CHAPTER 11. Make you suffer. Hapon na at kakatapos ko lang magluto ng ulam namin mamaya, tinignan ko na rin ang schedule ni Luke para bukas at wala siyang meeting at free day niya bukas at sa susunod na araw. Kaya napaisip ako saan kaya ang lakad niya mamaya o bukas? Magbo-bonding kaya sila ng mg kaibigan niya? Sasama naman ako para bantayan siya kaya hinding-hindi siya makakagawa ng anumang pwede niyang gawin na bawal. Tsaka kung iinom siya hindi ko naman siya papayagan dahil nga magbabago na siya kaya dapat tumigil na siya sa bisyo. Habang nakaupo sa garden nila ay agad akong napatayo ng makita siyang naglalakad palabas. "Saan ka puponta? Teka magbibihis lang ako!" sigaw ko at tumakbo ako papasok at dali-daling nagbihis ng damit. Tumakbo ako sa kotse at agad na pumasok sa likura