Till Death Do Us Part

Till Death Do Us Part

book_age18+
30
FOLLOW
1K
READ
possessive
tomboy
dare to love and hate
student
gxg
ghost
campus
enimies to lovers
friendship
friends
like
intro-logo
Blurb

Are you ready to love again despite of the pain from the past. The ghost who's always there to scares you. The two lovers will proved that having faith to god is the way to success. There is no force in the world that cannot be overcome by love.

chap-preview
Free preview
Chapter 1 Unang Paghaharap
Feb P.o.v. "Gumising ka, please. 'Wag mo akong iwan. Wake up!" "Nooooooo!" "Ate, gumising ka. Gising!" Napadilat ako sa tapik ng kapatid ko. Hingal na hingal at pawis na pawis. Para kasing totoong totoo 'yong panaginip ko kanina. Napanaginipan ko na naman siya. May namumuong luha sa gilid ng mga mata ko. "Ate, napanaginipan mo na naman ba si Ate Kis----" "Sshhhh. Tara kumain na tayo." Yaya ko sa bunso namin na si June. Pagkababa sa sala, nando'n si Lola kasama si May. "Oh, gising ka na pala, Apo. Anong oras ka na naman umuwi kagabi?" Malumanay na tanong nito. 'Di na lang ako kumibo at dumiretso sa kusina. Siguradong sermon kasi ang aabutin ko kay Lola pag sinagot ko pa 'yong tanong niya. Hindi na ba sila nasanay sa'kin na halos madaling araw na ko umuwi? Galing kasi ako sa bahay ng tropa ko sa sorority. "La, pahingi akong pera." Lambing naman ng kapatid kong si May. Nakayakap pa sa likod ni Lola. "Hoy! ipanggagala mo na naman? Umayos ka ah? mamaya may Boyfriend ka na." Singhal ko kay May. 4th years high school na ang kapatid kong 'yan. Matangkad, Maputi at Sexy. Kaya nga laging Muse ng room nila eh. Lagi din nanalo sa mga beauty contest. "Ate, naman! Boyfriend ka d'yan. Hindi noh," Naka-ngusong saad pa niya. "Subukan mo lang talagang mag-jowa at tatanggalan ko talaga ng mukha 'yon!" Banta ko. Over protective kasi ako sa mga kapatid ko. Lalo na si May dahil babae siya. Usapan kasi namin, pagka 18 niya pa pwede siyang mag-boyfriend. "Oh, tama na 'yan at nasa harap tayo ng pagkain. Magkano ba kailangan mo, May?" Tanong ni Lola. "Ahm, 500 hundred po." "Oh sige, bibigyan kita bago ka umalis. Kumain muna kayo." Gusto ko pa sanang kumontra kaso baka magalit na si Lola. Ayaw niya kasing nag-aaway or nagtatalo kami sa hapag kainan. Pa-simpleng bumelat naman sa'kin si May. Isang matalim na tingin naman sagot ko sa kanya. Pagkatapos namin kumain, sabay-sabay na kaming pumunta sa kotse. Isang school lang kaming tatlo. Hinahatid ko muna sila sa mga klase nila bago ako pumunta sa klase ko. . . Kitkat P.o.v. "Pinsan, sabay na tayong pumasok sa school. First day mo pa naman." Sabi ni Bea. Tumango lang ako. Ito pa naman 'yong pinaka hate ko, 'yong bagong school, bagong classmates, bagong pakikisamahan. Buti na lang same school kami ng pinsan ko. Atleast may kasama ako. Sa isang malaking university ako papasok. Sa baguio talaga ako lumaki at nakapag tapos ng highschool at nakapag first year college do'n. Pero nag-decide sila Mama at Papa, na dito na sa manila tumira at ipagpatuloy ung college life ko. Sobrang lungkot ko nung aalis na kami, s'yempre nando'n ung mga friends ko at sanay na 'ko sa buhay do'n. Pagdating namin sa school may mga estudyanteng tumitingin. Nakakailang. Ayoko kasi talaga 'yong tinitingnan. May dumi ba 'ko sa mukha? Hmmp! Napayuko na lang ako at kinuha ung cellphone ko sa bulsa ng. Bogggsss! "Aray!" palahaw ko. Parang tumama kasi ako sa matigas na braso. Napaangat ako ng tingin. Isang babaeng naka lugay 'yong buhok na hanggang shoulder