CHAPTER 6: KAKAYANIN.

1826 Words
CHAPTER 6. Kakayanin. Maaga akong umalis ng bahay, kailangan ko pang dumaan sa ospital para magpaalam kay Julian at nanay. Excited na ako sa unang araw ng trabaho ko, pero kinakabahan din ako. Pagdating ko sa ospital ay may dala akong almusal ni Julian at ni nanay. Tulog si nanay at gising naman si Julian at nagkakape na. "Aalis ka na?" tanong nito pagkapasok ko. "Oo eh, susunduin naman ako," sagot ko. "Ito nga pala almusal niyo, Julian ikaw na muna bahala kay namay ha," dagdga ko pa. "Oo naman, tatawag ako kapag may problema," sagot niya. "Ay oo nga pala, ito numero ko," inilabas ko ang cellphone na bigay ni Gabriel at nanlaki pa ang mga mata niy ng makita niya ito. "Bago cellphone ha?" "Oo binigay ni Gabriel," sagot ko. "Gabriel? May jowa ka?" tanong niya at napatakip pa siya ng bibig. "Ha? Si Gabriel kaibigan ko, papakilala kita sa susunod na kita namin," sagot ko. "Gwapo ba? Ngayon ko lang nabalitaan na may kaibigan ka," pagtataka niya. "O siya sige na, alis na ako Julian ha tatawag na lang ako kapag free time ko," paalam ko at niyakap ko naman siya at hinalikan ko naman si nanay sa noo. "Mami-miss kita nay," wika ko at agad na umalis. Dali-dali akong bumaba at sumakay ng trycicle kung saan ako susunduin ng bodyguards ni sir Esteban. Tumingin pa ko sa maliit na salamin ko kung ayos lang ba ang itsura ko. Kung hindi ba ako mukhang zombie. Kailangan presentable at mukha akong maayos na tao, mahirap na maging first impression ni sir Luke mukha akong magnanakaw. Kailangan maganda tayo para naman mapakinabangan tayo. Hindi ko sinasabi na kapag panget wala ng pakinabang ah. "Miss ikaw po ba ang pinapasundo ni sir Esteban?" tanong sa akin ng lalakeng nakasuot ng puting polo na nagda-drive ng kotse. "Ay oo ako po," mabilis kong sagot. "Tara na po, hinihintay na kayo ni Don Lucardo," ani ng isang lalake na kasama naman ng driver. Lucardo pala ang pangalan ni sir Esteban at pngmayaman talaga. Sa suot pa lang ng driver at sa ganda ng kotse ay masasabi mo na mayaman talaga ang may ari. Pagdating namin sa mansion ay yumuko sa akin ang mga maids at guards. Hindi ko alam kung bakit eh pare-pareho lang naman kami dito na nagtatrabaho. "Hija! Finally let's eat i know your hungry," ani sir Esteban at binati ko naman siya ng goodmorning. Pagpasok ko napakaraming pagkain ang nakalatag sa lamesa. Sari-sari at talagang ang sasarap. Pinaupo niya ako sa pinakadulo at siya naman ay nakaharap din sa akin. "Eat, after this puponta tayo sa bahay ni Luke upang ipakilala ang bagong personal bodyguard niya, assistant, ang mg-aalaga sa anak ko," ani nito at ngumiti naman ako sa kaniya. "Maraming salamat po sir, gagalingan ko po at iingatan si Luke," sagot ko naman habang nilalantakan ang ulm na hinanda nila. "Ayoko na may marinig akong reklamo mula sa'yo hija, ayoko na nakita kang nahihirapan kasi kapag narinig ko iyon at nakita kang nahihirapan sa anak ko i can find another," paliwanag niya. "Hindi po sir, hindi ako sumusuko," mabilis kong sagot sa kaniya. "Good," aniya. Kumain na rin siya at mabilis akong natapos, maya-maya pa ay may isang maid na tulak-tulak ang mga damit na naka-hanger at magaganda ito. "This will be your outfit everytime na aalis kayo ng anak ko, ayoko naman na magmukha kang madungis sa tabi niya," paliwanag niya at hindi ako makapaniwala ang gaganda ng mga damit na ipapagamit niya sa akin. "Salamat po sir," sagot ko. "And i know na alam mo rin ang mga tama at