Luna at kumaway. Nawala na sa paningin niya ang bus— kinuha ni Luna ang phone at nakita niya ang sunod-sunod na pagpasok ng message.
Nakita niya ang pangalan ng kapatid na si Yulo. Sunod-sunod ang pagtatanong nito kung nasaan siya at ang last message nito ay tinanong kung pumunta siya sa school.
"This idiot. Akala mo makakalampas ka sa akin ngayong araw. Hindi ka marunong makinig sa akin ah," naiinis na bulong ni Luna. Napatigil ang babae matapos mag-ring ang phone niya. Nakita nito ang pamilyar na caller name sa screen ng phone niya. Agad niya iyon pinatay at binalik iyon sa suot niyang leather jacket at tinungo ang sasakyan niya.
Binuksan niya ang pintuan ng kotse at pumasok doon. Hindi makapaniwala si Luna na hindi niya napansin ang oras— iyon ang unang pagkakataon na nalibang siya sa panonood sa pagkain sa isang tao.
"Normal pa ba iyon?"