Nagiging emosyonal ang apat at walang tigil sa pagpatak ang kanilang mga luha, umupo silang at nagkukwentuhan. Habang ang kamay ni Kumander Allhe ay hawak-hawak ni CGPA. Sirocco. "Kaya pala noong una kitang nakita sa academy ang gaan-gaan ng loob ko sa iyo, dahil anak pala kita," madamdaming pag-amin ni General. "Honey, natatandaan mo ba? Noong sinabi ko sa iyo na pareho kayo ng habit?" Paalala ni doktora Sheann. "Anong habit?" tanong ni Kumander Allhean. "Iyang habit ninyong dalawa na kapag nag-iisip ay biglang hahawak sa tainga. Manang-mana ka sa kaniya. Parehong napangiti ang mag-ama, at maya-maya pa ay muli na naman siyang niyakap at bigla itong humagulgol. "Hindi talaga ako makapaniwala na buhay ka, at mas lalong hindi ako makapaniwala na ang aking Allhean ay magmamana sa