mali, mga bawal at ikaw na ang bahala kung paano mo ito magagawa sa kaniya, huwag mong biglain, im warning you suplado ang anak ko," paliwanag niya. "Kahit nga ako hindi ko mapaamo ang anak ko, but i believe in you," dagdag pa niya. "Kayang-kaya ko po sir," nakangiting saad ko. "Every sunday tatawag ako, all i want is good news from Luke kung okay na ba siya kamusta siya or what, i don't want to hear negative message understand?" aniya at tumayo na siya pagkatapos niyang uminom ng tubig. "Yes po sir," sagot ko at sumunod naman ako. Hinintay ko siya sa labas ng bahay at mukhang may sinasabi pa siya sa lahat ng maida at guards niya. Marami sila at hindi ko naman marinig ang sinasabi niya dahil malayo ako. Mabait si sir Lucardo, talagang ang gagaling din ng mga katulong. Alam nila ang ginagawa nila at ang linis ng buong bahay. "Come in." Pumasok ako sa likod katabi si sir Lucardo, ibang kotse naman ang sinakyan ko. Aircon din at ang ganda dito sa loob. Abala si sir sa kaniyanh cellphone at may mga tumatawag din sa kaniya. Ako naman ay itinuon ko ang atensyo ko sa mga nadadaanan namin. Sabi niya hindi naman kalayuan ang bahay ni Luke, malapit lang ito at isang sakayan din daw. Ilang minuto ang nakalipas ay nakarating kami sa isang subdivision. Mukhang pangmayaman talaga ang subdivision pa lang. Iilang bahay pa lang ang bumungad sa amin pero manghang-mangha na ako sa ganda nito. "My son is a millionaire, dahil sa kumpanya at sa resorts na iniwan ko sa kaniya, nag-aalala lang ako kasi ngayon naging pabaya siya at hindi ko maiisip ang kalalabasan nitong lahat. Ayoko marinig na bumagsak ang kumpanya at ang resorts, kaya sana talaga maging maayos na siya," paliwanag niya. Bukod kasi sa iba pang kumpanya ibinigay na ni sir Lucardo ang resort at isang kumpanya kay Luke. Maganda naman daw ang unang pamamahala noong buhay pa ang mommy niya hanggang sa iyon nangyari ang trahedya at naging pabaya siya. Tumigil ang kotse da isang itim na gate, dumungaw ako para tignan ang bahay ay maganda ito. Two storey house at may terasa sa harap ng bahay. White, black and gold ang combination ng kulay. Black and white ang kulay at gold ang mga ilaw. "We're here," ani sir Lucardo at binuksan at biglang bumukas ang gate at pumasok ang kotse sa loob. "Goodmorning sir Lucardo," bungad sa amin ng guards. Wala akong nakitang maids at tanging isang tao lang ang nakita ko na bumungad sa amin. Wala talaga siya sigurong katulong. "Sasha, walang katulong dito si Luke at may naglilinis ng bahay na pumopunta dito at dahil nandyan ka naman ikaw na ang bahala," ani sir Lucardo at tumango naman ako. Papasok na kami sa loob at ng makapasok kami ay napakaaliwalas ng loob. Kulay itim ang couch at unan dito. May malaking tv sa dining at maganda din ang kusina. "Where's Luke?" tanong ni sir sa guwardya. "Tawagan ko lang po sir." Naghintay kami at napaupo ako sa couch at napakalambot nito. Si sir naman ay nakatayo at parang inoobserbahan ang buong bahay. "Dad too early to visit me," napalingon ako sa nagsalita at napatigil ako. Ito ba ang aalagaan ko? Ba't ang gwapo nito? Teka sure ba si sir dito? Eh parang kayang-kaya na niya ang sarili niya eh. Matangkad siya, may mapulang labi, may earings at meron din sa bibig niya. Ang badboy niya tignan. "Son i would like to introduce Sasha," pagsalita ni sir. "Goodmorning," tumayo ako at binati siya ngunit tinignan niya lang ako ng mabilis at muling bumaling sa daddy niya. "Who is she?" kunot noong