PINAG-UUSAPAN nila ang tungkol sa plano at kung ano ang kanilang dapat gawin. Sumang-ayon naman si Louella sa plano nila at handang-danda siyang tumulong, dahil tulad ni Allhean ay kapayapaan rin ang kaniyang hinahangad. Natapos ang kanilang diskusyon nasa garden si Jacob at Kumander Allhe, na kasalukuyang nagkukwentuhan. At lumapit sa kanila si Louella. "Allhean..." tawag nito sa kaniya at lumingon naman si Allhe. "Bakit?" simpleng tugon niya. "Can we talk?" "Sige! Tungkol saan?" "About us," "Okay." "Maiwan ko muna kayo," pahayag ni Jacob at tumayo ito. "Sana maging okay na kayo," dagdag pa nito at humalik ito sa noo niya at saka umalis. "Susubukan ko," simpleng tugon niya. "Puntahan ko muna sila Tito." "Okay!" nakangiti niyang tugon, at umalis na ito. "Maupo ka!" Alok