at napaka seryoso ng mukha. Naka black eyeliner din siya, naka suot din ng black shirt at jeans. Kulang na lang black lipstick para perfect haha! Oo na, ang bad ko. "Why are you staring at me?" Mataray na tanong niya. Tumaas naman 'yong dugo ko sa ulo. Ako kaya itong nasaktan at bakit ang sungit niya?! "I'm not staring at you, Duhh!" Maarteng sagot ko. Feeling kasi ang isang 'to, eh. "Really. huh?" Sarcastic na sagot niya. Tinaasan ko naman siya ng kilay. "At bakit naman kita titigan? Ang sakit lang kasi ng noo ko na tumama d'yan sa braso mo," turo ko sa braso niya. Kita ko naman ang pag ngiti niya. Aba't nang-aasar talaga?! "Sorry." Hindi ko naman inasahan ang paghingi niya ng sorry. Akala ko tatarayan niya din ako, pero bakit parang lumambot na ang expression ng mukha nito? Kanina lang napaka seryoso ng babaeng 'to. Weirdo talaga. Tumango na lang ako sa pagtanggap ng sorry niya. Nagulat naman ako sa paghawak niya sa noo ko habang marahang hinaplos ito. Para naman akong nanigas sa kinatatayuan ko. Gusto kong hawiin 'yong kamay niya pero parang wala akong lakas para gawin 'yon. "I'm sorry. I'm so sorry," mahina niyang sambit at parang ang lambing ng pagkakasabi nito. "Bus! Tara na, mala-late na tayo." Sigaw ng isang girl sa likuran. Mabilis naman niyang tinanggal ung kamay niya sa noo ko at naglakad na palayo. Napalingon naman ako sa kanya at nagtama ulit ang aming mga mata tsaka siya tumalikod ulit. Napabuntong hininga na lang ako bago naglakad ulit at luminga-linga, wala na pala sa tabi ko si Bea. 'Di ko man lang napansin dahil sa weirdong babaeng nakabangga ko kanina. Makapunta na nga lang muna sa comfort room parang nagkabukol ata ako, ah? ang sakit pa din kasi ng noo ko. Nakahanap ako ng banyo sa may dulo ng corridor. Pagbukas ko walang tao at mukhang malinis naman. May tatlong cubicles. Nag salamin muna ako at tiningnan ung noo kong namumula. Kainis first day kong may bukol?! May narinig akong ngflash sa dulong cubicle. May tao pala? 'Di ko na lang pinansin at nag-brush na lang ako ng buhok. Maya-maya bumukas ung pinto ng dulong cubicle kaya napatingin ako sa salamin at hinihintay na may lumabas dito. Mga ilang minuto na ang lumipas pero bakit wala pa din lumalabas? Biglang nagtayuan ang balahibo ko at parang may malamig na hangin na humaplos sa braso ko. Nilagay ko na sa bag ung brush at powder ko ng biglang may babaeng nag-reflect sa salamin. Nasa......nasa likod ko na siya. "Mag-ingat ka sa kanya. Mag-i-ingat ka," Bulong niya sa akin. Napapitlag ako sa babaeng nasa likuran ko. Naka suot ito ng uniform na katulad sa amin. Hanggat balikat ang kanyang buhog, payat at may maamong mukha. Pero ang putla-putla ng balat niya at ang lungkot ng mga mata nito. Kapansin-pansin din ang basa na umaagos sa suot nitong uniporme. Labas ang aking pagtataka kaya hindi na ako nakapag pigil na magtanong. "Si.....sino ka?" Nanginginig na tanong ko. 'Di ako makakilos sa kinatatayuan ko. Ngumiti lang siya sa akin at bigla itong naglaho. Mabilis naman akong napatakbo palabas ng pinto at naramdaman kong may humila sa braso ko. "Ahhhhh!" sigaw ko. "Hoy! baliw," napahawak naman ako sa dibdib ko habang hinihingal. Si Bea lang pala. "Bakit ka ba tumatakbo? at namumutla?" sasabihin ko bang nakakita ako ng multo? baka pagtawanan lang ako nito eh. "W-wala. Tara na, hahapin pa natin ung room ko, eh." Hila ko sa kanya. . . Nandito kami sa building ng accountancy. "Oh, kita na lang tayo mamayang lunch, huh?" sambit niya bago umalis. I.T. kasi 'yong course niya kaya magkahiwalay ang room namin. Pagkapasok ko sa room, pansin ko ang pagtitig sa'kin ng mga classmates ko. "Pare, ang ganda, oh." "Oo nga noh, liligawan ko 'yan." Rinig kong usapan ng grupo ng kalalakihan. 