Ep. 19 Third Person POV

1105 Words

Mrs. Madrigal point of view: Nangingiti kong hinahaplos ang pisngi ng anak ko habang nahihimbing pa rin ito. Walang pagsidlan nang tuwa sa puso ko habang napapalapit na dito. Nagagawa na niya akong tawaging Mama. Napakasarap sa pakiramdam ko habang paulit-ulit nag-re-replay sa utak ko ang unang beses nitong pagtawag sa akin kahapon ng Mama. Maging si Dwayne ay mababakasan ng tuwa nang tawagin siya ni Buchay ng Papa. Kaya na ba nating ilabas si Buchay, baby? Napalingon ako sa asawa kong naupo na rin dito sa gilid ng kama at marahang hinaplos ang pisngi ng anak naming kay sarap pagmasdan habang nahihimbing. Kuhang-kuha niya talaga ang kagwapuhan ng Ama niya. Kaya hindi ko masisi si Cathleen na nahumaling sa anak namin. Paano natin malalaman ang capacity niya kung hindi natin susubukan?

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD