Kabanata 2

1488 Words
Rizalyn . "Wow new look 'te?" si Vanny, "hindi kita nakilala, Riz. Kamukha mo si Marian Rivera na naging blonde girl." Sabay hawi sa mahabang buhok niya. Umupo na ako sa tabi niya at panay ang nguya niya habang nakatitig sa akin. Belinda wants me home, but the heck, after what happened tonight, I don't think I could sleep peacefully. Naglalaro sa isip ang nangyari kanina sa banyo ng hotel na iyon at hindi ko maalis ito. Pero imbes na isipin ang masarap na halik niya at haplos ay kumulo lang din ang dugo ko nang maalala na hindi niya ako kilala. Ang laking tanga! "Ano? Nahanap mo na ba ang prince charming mo? Baka naman naging palaka at nag-asawa na ng iba?" Lakas na tawa niya habang iniinom ang tequila. "Pa-shot nga!" Iinom na sana siya pero mabilis kong inagaw ito sa kamay niya at mabilis na ininom. Napangiwi ako, kaya imbes na lemon ay ice cube ang kinuha ko at pinasok sa bibig ko ito at ginawang candy. "Gi-atay jud ka'ng lakiha ba! Pesti ka talaga Nestor! Hanggang dito ba naman sa Mexico hindi ako pinapansin at nakikitim pa sa iba't-ibang mestisa? Huh, ang hanep, Vaninay! Pesti! Eh mestisa rin naman ako sa gabing ito ah!" Napatakip si Vanny sa tainga niya dahil sa lakas ng boses ko. Kung nasa harapan ko lang si Nestor ngayon ay tiyak sampal at suntok ang makukuha niya sa akin. Ang sarap talagang lunurin ng lalaking iyon! Hindi ko na hinintay na si Vanny pa ang magbigay ng panibagong shot dahil ang bote na mismo ang kinuha ko. "Shocks. . . Nakakatakot ka ma-inlove, besh. Ayaw ko yata na matulad sa' yo. Mukha kang tigress." Ulit na tawa niya at napailing pa. "I hate him! And I wish his happiness to hell with Irene!" Pabagsak ang paglagay ko sa bote sa mesa. Kulang na lang mabasag ito at napatingin na ang iilang kalalakihan sa tabi namin ngayon. Natawa lang ulit si Vaninay at sumenyas sa mga lalaki rito. "Lumabas na nga tayo. Pahangin tayo." Hawak niya sa palapulsuhan ko. Kinuha ko agad ang bote ng tequila dahil may laman pa naman ito at sumunod na ako sa kanya, palabas dito. Malamig ang ihip nang hangin at mula rito sa kinatatayuan namin ni Vanny ay maliwanag ang buong paligid. Tanaw ang buong karagatan ng Playa del Carmen. Napabuntonghininga ako sa sarili at pikit ang mga mata. Hindi ko na napansin na pumatak na pala ang walanghiyang luha ko. Kainis talaga! Playa del Carmen reminds me of Palawan, the place that I couldn't forget. Sa mismong lugar kasi na iyon nangyari ang unang halik ko sa kanya na nakadilat ang mga mata. There was no mistake and he knows that he was kissing me and not any other woman. Pero hanggang doon na lang yata ang masayang alaala nang halik na iyon, dahil mukhang hindi naman mahalaga ito sa kanya. I think I am so stupid to what I stand and believe. . . May paninindigan ako sa sarili, at kahit noon paman ay pinaglalaban ko ang damdamin ko sa kanya sa kabila ng kabaliwan ko. Ate Raquel already told me that I would gain nothing but heartache. And guess what? She was right. I should have listened to her. "Heto, tubig." Bigay niya sa tubig at ininom ko ito. Gumaan agad ang pakiramdam ko. Ang init kasi ng loob ko. Nakikisabay sa init ng ulo ko. "Uuwi na ba tayo?" kalmadong boses ni Vanny sa akin. "Oo. . . May ticket na," ngiti ko sa kanya. "Pasensya ka na, Vaninay. Nadamay ka pa tuloy kita sa kalukuhan ko," pormal na titig ko sa kanya. Umiwas din ako at inubos na ang malamig na tubig na bigay niya. "Okay lang. . . Nag-eenjoy naman ako ano. Pasalamat nga ako sa' yo dahil na-experience ko ang ganito. Sinong mag-aakala na isasama mo ako rito sa Mexico? Wala 'di ba? And besides, ako lang din ang pinagkakatiwalaan ni Ma'am Aireen. . . Alam mo na," ngiti niya. I nodded and smiled a little bit. I looked away from her and stared at the peaceful calm sea waters. Ang tanging maingay lang ngayon ay ang hangin sa paligid. Maliban dito ay wala na. Amoy ko rin ang alat sa hangin at naging gamot ito sa loob ko. I called Vanny as Vaninay. Katulong siya nina Mama Aireen sa hacienda sa Bukidnon. Siya ang unang naging kaibigan ko nang umikot ang panibagong yugto