'Di ko na lang pinansin. "Sis, tingnan mo si shy girl, 'di alam kung saan uupo." sabay halakhakan naman ng grupo ng spice girls na ang kakapal ng lipstick at make-up. "Psst, dito ka na lang umupo." rinig kong tawag ng isang girl sa gilid ko. Napatingin naman ako sa kanya. Mukha naman siyang mabait habang nakangiti ito. Mahinhin akong imupo ako sa tabi niya. "Hi, I'm Claire." Pakilala niya sabay lahad ng kamay nito na agad ko namang tinanggap. "I'm Kitkat." nahihiya kong tugon. "Wag mo na lang silang pansinin, ha? madami talagang bully dito, eh." Tumango lang ako at ngumiti. Maya-maya'y dumating na din yong prof namin. . . Feb P.o.v. "Bus, ang tahimik mo naman. May problema ba?" tanong sa'kin ni Lea. "Yong mga mata niya at kung paano siya mag-sungit. Kung paano siya tumitig. "Ay, malala na talaga na. Paki buhusan nga ng tubig ang isang 'to."Tska lang ako bumalik sa ulirat ng maramdaman ko ang kurot sa'kin ni Pearl. "Ouchh! Ang sakit ah?" reklamo ko. "Tulala ka kasi d'yan. Mamaya pala may bago tayong recruit sa grupo. Gustong-gusto sumali sa atin, eh. Ang kulit kaya pinagbigyan ko na," paliwanag ni Lea. "Sige papuntahin mo na lang sa tambayan mamaya," sambit ko dito. May grupo kasi kami ng sorority, piling-pili lang ang kasali sa grupo, 'yong iba kasi gusto lang sumali para maging sikat sa school. Masabi lang na kasali sa grupo. Ayoko pa naman ng gan'on. Gusto ko willing gawin lahat para sa grupo. Para na kasi kaming magkakapatid at naka-alalay sa isa't isa. Walang iwanan. Problema ng isa problema ng lahat. "Tara kain muna tayo lunch na, oh. Gutom na ko," yaya ni Pearl. Tumayo na kami at sa cafeteria na lang hihintayin ung iba naming ka-grupo. Pagdating ay halos lahat ng atensyon ng mga estudyante ay nasa amin. Sanay na ko d'yan. May ibang nawe-weirduhan. May ibang gustong-gusto ang grupo. Iba't ibang opinyon. Wala naman akong pakialam sa kanila. Wala din akong panahon sa iisipin nila sa grupo namin. "Hi, Febus, dito na lang kayo umupo," rinig ko na sambit ng babaeng nadaanan ko. Subalit tiningnan ko lang siya at dire-diretsong naglakad. Isa din sa ayaw ko 'yong masyadong papansin. Naiirita ako sa mga gano'n. "Hmmp! snob," Rinig kong sabi niya. Napatirik na lang ako ng mata. Suplada naman talaga ako, eh. Marami na din nagsabi niyan. The hell i care. Napako naman ang tingin ko sa babaeng nasa counter at mukhang seryoso sa pagpili ng pagkain. 'Yong tindig niya at kapag nakatalikod siya. "Bus, ok ka lang ba talaga? sinong nginingitian mo?" sita sa'kin ni Lea. Tiningnan ko lang siya at naglakad palapit sa counter. Gusto kong makasiguro kung 'yong girl na 'yon ang nakabangga ko kanina. "Kitkat!" Rinig kong tawag sa kanya no'ng isang girl. Kitkat ang name niya? brand name din ng chocolate katulad kay... "Hi, feb, pwede bang sumabay sa inyo kumain?" biglang sulpot sa harapan ko ni Gina. Hay! napakulit talaga ng babaeng 'to. "Can you move aside?" Patamad na sabi ko. Agad-agad namang siyang gumilid para makadaan ako. Nakakainis, nawalan na ko ng gana lumapit kay...Kitkat. . . "Bus, nandito na 'yong bagong recruit." Nandito kami ngayon sa tambayan. Paglingon ko nakita ko 'yong isang babaeng na kasama ni Lea. "Hi po, I'm be---" "Bakit gusto mong sumali sa grupo?" Seryosong tanong ko. "Kasi...Kasi gusto kong magkaroon ng kaibigan na katulad niyo. 