tanong niya. "She is your new assistant." "Dad? Sinabi ko na sa'yo na ayoko mag-assistant kahit ano pa iyan ayoko." inis na reklamo niya. "Ngayon sa ayaw at sa gusto mo may assistant ka na, not just assistant, lahat ng bawal susundin mo." "What? Are you kidding? Ninanakawan mo ba ako ng kalayaan ha!?" halos tumaas ang kilay ko sa inasta ni Luke sa kaniya parang susuntukin niya sarili niyang daddy. "Luke i'm old enough to discipline you, to guide you, im tired. Hindi mo lang assistant si Sasha siya ang mag-aalaga, magbabantay at sasama sa'yo kahit saan ka pumonta, kahit dito sa bahay dito siya titira para baguhin ka at gawin kang isang matinong tao," paliwanag ng daddy niya. "So your saying na pabaya ako?!" "Exactly!" "f**k! Paalisin mo 'yan dito hindi ko kailangan 'yan!" singhal niya sa daddy niya. Napalunok ako sa takot dahil sa inasta ni Luke sa daddy niya. Ang kaninang excitement na nararamdaman ko ay napalitan ng takot at pangamba. Na baka hindi ko magagawa ang pinangako ko kay sir Lucardo. Pero para kay nanay gagawin ko ito bahala na. "Sige mamili ka, kukunin ko ang resort and Esteban company and all of your money from your bank account and this house or papayag ka na dito si Sasha para alagaan at bantayan ka?!" sigaw ni sir Lucardo na ikinagulat ko naman. "f**k this life!" "Kapag hindi mo siya sinunod Sasha will call me right away at hinding-hindi ako magdadalawang isip na gawin itong sinabi ko, Luke matanda ka na alam ko na hindi mo na kailangan 'to pero wala eh pabaya ka," dagdag pa ni sir Lucardo. Napaupo si Luke sa isang upuan at napahilamos sa mga palad niya. Alam ko na sobrang inis na inis siya sa daddy niya pero wala siyang magagawa. Daddy niya iyon at pipiliin ba niya na maubos ang pera niya at kunin lahat ng papa niya. "Luke matanda na ako, gusto ko lang naman nag magkaayos tayo, paano kung isang araw mamatay ako? Malulungkot ako nun Luke dahil namatay na ako ng hindi man lang tayo nagkakaayos," malungkot na saad ni sir. Parang sinaksak ng kutsilyo ang dibdib ko sa pagkakasabi ni sir Lucardo. Ramdam na ramdam ko ang sakit na nararamdaman niya at sa tuwing nagsasalita siya. "Kung mamatay ka man edi good news!" sagot niya ay agad na umakyat sa taas. Halos mapanganga ako sa sinabi niya at hindi ako makapaniwala na masasabi niya iyon sa daddy niya. Gago siya! Paano niya nagawang sabihin iyon. Kung ako siguro ang ama nun kanina ko pa sinapak 'yon. "Hayaan mo na Sasha, ganyan talaga 'yan but im still hoping na magawa mo ang pinapagawa ko," ani sir Lucardo. Isinama niya ako sa isang kwarto dito sa baba at ito daw ang magiging kwarto ko. Maganda, malaki ang kama at napakalambot. Aircon din at paramg hindi ito kwarto ng mga maids. "Dito nag kwarto mo, seven in the morning siya umaalis para sa trabaho at kailangan maaga ka pa magising dahil magluluto ka pa ng brekfast niyo," paliwanag niya. "Sasama ka din sa opisina niya, kailangan alam mo din ang schedule niya sa mga meetings para nandon ka at kailangan kasama ka kung saan man siya pumonta," dagdag niya. "Yes sir," sagot ko. Nagpaalam naman si sir dahil kailangan pa niyang puntahan ang meeting niya. Nagpasalamat naman ako sa kaniya at binigyan niya ako ng access sa company nila at kakausapin ko pa ang secretary ni Luke. Makakaya ko ito, kakayanin na kahit medyo suplado ang bosa ko. Ay ako pala ang boss dito, nasa akin ang kapangyarihan kaya hindi naman niya siguro magagawang tarayan ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD