Keithe Wala akong nagawa sa maghapon kong trabaho sa factory ko. Buong araw akong tulala lalo't alam kong naririyan lang siya sa malapit. Nakikita ko ang Auto Parts Shop sa tapat mula dito sa loob ng opisina ko at kanina ay nakita kong ginagawa niya ang kotse ko sa loob ng shop. I just chose to close the curtains of the glass wall of my office so I couldn’t see him and he would definitely grab my attention. Hindi rin ako nagtagal sa pagtitig sa kanya dahil hubad-baro siya at nakikita ko ang malaking tattoo niya sa katawan. Nagtataka lang ako kung bakit nagpalagay siya ng gano'n kalaki. Nakita ko na ang katawan niya dati pa habang nagbi-video call kami noon, ngunit noon ay napakalinis pa ng balat niya. Ano naman kaya ang naisipan niya at nagpalagay siya ng gano'n? Kaninang tanghali ay