'Yong mapo-protektahan ako sa pam-bu-bully ng mga classmates ko," "Bakit madami bang nambu-bully sa'yo?" Tumango lang siya at parang naiiyak na ang mga mata niya. "Okay sige. Pero dapat mapasa mo muna lahat ng ipapagawa namin sa'yo," "Kaya ko lahat ng ipapagawa niyo sa'kin," matapang na sagot niya. "Talaga lang, ah?" sabat ni Lea habang nakangisi. Sinenyasan ko naman siya para umpisahan na ang ipapagawa namin sa kanya. "Sige, mag-push-up ka ng 30 times habang kumakanta ng i dont wanna miss a thing." Utos ni Lea. Nagkatawanan namang ang grupo. Kumpleto kami. Bale 15 kami lahat. Iba't-ibang course. After class nagkikita kita kami. Nag-umpisa na siyang mag-push-up at nakakailan pa lang siya ay halata ng hirap na hirap habang kumakanta. "Ano kaya mo pa ba bata?" tanong ni Pearl. "K-kaya ko pa. Ito lng? sus!" sagot naman niya. "Palaban ang batang 'to, ah?" nakanigising wika ni Nina. Nakatingin lang ako sa kanya habang nag-pu-push-up. This is so boring. "Hoy! tigilan niyo 'yan! bakit niyo pinapahirapan ung pinsan ko?" Sabay-sabay kaming napalingon sa isang babaeng pamilyar sa aking panangin. Nakatayo siya sa pinto at nakapameywang pa. Siya...Anong ginagawa niya dito? "Who the hell are you?" Lapit sakanya ni Nina. Isa ding mataray sa grupo. 'Di niya pinansin si Nina at dire-diretsong nilapitan 'yong pinsan daw niya. "Kitkat, Anong ginagawa mo dito?" halatang gulat ito ng makita siya. "Umalis na tayo dito. Bakit ka nila pinag-pu-push-up, ha? pinapahirapan ka ba ng mga 'to?" sabay duro niya sa amin. "Hey girl, watch your mouth! siya ang gustong sumali sa amin, okay?" Sabat naman ni Nina. "'Di kita kinakausap," Pagtataray niya pa. "Abat!" Susugurin na sana nito si Kitkat, pero mabilis ko siyang nahawakan sa braso. "Don't!" "What?!" 'Di nito makapaniwalang wika. "I said, don't." Seryosong sabi ko. Wala siyang nagawa kundi tingnan na lang ng masama si Kitkat, habang hila hila 'yong pinsan niya. Lumapit na ko sa kanila at nagtama ang mga mata namin. "Ikaw?!" Nanlalaki ang mga matang nakatitig sa'kin. Ngumiti lang ako sa kanya habang papalapit sa kanila, ng bigla niyang tapakan 'yong paa ko. "Ouch!" Halos mapamura ako sa sakit ng paa kong tinapakan nito. Habol tingin na lang ang nagawa ko sa dalawa habang tumatakbo palabas ng pinto. Agad naman akong nilapitan nila Nina. "Bus, ayos ka lang? 'Di bale akong bahala sa dalawa 'yon. Lalo na isang mataray na akala mo kung sinong sigang sumugod dito," banta ni Lea. "No! 'wag mo siyang gagalawin," Napakunot noo naman si Lea habang nakatitig sa'kin. "At kailan ka pa naging concern sa mga new student dito, aber? at may lakas loob na saktan ka," Taas kilay na tanong niya. "Ako ng bahala sa kanya." Tanging tugon ko dito. Hindi ko kayang magalit or mainis sa babaeng 'yon kahit nasaktan niya ako kanina. Parang mas natutuwa pa nga ako dahil napansin niya ako, eh. Ang weird, noh? pero gusto ko ang kanyang atensyon. I want to get closer to her. Kahit hindi maganda ang una naming pagtatapat. Mataray at matapang ang isang 'yon. Lalo tuloy akong nacha-challenge sa kanya. Ang cute niya kasing magtaray. Napapangiti niya ako sa gano'ng paraan. . . .

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Beauty As The Beast

read
36.0K
bc

The Jerk and The Transgender (Hot Trans Series #1)

read
57.0K
bc

NINONG

read
384.3K
bc

NINONG III

read
405.6K
bc

NINONG II

read
642.4K
bc

BAYAW

read
79.1K
bc

POSSESSIVE HEIRS1-ACE ANDERSON

read
71.5K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook