Keithe Paglabas ko ng banyo ay naririnig ko ang napakaraming boses mula sa labas ng apartment. Kaagad akong nagtungo sa naka-awang na pinto dahil hindi ko nadatnan dito sa labas ang magaling na lalaki! "Huwag kayong mag-umpukan dito! Magsilayo kayo! Paano makakahinga ang pasyente?! Ang babaho niyo pa!" "Baka naman buntis 'yang anak niyo, Aling Marites! Aba'y ilang araw ko na ring nakikitang kasama niyan 'yong bago niyong tenant sa apartment niyo!" "Hindi kaya boyfriend iyon ng anak mo?! Hindi lang nagsasabi 'yang batang 'yan!" Napanganga ako nang mabungaran ko dito sa labas ang napakaraming tao at halos sinakop na nila ang buong kalsada. Anong meron? May piyesta ba? "Hindi ba siya iyon? Ang boyfriend ng anak mo! Siguradong siya ang ama ng ipinagbubuntis ng anak mo!" Napalingon ako s