nang buhay ko. Sana nga pala hindi na ako sumama sa totoong ama ko at pinabayaan na sila. Pero kasi may ambisyon ako at gusto kong guminhawa kaya tinahak ko na ang makabagong mundo at hindi inantala na mas magulo pala ito sa dating mundo ko. Gusto ko rin na makuha ang lalaking gustong-gusto ko at masundan siya. Kaya nandito ako sa Mexico. Baliw na kung baliw, pero ganito magmahal ang puso ng isang Rizalyn Joy Borres - Dela Merced. Bagay nga sa akin ang second name ko na 'Joy', dahil tinatago ko ang lahat ng sakit sa pamamagitan ng pagkukunwari at ngiti. Pero tanga naman ako pagdating sa puso. I believe in an old saying that says; the heart wants what it wants. Unconditional love. And the one that says, absence makes the heart grow fonder. And of course, papahuli ba naman ang 'love is blind'. Huh, kaloka ito, ang daming motto ko pagdating sa pag-ibig pero talo pa rin ako! "Tumawag nga pala ang kuya mo. Kumusta ka na raw?" I chuckle with a bitter smile. I wish Kuya Francis were against all of these. But no, he wasn't, because he was the first person who encouraged me to go with my father. "I told him that you are doing good, and happy?" Ngiwi ni Vaninay sa akin. Nakakatawa ang histura ng mukha niya. "Heck, I'm happy as hell, Vaninay? Ano ba sa tingin mo?" Nguso ko sa kanya. "Oo, 'te ang saya-saya mo grabe! Desperada nga lang." Tahimik na tawa niya. "At least, sinubukan ko! Eh, wala talaga eh. . . Tanga na, baliw pa! Tsk, kanino ba ako nagmana?" "Sa ama mo siguro?" kantyaw ulit niya. "Hindi ah. . . baka kay Mama ako nagmana," pagtutuwid ko. "Talaga? Kung sa bagay. . . Pero ma-swerte ka pa rin ano. Mayaman kasi ang totoong ama mo. Hindi mo na kailangan kumayod gaya ng dati dahil mayaman ka na eh, at may sariling ka pang alalay." Pa-cute niya sa akin. Siya lang naman ito! "Well, I agree, but at the same time I disagree. Hindi naman ako malaya 'te, at ngayon lang din," buntonghininga ko sa sarili. Naalala ko lang ang pangako ko kay Papa at mukhang maniningil na yata siya nito. Tiyak malapit na. "Hindi ka naman siguro ipapakasal sa isang arabu ano?" pagbibiro niya. Namilog ang mga mata ko sa sinabi niya at kurap sa sarili. Hindi ko yata inisip ito, at ni hindi ito sumagi sa isip ko. "Ano?" awang ng labi ko. What the - no! Ayaw ko! "I don't think so! I believe it will be a dignified Prince. Eww, ayaw ko nga sa balot ano!" ngiwi ko sa sarili. Kinilabutan lang din ako. I couldn't imagine myself if I would marry a man who wanted a wife fully wrap-up. I mean, there is nothing wrong with what they believe. All you have to do is to be an excellent wife to them, but not me. Masyado akong liberated manamit. Mangagati lang ang balat ko kung ibabalot ko ito. Tutubuan yata ako ng pimples sa buong katawan ko. "Oo, nakakatakot ang balot, Riz. OMG, hindi na kita ma-imagine 'te?" pananakot na titig niya, pero may halong ngiti ito. Kinabahan na ako at napalunok lang din. Naisip ko si Elsa, ang pinsan ko. Pinakasal siya sa isang mayaman na arabu ng daddy niya. She's the perfect image of Mama Mary. Dios ko 'te. Hindi ko carry. . . Oh my gosh! Magtatago na yata ako. Napatayo na ako at makailang beses ang ginawa kong pagkurap habang nakatitig kay Vaninay. "Sa tingin mo? Ipapakasal ba ako ni Papa sa isang arabo?" "Ewan ko," nguso niya. Inosente ang ginawang titig niya at mukhang wala nga naman siyang kaalaman-alam talaga. Huh, kaloka! Ang swerte ni Glorisha, dahil ang kinaiinisan ko na lalaki ang magiging sa kanya. How did it happen? I hate her! How the hell did she end up marrying Rylie Nestor Ferrante? Bakit sa kanya pa? E, pwede naman na sa akin ito binigay ni Papa. Pero hindi, dahil sa isang spoiled brat na kapatid ko pa! "Hoy, saan ka pupunta? Hindi mo akong pwedeng ewan dito ano!" Sunod na hakbang niya sa akin. Mabilis ang hakbang ko pabalik sa sasakyan at mabilis ang ginawa kong pagtipa ng mensahi para kay Belinda. "Uuwi na muna ako. Kakausapin ko lang si Papa. Nasa bahay pa raw siya sabi ni Belinda." "Sige. Uwi na tayo!" ngiting-ngiti niya. . C.M. LOUDEN
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD